Chapter 23

535 31 7
                                    

"What?!!" Tanong ko sa kanya.

"Don't you dare Rae, don't you dare!"

Sabi sakin netong ate ko hahahaha! LT!

"Wag ka magalala pag nakita ko na si V, iyong iyo na si Chim. Pero ngayon akin muna sya huehue! --Ouch!" Batukan ba naman ako!

"Landi neto! Batukan kita jan eh!"

"Binatukan mo na nga ko eh! Kotongan kaya kita?"

"Gawa!"

"Wag na naaawa ako eh."

"Tss"

Pagkatapos ng asaran namin ay napaisip naman ako bigla sa mga nangyari.

Hindi parin ako makapaniwala na sya talaga yung nakausap ko,ang bias wrecker ko.

Bilang isang fangirl, mahirap talagang paniwalaan ang mga gantong bagay. Akala ko sa wattpad lang nangyayari ang mga to, pero pwede rin pala sa personal, napapaisip tuloy ako, ano kaya ang susunod na mangyayari? Wala na akong ideya. Ang naiisip ko lang ngayon ay sana tuloy tuloy na tong swerte ko hanggang future haha!

Biruin mo parang dati lang, baliw na baliw pa ko sa kanila, mangiyak ngiyak na ko kapag may concert sila dito na hindi man lang ako makapunta kasi walang pambili ng ticket at hindi rin ako pinayagan. Pero ngayon? Unexpected! Nakita ko na ang isang member ng BANGTAN ng LIBRE at nakausap ko pa pero sa phone lang!! Pero ok lang yun, kung mangyayari man ito araw araw, dinaig ko pa ang isang fangirl na nakapunta sa concert ng Bangtan sa sobrang saya, diko maimagine lahat ng nangyayari ngayon. Iniimagine ko, isa isa ko silang makikita bawat araw at makakausap ang sarap sa pakiramdam.. Tapos hanggang sa lumalim na yung pagtitinginan namin sa isa't isa, hanggang sa lahat sila pag aagawan na ako-- wait? Teka nga! Over naman na imagination ko! Haha!

Napapaisip tuloy ako, pano ko kaya sasabihin sa mga kaibigan ko tong nangyayari sakin ngayon? Sigurado naman kasi na maiinis sila sakin kapag diko sinabi sa kanila ang tungkol dito eh.

Hays, sasabihin ko naman sa kanila to pero hindi muna sa ngayon wala pa kong ideya kung paano ko sasabihin sa kanila..

Sigurado rin ako na hindi sila agad agad maniniwala sakin at pagtatawanan lang ako ng mga yun.

Tsaka kapag sinabi ko ng deretsuhan, sasabihin nila, kung anu ano nanaman ba nakain ko at nagiimbento ako ng kwento?

Mahirap naman kasi talaga paniwalaan ang sitwasyon ko eh.

Isang Park Jimin na biglang kumausap ng fan? Tapos video call pa?

Unbelievable!

Sa sobrang saya ko, gustong gusto ko na talaga ikwento sa kanila ang tungkol dito pero hindi pa talaga pwede sa ngayon. Baka mamaya wala pang isang minuto kalat na kalat na agad na may kausap na Fangirl ang isang Park Jimin!

"Oy gising oy tulalang tulala ka jan!" Sabi sakin ni ate na kalabit nang kalabit sakin.

"Hindi parin kasi talaga ako makapaniwala sa nangyari eh."

"Eh kung ganon.."

"Ano?"

"Edi wag mo paniwalaan madali lang naman yan!"

"Seryoso kasi ate, paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko to? Ayoko magtago ng sikreto sa kanila. At sigurado ako pag diko naman sinabi sa kanila, at bigla nalang nila nalaman sa kung saan man, magagalit sila sakin. Eh kapag sinabi ko naman ng biglaan, sigurado ako, pagtatawanan lang din nila ko!"

"Basta wag mo muna sabihin sa kanila ung tungkol jan. Magisip ka muna ng pwedeng sasabihin ng eksakto sa kanila para maniwala talaga sila. Tsaka mo na sabihin sa kanila kapag ok ka na. Mahirap naman kasi talaga paniwalaan yan. Maski ako eh hindi rin naman ako maniniwala sayo kapag sinabi mo sakin yan hangga't wala akong nakikitang ebidensya."

"So, kailangan magpakita din ako ng ebidensya sa kanila para maniwala sila sakin?"

"Ganun na nga! Kasi kapag sinabi mo lang sa kanila basta basta, baka sabihin nila barbero ka!"

"Ano connect?"

"Wifi"

"Huh?"

"Hay nako basta ewan!"

"Ewan ko rin sayo kung anu ano pinagsasabe mo!... Eh ano naman kaya ang maipapakita kong ebidensya sa kanila?"

"Ipabasa mo muna sa kanila ung convo nyo ni Jimin sa text! Wait lang may alam na ba sila tungkol jan,? Kahit konti lang? May naikukwento ka na ba sa kanila tungkol jan nung nagtetext palang kayo? Nung di ka pa naniniwala na si Jimin nga yang katext mo?"

"Oo nakwento ko na sa kanila yun. Na may nagpapanggap na member ng BTS!"

"Oh anong reaksyon nila?"

"Wala naman may sumang ayon may nangasar!"

"Oh! Madali nalang yan!! Sure ako maniniwala sila agad jan! Ipabasa mo na yan sa kanila yang convo nyo!"

"Eh pano kapag sabihin nila na masyado naman akong naniniwala sa text lang?"

"Oo nga no! Hays! Edi ipakita mo sa kanila ung fb account ni Jimin!"

"Heller! Nakita mo naman account nya diba? Parang pang RP acc lang talaga!"

"Edi ipabasa mo ung convo nyo sa chat!"

"Eh wala naman kami gaanong convo nun sa chat kasi nga nag video call na kami!"

"Edi ipakita mo sa kanila yung video call nyo! -- aray!!" Inis na sabi nya sakin nang hinahawak hawakan ung parte ng ulo nya na binatukan ko.

"Tingin mo narerecord yon?!!"

"Ayy sorry nemen!"

"Hayss pano baaa?"

"Ah alam ko na!!!"

"Oh ano?"

"Papuntahin mo kaya sila dito isang araw tapos isakto mo na nag tetext or naguusap kayo ni Jimin.. Tapos yayain mo sya n--"

"NA ANO?!!" Nanlalaki at gulat na tanong ko.

"Na makipag video call kase! Tapos ayun kapag nakita nila na si Jimin nga yun, sure ako, mahihimatay sila."

"Great idea!! Ang talino mo talaga ate! Mana ka sakin!"

"Kapal!"

"Eh kelan naman yun?"

"Bukas!! Papuntahin mo sila dito.."

"Haha sige sige"

Huminga ako ng malalim ano kaya mangyayari bukas.. Naiimagine ko na ang magiging reaksyon nila! Hahaha!

Napatahimik kaming dalawa ni ate ng magvibrate ng isang beses ang phone na hawak ko.

Nagtext sya. Si Jimin. Shems eto nanaman tayo!

From: Real Jimin
Pinalitan ko na ulit name nya hahaha!

"Yow babe? Sorry di kita makakausap na ngayon.. Pwede tomorrow na lang ulit?"

What?! Di nya naman kailangan magsorry eh.. Hindi nya na nga rin kailangan sabihin sakin na hindi nya na ako makakausap ngayon. Tapos nag babe nanaman sya?! Yung totoo ang dating kasi sakin parang ung pagtatype nya akala mo boyfriend ko sya! Haha seryoso bakit ganyan sya magpakilig sa mga fans nya?

To: Real Jimin

"Ha? Oo sige hehe."

Wala akong masabi.. Bakit ganto? Please lang Jimin. Tigilan mo ko. Kay V lang ako!

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now