Chapter 31

395 18 5
                                    

So ayun, nandito kami ni ate sa foodcourt ngayon nilampasan muna namin ung store ng mga poster kasi gutom na nga raw sya.. Naka upo kami dito malapit sa KimBob.

Korean foods ang mga binebenta dito bumili kami ni ate ng Ramen.

Kaya dito kami pumwesto kase nga alam nyo na napapalibutan ng mga koreans huehue! Kaya heto feel na feel namin pag upo dito feeling namin nasa SoKor na talaga kami.

“Ate, anong gagawin mo kung kunyare nandito ang Bangtan?” pag open ko ng topic sa kanya habang kumakain kami.

“Rae, wag ka na umasa..” sabi ni ate sakin.

“Hindi naman sa umaasa nagtatanong nga lang diba?” kahit sa totoo lang umaasa talaga ako.. Malay mo naman kase hindi malabong nandito ang Bangtan oh ang daming koryano! Baka mamaya nanjan lang pala sila kaidikit ng ibang mga koryano, di lang namin napansin kasi ang dami nila dito tapos magkakamukha pa. Diba??

“eh ano pa sa tingin mo? Edi go na sunod na! Kausapin na!” sagot nya sakin.

“sus sabi sabi ka nyan, tingin mo madaling gawin yan kung talagang nandito sila?”

“Hindi syempre! Pero alam mo, pagdating sa mga ganyan dapat wag pairalin ang kahiyaan dapat pakapalan na ng mukha yan! First time lang mangyayari sa buhay naten yon tapos papalampasin pa? Tsaka akala ko ba makapal mukha mo?”

“Mas makapal ung iyo!” sagot ko.

“tss ewan ko sayo! Kumain na nga tayo! Mang ha-hunt pa tayo ng gwapong koryano eh! Baka mamaya umalis na ung iba sige ka!”

At ayun kumain na nga kami.. After few mins, halos wala nang nakapalibot na koryano sa inuupuan namin, so ano pang use ng pag upo namin dito? Hahaha!

Pagka tayo namin sa kinauupuan namin, “Rae, mauna ka na bilihan ng mga poster susunod nalang ako mag c-cr lang ako hintayin mo ko dun ah!”

“Oo! Dalian mo na!”

At naghiwalay na kami ng landas! Sya dumeretso na sa cr ako naman naglakad na papunta sa store ng mga poster, kpop merch, etc.

Pag tuwing pumupunta kami ni ate dito sa mall na to, ang unang una naming tinatambayan ay foodcourt kung di naman yung bilihan ng kpop merch dito.. Minsan nga di na kami makaalis dun eh kasi napaparami na ung nabibili naming merch. Feeling ritskid amg mga ate nyo. Huehue!

ANJ's POV

Ayun nagbreak este naghiwalay muna kami ng daanan ng kapatid kong adik! Dumeretso na sya sa bilihan ng kpop merch ako naman nag cr muna ihing ihi na kasi talaga ako eh diko na mapigilan baka mamaya bigla nalang tumulo ihi ko dito sa sahig yucks! May dalawang likuan dito sa cr bago pumasok ung isa sa kaliwa mga panlalaki sa kanan naman, pambabae sa gitna naman fire exit oha!

Syempre sa pambabae ako papasok kahit gusto ko pumasok sa panlalaki kasi alam nyo na malay mo makakita ng gwapoging koreans kaso bawal eh huehue!

Papasok na sana ako sa cr ng mga girls kaso may nasalubong akong papalabas na lalaki, nag ce-cellphone sya.

Eh ako hindi naman ako tumitingin sa harapan laging sa paanan ko lang kaya medyo nagkahintuan kaming dalawa muntik na kaming magbungguan..

Ayun dahil tumingin ako sa kanya para makita kung ano itsura nung lalaki, pagkatingin ko sa harapan ko, syete akala ko kasing tangkad ko lang potek ang tangkad pala konte.

Nanlaki naman ang mata ko kasi ung itsura nya, she-shemay lang talaga blonde hair sya tapos naka glasses naka earphones tsaka nakamask sya na black.

Tinignan ko ung mata nya singkit at ang puti nya! Shet! Mukha syang koreano!

Sya naman napatingin din sakin ng biglaan shemay ung totoo? Para kaming nagulat sa isa't isa nakakahiya tuloy ano kayang pumapasok sa utak nya?

Shemay di ako makagalaw nakaka omayghad! Mukha talaga syang korean!

Kung tatanggalin nya lang ung mask nya, baka mahimatay na ko sa harapan nya! Waah nakakahiya!

Ung itsura ko? Anong itsura ko?! Baka mamaya mukha akong tanga dito na nakatitig sa kanya ha..

Shems ang cute ng mata nya! Ung pagkagulat sa mga mata nya kitang kita ko shemay! Sure ako koryano talaga to ibang iba itsura eh wala namang pinoy na ganto kagwapo ang itsura eh, ung kahit nakamask lang eh halata mo nang gwapo .. Eh kapag pinoy naman mukhang holdapper.!

Nang medyo natauhan na ko dahil sa lintek na ihi ko naramdaman ko nanaman na lalabas na eh. Kainis ang ganda na ng moment biglang sumingit ung ihi ko!

Hahakbang na sana ako pakanan kaso bigla din syang humakbang sa kaliwa nya meaning nun ay pareho kami ng direksyon na hinakbangan napahinto naman ako at napatingin sa kanya.. Shemay natataranta na ko ah!

Humakbang naman ako pakaliwa pero humakbang din sya sa hinakbangan ko mayghad anue to?!

Dahil sa hindi ko na makaya lalabas na talaga ihi ko eh. Mabilis akong humakbang pakanan at nagulat ako ng lampasan nya ko “Sorry” “Mianhe”

O___O

WHAT?!

Sabay kaming nagsalita! Sorry akin sa kanya naman mi-MIANHE?! ibig sabihin? Oo nga korean nga sya! Nagulat naman agad ako sa pagsalita nya at napahinto at lumingon sa kanya pero pagkalingon ko wala na kong makita kahit anino nya ibig sabihin naglakad na sya palayo!

Dahil sa wala na akong makita na anino nya eh dumeretso na ako sa loob ng cr ng pangbabae paulit ulit na nag si-sink in sa utak ko ung boses nya! Ung boses nya bes ung boses nya kaboses ni Jimin! We-wait?? JIMIN oo kaboses ni Jimin!! Shemay oo nga kaboses nya nga! Omayghad what to do?! Tapos naalala ko ung buhok nga pala ni Jimin blonde?!! Eh ung buhok nung lalake blonde den?!! Tapos tapos ung mata! Parehong pareho sila!! Shems! Ayokong umasa na si Jimin nga yun pero hindi malabo! Kitang kita ko mismo sa harapan ko eh!

Kailangan makita ko ulit sya ngayong araw na to! Kaya agad akong pumasok sa isang cubicle na bakante at naglabas na ng epal na ihi !

At pagkatapos nag salamin muna ako at konting suklay ng buhok gamit ang daliri ko at ayun dere deretso akong lumabas ng cr!

Kailangan malaman to ni Rae sigurado ako matataranta din yun! Shemay! Oppa wait for us! Wag ka muna lumabas ng mall please lang! Kailangan namin masiguro kung si Jimin ka nga!

Lucky ARMY (continuation)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora