Chapter 44

377 17 21
                                    

The next day..

RAE's POV

Unbelievable, and unexpected lahat. Ngayong araw na to magkikita kami ni Jimin na kaming dalawa lang. Parang date na rin kung yun ang gusto nyong isipin. Syempre eto nanaman ako, kinakabahan sa pwedeng mangyari kasi baka may makakilala sa kanya at sa akin. Masaya't na-e-excited kase finally makakausap at makakasama ko na ang isa sa mga faves ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na intindihin ko kung dapat maging masaya ako o dapat magalala ako. Mahihirapan din naman kayo kung kayo ang nasa sitwasyon ko. Minsan talaga napapatanong ako, bakit sakin pa? Bakit sakin pa sila nagkagusto? Bakit ako? Eh samantalang andaming babae sa buong mundo? Pero kung hindi rin naman sa akin nangyari to malamang kai-inggitan ko rin ung babaeng nasa sitwasyon ko ngayon. Kaya minsan diko alam kung kamalasan or blessings lahat ng to. Pero pareho eh. Kamalasan dahil ang hirap pumili sa dalawa at siguradong once na malaman ng mga fans ang tungkol dito ay malamang halu-halong comments ang matatanggap ko. Blessing rin dahil nakilala ko sila, at minahal din nila ako. Hindi ko na alam.

Time check, 2:30pm kakatapos ko lang maligo at nagbihis na rin ako. Nagaayos nalang ako ngayon ng mukha ko pero hindi ako magmemake-up. Hindi ko hilig kase parang pabigat lang sa mukha at di rin ako sanay eh. Kaya tamang pulbos lang ang gamit ko at kinakagat kagat ko nalang labi ko para medyo mag-red. Ganun lagi ginagawa ko kung sakaling may pupuntahan pero maayos naman mukha ko. Nakatimberland shoes ako, naka-shorts, loose shirt na black naka tuck-in sa harapan sa labas naman hindi. Nakalugay lang rin ung buhok ko. Kahit na si Jimin parin talaga ung kikitain ko, ayoko parin pumorma ng as in porma talaga. Gusto ko simple lang ung comfortable ako.

2:50pm paalis na ko ng bahay. Sobra na ung kaba ko. Goodluck nalang saming dalawa.

TAEHYUNG's POV

2:20pm kakagising ko lang. Ang galing diba? Simula kagabi tulog ako nagising ako hapon na. Syempre kaya lang naman inabot ng ganto ung gising ko dahil nagplano ako. At alam nyo na kung para saan yon. Lumabas na ako ng kwarto ko para kumain na ng pagkain wala pa kong kain kain eh. Sakto namang paglabas ko ng pinto nakita ko si Jimin na lumabas rin ng kwarto nya at bihis na bihis. Naka black shoes na puma, ripped jeans, black shirt and denim. Alam ko na agad kung saan pupunta to
"Mga hyung, alis muna ako ah" -paalam ni tukmol sa ibang members
"San punta?" - Jin
"May lakad lang. Saglit lang ako" - tukmol.
Wow ang lapit ng sagot ha. Tanginang yan. Napatingin naman ako sa wall clock namin pagkatingin ko nanlaki ung mata ko tangina ilang minuto nalang pala maga-alas tres na dapat maunahan ko syang pumuntang mall kundi sira lahat ng plano ko. Napatingin naman agad ako sa sofa na nandun nakaupo si jungkook na kumakain ng ice cream. Kilala nya ako, alam nya agad kapag ganto ung sitwasyon madalas na may binabalak ako sya rin ang katu-katulong ko minsan eh pero di naman sya nalalagay sa panganib. Agad agad nyang binitawan ung ice cream at inihagis ung kutsara sabay tumakbo kay jimin na papalabas na sana ng pintuan. 'GOOD JOB BRO' bulong ko sa sarili ko.

"JIMIN HYUUUUUNG" - muntik pa syang matapilok kakamadali agad nya ring hinawakan ung denim na suot neto. Napatingin naman kaagad sa kanya ung ibang ka-member namin.
"Oh ba't?" - sagot ni tukmol.
"Kakatawag lang pala sakin ni pd nim, sabi dapat daw alas tres nandun na tayo agad sa office nya, may mahalaga daw syang sasabihin!" Nice jungkook.
"Ha? Hindi pwede. Alas tres din ung lakad ko. Bawal ako mahuli. Teka may tatawagan lang ako" putangina wag nyang tatawagan masisira talaga plano ko napatingin naman si jungkook sakin at nanlaki ulit mata ko, kinuha nya naman agad ung phone ni jimin sa kamay nya.
"Jimin hyung wala nang oras tara na!" Wala nang nagawa si jimin dahil hinila na agad sya ni jungkook palabas. Papunta na ng office yun malamang kaso pano kaya yun si pd nim pa talaga naisipang gawing palusot neto ni jungkook patay na. Sya na bahala gumawa ng paraan jan diko na kasalanan yan HAHA. Agad agad naman akong pumasok ng kwarto ko at naligo sabay nagbihis. Nakaripped jeans din ako, white puma shoes, at hoodie na black, nakacap sabay mask. Time check 2:35. Nagtataka kayo sa oras? Ligong uwak lang kasi ginawa ko. Pero kahit ligong uwak ako malinis parin noh naligo naman ako bago matulog eh. Lumabas na ko ng kwarto ko at nagpaalam sa ka-members ko.
"Oh ikaw rin? San ka naman pupunta?" -Hoseok
"Sa lugar kung saan maraming damo. Ipapakain ko sayo joke. Bye muna mga hyung"
Agad na akong lumabas at kinuha ung kotse sa parking lot may tatlong kotse kasing binigay si bighit para saming grupo habang nandito kami sa ph. Yung isa ginamit na nila jungkook wala na dito eh. Yung isa naman gagamitin ko. Bale isa nalang matitira. Sabi sa inyo magaling ako sa math eh.

Rae, here I come. Hentain mo ko.

JUNGKOOK's POV

Nagmamaneho na ko ngayon kasama si Jimin papunta kaming office ni pd nim ngayon. Tangina ang laking problema neto bakit kasi si pd nim pa unang pumasok sa utak ko baka mamaya pagalitan ako. Sisisihin ko talaga si Tae. Saktong nagtext naman si namjoon sakin pagkabasa ko, pinapapunta daw sya ni pd nim sa office may ipapagawa daw sa kanya since papunta na rin daw kami ni jimin hyung, kami nalang daw muna alam naman na daw ni pd nim kaya ok na. Hay salamat jusmiyo ajhajhsashd nakahinga ako ng malalim ampota good timing naks naman.

JIMIN's POV

Papunta kami ni jungkook ngayon sa office ni pd nim. Wrong timing naman oh. Kung kelan makikita ko na si Rae tsaka naman nangyari to pakshet. Diko rin naman makuha kay jungkook yung phone ko para makapag paalam naman muna kay Rae kaso ayaw nya ibigay. Bakit kaya? Nakakakutob na ko dito ah malaman ko lang na may kinalaman si taehyung dito...

RAE's POV

nandito ako sa starbucks bumili lang saglit since hindi pa naman nagtetext si Jimin bakit kaya? Lagpas na ng ilang minuto ung call time namin pero wala parin sya.

Paglabas ko ng glass door ng starbucks tinignan ko sa paligid kung nandito na ba sya pero wala parin chineck ko na rin ung phone ko pero wala ring text ni isa. Ano kayang nangyari dun?

Naglalakad lakad lang ako ng biglang...

"Shit! Aray!" Nabunggo lang naman ako. Oo! May nakabungguan nanaman ako at the second time and at the same place. May kamalasan talagang dulot sakin tong mall na to ano? Napaupo nalang ako bigla sa sahig buti nalang hindi natapon ung binili kong frappe medyo mahigpit naman ang pagkakatakip.

"Fuck! Okay ka lang Rae? Sorry!"

Lucky ARMY (continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon