Chapter 5

39 1 0
                                    

Walker Greenfield

Inside the Greenfield's Mansion.

Kakagising ko lang napansin ko na maliwanag na nakakasilaw kasi 'yung sinag ng araw sa mata't pagmumukha ko. Napahikab ako pero tinakpan ko ang aking bunganga. Nag-unat na din ako. Umalis, tumayo na din ako sa kama para ayusin ito.

Bumaba na ako at napansin ko na nagluluto si Kuya ng breakfast. Mga 5:30 na dahil laging ganitong oras kami nagigising.

Napansin niya ako kaya sabi niya sa akin, "Good Morning!" tuloy-tuloy lang ako bumaba hanggang sa makaupo ako sa kitchen table namin. Sobrang pagod at antok pa ako tapos sinabihan niya pa ako ng, "Don't do weird stuff today, okay!"

In a fast forward way,

Nilagay na ni Kuya Xavier ang aking pagkain sa harap ko na bacon and eggs.

Nasasawa na ako, gusto ko cereal and milk nalang bukas. Umakyat siya para kunin si Amy at sa maikling oras bumaba na sila ng sabay. Kumain kaming tatlo hanggang matapos. Tapos hinugasan ni kuya 'yung mga pinagkainan at naligo na din kami kalaunan.

Nandito na naman kami sa labas ng grand door ng mansion para hintayin si kuya ilabas 'yung kotse para ihatid kami. Tsaka suot na namin ang aming uniform at dala na din ang mga bag. Dumating na 'yung kotse ni Xavier at pumasok na kami.

No'ng nasa loob na kami nasa may kalsada napansin ko na nakalimutan ko ang phone at relo ko.

Sabi ni Amy sa akin, "Kuya Walker! Ang daming balita sa'yo! Pervert ka daw! 'Di ako naniniwala kasi wala naman silang evidence..."

Speechless kami ni Kuya Xavier kailangan namin ibahin ang topic agad-agad.

Nagsalita si Kuya Xavier, "Just forget about it! Panigurado mga haters lang natin iyon... ingit lang sila."

Grabe, hindi ko akalain na gagawa ng white lies si kuya para iligtas ako sa ginawa kong totoo naman talaga pero 'di ko naman sadya.

~♦♣♦~

Nasa parking lot na kami siyempre bumaba na din kami. Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao ngayon puro chissmiss ang pinaggagawa nila. Naiirita ako sa mga naririnig ko habang paalis na si Kuya Xavier sa campus.

"'Di ba 'yon 'yung pervert!"

"May HIV daw 'yung kuya niya 'di ba?"

"Oo nga... yikes!"

"'Di ba 'yung kuya niya ay isang!"

"Shhhhh! 'Wag kang maingay!"

Ano daw? 'yung kuya ko ay ano? Parang wala naman akong nababalitaan na ginagawa ng kuya ko? Mas lalong wala namang HIV si Kuya Xavier, alam kong madami ng nasisid na perlas sa palawan si kuya pero surely wala kahit na liberated siya dati. Alam kong madami na siyang nawarak, na-experience, at kung ano-anong heavenly feeling e wala talaga, panigurado. Sino ba nagpapakalat ng mga chissmiss na hindi naman totoo?

Hinawakan ko na si Amy at naglalakad ako kasama siya papunta sa building. Meanwhile bigla nalang siyang kumalas at napansin ko na pumunta siya doon sa mga kaklase niya, kinakausap. Ako naman mag-isa at naghihintay dito sa may school park.

May sumigaw na babae, "Walker!!!" napatingin ako sa harapan ko at may babaeng tumatakbo papunta sa akin. Sobrang bilis niya pero ba't parang nag-slowmotion ang lahat. Tumalon pa siya sa akin at sinabing, "Good Morning, Walker!"

"Hey!" Imik ko nalang at mukhang desperado talaga siya na maging boyfriend ako.

Nginitian ko nalang siya, pikit mata at napansin ko na sobrang higpit ng yakap niya sa akin. Namula pa siya at naramdaman ko ang tibok ng puso niya na nag-skip ng beat.

Perfect Camaraderie (Boy's Love)Where stories live. Discover now