Chapter 1

311 7 0
                                    

PS: Para maintindihan n'yo WRITING STYLE ko. Isipin n'yo na parang 3rd person pero 1st P.O.V. Gusto ko kasi i-portray emotion ng characters para magkaroon ng meaning and comedy sa mga iniisip nila o reaction nila. hahahaha <3

Walker Greenfield

I'm here inside the mansion sa hallway papunta sa aking kwarto.

Binuksan ko ang pinto, napansin ko na nakabukas pala ang lampshade ko, at napaimik ako ng, "Nakakapagod..." Naglalakad na ako papunta sa aking kama at humiga. Kinumutan ang aking sarili at pinatay na nga ang lampara.

Sobrang dilim sa kwarto ko, wala manlang sinag ng buwan na nadaloy sa bintana na karaniwan ay tumatama sa aking katawan. Malamig at tahimik mukhang sa labas ay malakas ang hangin, nakikinig ko pa 'yung tunog ng aircon namin. Napapansin ko din sa bintana na gumagewang ang mga puno at sa langit biglang parang may dumaan na ilaw na ang bilis ay parang isang siguradong iglip.

Napatayo, pumunta, at binuksan ko agad-agad ang bintana na aking ikinabighani. I can see a lot of shooting stars, a meteor shower. My emerald gem like eyes na mana kay mommy are glimmering in happiness. My onyx black messy yet silky hair is gusts by gentle winds.

Nag-transform ang scenery. Ngayon, nakikita ko ang buong kalangitan are being dominated, being rained by balls of light. Sa sobrang ganda gumagalaw mag-isa ang aking kanang kamay para bang gustong kumuha ng isa.

May naririnig ako na mabilis tumakbo. Ang lakas ng padyak sa hagdan. Bumukas ang pinto ng sobrang lakas pero hindi ko ito ikinagulat. Nakatingin pa din ako sa labas.

May sumigaw, "Walker! You need to see this!"

I can feel the footsteps nearing to me saying towards my left side, "Ang ganda... It's so beautiful isn't?"

I automatically reply, "Yup! It's so gorgeous..." naramdaman ko na inakbayan ako ng kuya ko na si Xavier. Nanunuod kaming dalawa ng meteor shower na bihirang mangyari.

Sabi pa ni kuya sa akin, "Mom, Aaric, Amy, and Sophia are watching outside! Panigurado kumikinang ang kanilang mga mata."

Hindi ko alam bakit para akong naiiyak. Bakit ganoon? Para bang bigla nalang akong naghahanap ng isang bagay o tao. I can feel that I need to do something, that I need to find someone.

Sa tingin ko napansin ni Kuya Xavier na naiiyak ako dahil bigla niya nalang akong pinaharap sa kanya. Magkaharap kami at bigla niya akong niyakap. Pagtinignan kami sa 3rd Person Point of View ang sweet naming magkapatid at may background pa na metoer shower. Napayakap na din ako kalaunan nang dahan-dahan at naiyak sa harap ng aking mabait, siraulo, at minsan tinotopak na kuya.

Time passed by.

I'm here nakahiga na sa aking kwarto, medyo madilim dahil wala 'yung buwan. There are two things illuminating my room. My expensive lamp at 'yung street light sa labas na pumapasok sa loob ang liwanag. Wala na din si Kuya Xavier matutulog na daw kasi siya.

Nagsasalita ako mag-isa, "Haist... kakapagod... what's the meaning of that celestial event. There's a reason for everything. Haist! First day of school na naman pala bukas. Senior High na ako! Oh! Wait! Nakalimutan ko i-text si Rovic!"

Inabot ko ang aking mamahaling phone sa may maliit na table kung saan din makikita 'yung lamp na katabi lang ng kama. Humiga na din ako pagkatapos kong makuha. Tinaas ko 'yung phone and I start typing,

Uy! Rovic! Nakita mo ba 'yung meteor shower? Ang ganda noh! Saka... pumunta ka nga pala sa mansion bukas, Mom is not available, I think? Pati na din si Kuya Xavier. 'Di niya kami madri-drive. Sabay tayo bukas papuntang school...

Perfect Camaraderie (Boy's Love)Where stories live. Discover now