Chapter 39

363 19 16
                                    

"N-Nagkita kayo?" -Ella.

"P-paano?" -Marianne.

"B-ba't di mo sinabi samin?" - Faye.

"Kaya nga magpapaliwanag na ko diba?" Sabi ko naman.

"Eto na ganto kase yan mga bessywap diba pumunta kami ni ate ng mall kahapon, pagkatapos namin kumain non, nag-cr muna sya tapos ako dumeretso na sa bilihan ng kpop merch. Si ate, habang naglalakad daw sya sa cr may nakabungguan syang lalaki na naka mask tapos pormahan ni Jimin yung porma nya. Tapos nag sorry daw si Jimin sa kanya in korean language. And then sa di inaasahan, nung naglalakad din ako papunta sa store kpop merch may nakabungguan din ako-"

"Puro bungguan leshe." -Ella

"Sandale di pa ko tapos minamadali ko na nga, eh sa ganon ung nangyare eh ano magagawa naten diba?" Sabi ko .

"Osige tuloy mo na highblood ka nanaman e." -Marianne.

"Eto na, sa sobrang lakas ng pagkabunggo naming dalawa napaupo ako sa sahig tapos nagulat nalang ako nang inilahad nya na ung kamay nya para tulungan ako makatayo. Tapos nung nakatayo na ko, napatingin at nashookt naman ako sa kanya kase ang tangkad tapos nakamask den pero ung mata nya parang kay Tae talaga. Pagkatapos non nagpapanic na mga laman loob ko. Tapos nagthank you ako, sya naman sabi nya sorry in korean language din sabay may karugtong pang 'wala yun'. Kaya mas lalo akong nagpanic. Tapos diko na namalayan umalis na pala sya. Hanggang sa nakita ko na si ate tumatakbo na papunta sakin halatang nagmamadali. Kaya sinalubong ko sya tapos nakwento nya nga sakin ung about sa nakabungguan nya sabi nya nga na parang si Jimin daw yun tapos nakwento ko rin yung akin kaya nabuo ung pagiisip namin na baka nga nandoon din bts noon sa mall. Kaya nagpanic na kami takbo kami ng takbo hanap dito hanap doon. Inikot namin ung buong 2nd flr pati 1st flr pero wala parin kaming nahahanap. May last flr pa kaming hindi napupuntahan kaya nagmadali na kami puntahan yun kase baka doon na namin sila makikita sa ground flr. Nang nasa tapat na kami ng elevator, pinindot na agad ung botton non tapos naghintay pa kami ilang seconds. Habang naghihintay kami sa elev, nakahawak pa ko sa dalawang tuhod ko dahil hingal na hingal na ko. Tas ilang saglit lang naaninag ko na yung elev, tumigil na sa harap namin galing sa ground flr. Pano yan gound flr din ang punta namin, eh yung elev papuntang 2nd flr kaya no choice hintay nalang talaga. Nung bumukas na ung pintuan ng elev bigla ako hinawakan ni ate tas ako naman tumingin sa kanya magsasalita na sana ako sa kanya na pumasok na kami dahil nagmamadali na kaso nakita ko ung mukha na nakatulala dun sa elevator kaya napatingin ako. Pagtingin ko, potangina bts pala . Binilang ko pa sila pito nga sila. Kaya hindi talaga ko makapaniwala potangina . Kase nakakapota talaga pramis. Diko inaakala po-"

"Kingina puro ka mura ituloy mo na!" -Faye.

"So ayon, nung nakita ko sila nanlaki mata ko, ganun din sila nakita namin nanlaki din yung mata nila. Pero nagpanggap nalang kami na walang alam kaya pumasok na kami ni ate sa langit este elevator-"

"Hala pota ibig sabihin nakasabay nyo sila sa elevator?" -Marianne.

"Ganon na nga. Tapos siksikan pa o diba lalong hindi kami makakalma pero kailangan talaga naming umakto ng ate ko na wala kaming alam. Tapos inaalala ko pa kung bakit kaya sila nagulat tapos napatingin ako bigla sa shirt namin ni ate. Naka wings shirt nga pala kame odiba kahihiyan pt.1. Tapos nagkadikit pa kami ng kamay si Suga tas bigla syang nagsorry. Leshe diko kinaya yon. At eto paa! Letse!"

"ANO?" -Ella.

"Pinakanakakahiyang nangyare kahihiyan pt.2 nung may nagring na phone sa loob ng elevator tapos INeed U pa ung tugtog!"

"AY POYA WEH?" -Marianne.

"Tang- HAHAHAHA" -Ella.

"Oh ano nangyareee?" - Faye.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now