Chapter 7

38 3 0
                                    

PS: Pakiramdam ko 'di n'yo gets 'yung ending ng Chapter 6 at ito 'yung seven? Basta parang mag-skip ganoon like nag-commercial or something. Ayaw ko kasi ituloy HAHAHAHAHAHAH.

Xavier Greenfield

Lumipas ang oras na sinundo ko na si Walker at Amy sa school nila. Sa 'di ko malamang dahilan bakit parang mapaparami na naman ang bisita ng aking munting Walker sa clinic.

Habang nagmamaneho ng aking precious sports car. Bumukas ang aming napakalaking color black na grand gate automatically at lumiko na ako, papasok.

Napansin ko sa rear view mirrior ko na tulog si Amy at Walker dahil sa matagal na byahe. Ang heartwarming tignan na natutulog sila ng ganoon para sa isang mapagmahal na kuya. Napatingin ako sa digital clock ng aking sports car at 4:30pm na daw.

Nandito na kami sa harap ng grand door. Hininto ko na ang sasakyan sabi ko, "Gising na! Nandito na tayo!" napansin ko na kinusot nila ang kanilang mga mata at sabi ko pa kay Amy, "Pumunta ka nalang sa room mo mag-isa ha!"

"Okie," madali niyang binuksan ang backseat door left at diretcho takbo sa loob ng mansion.

Binuksan ko na din 'yung akin, lumabas, at kinuha ko si Walker. Pumayag naman siya, malakas ang trip ko ngayong gabi sa aking batang kapatid na lalaki.

Nung nasa loob na kami ng mansion sabi ko sa kanya, "Kailangan kitang bantayan. Kaya you're going to sleep with me tonight in my room."

Nagstru-struggle na si Walker, "What! Hindi Wait! Ayaw ko! Ayaw kitang katabi matulog!!!"

Umaakyat na kami ng grand staircase naming, "Stop Struggling! Mahuhulog tayo, idiot!" dagdag ko pa, "I'm going to bring food later..."

Tuloy kami sa paglalakad hanggang sa nilagpasan namin ang kanyang kwarto sigaw na naman siya ng sigaw ng, "NO!!!"

I open the door of my room, pumasok na kami, at hinagis ko siya sa kama kong comfy, malaki, at malambot. Tabi kaming matutulog mamaya, napapangisi ako. Sabi niya, "Awww..."

"Dami mong arte! Stop acting like a baby!" Galit kong sabi

"Anong madaming arte! Nag-tatake advantage ka na naman para lambingin ako, GROSS!!!" Tugon ng aking little brother.

"Bahala ka diyan!" pinatay ko na 'yung ilaw at lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa café. Panigurado tutulog nalang si Walker kasi madilim, malamig, at walang magagawa.

~♦~

I'm here at the café,

Naglilinis, a-arrange, at nag-oorganize ng mga gamit. Kami-kami nila Sophia, and Aaric.

Si Sophia nagpupunas ng mga round wooden tables, Si Aaric naman doing his job na binabaligtad na ang napunasan na table, at ako naman nandito lang sa cafe counter at pinupunasan ang mga kubyertos ng puting towel.

Nagtataka ako na para bang may kulang, "Nasaan si Chris? Dalawang araw na siyang wala ah!"

"'Hindi mo maalala? Sinigawan mo siya ng 'Don't you over comeback!'" Sabi ng maid ko.

Tugon ko, "What! I did that?"

"Ang master naming na idiot at airhead pa!" Yabang na sabi ng butler namin.

"Tinatawagan ko na siya, ang lakas niya mag-drama kasi nga isang wuss, at tapos ayun iyak ng iyak. Wala daw siyang trabaho."

"What the hell..." naimik ko.

Utos sa akin ni Aaric, "Sa tingin ko kailangan mong mag-sorry!" Dagdag pa niya, "You should visit him on his apartment on Saturday and make an apology."

Perfect Camaraderie (Boy's Love)Место, где живут истории. Откройте их для себя