Chapter 3: The Deal

109 4 0
                                    

Sofia's POV

Tatlong oras ko ng pinagmamasdan si Ace habang naglalaro siya ng basketball. Iniwan na nga siya ng mga kaibigan niya eh. Mababakas mo sa kanyang mata ang lungkot. Gagawin ko ang lahat para mapalitan ng saya ang mga iyon.

Maya-maya pa ay naglakas loob na akong lapitan siya.

" 3 hours and 42 minutes ka ng naglalaro diyan. Hindi ka ba napapagod?" Sabi ko sabay shoot sa bolang kinuha ko dun sa basket. "Shoot" Napangiti ako ng pumasok yung bola sa ring.

Hindi naman ako sinagot ni Ace at nagpatuloy lang siya sa paglalaro.

"Don't be sad Ace. You deserve someone better." Agad naman akong nagtaka dahil wala siyang reaksyon sa sinabi ko. I expected kasi na magagalit ito sa akin.

"What do you need?" Nagulat ako ng bigla itong nagsalita.

"I'm here to have a deal with you."  This is it. Wala ng atrasan ito. Hindi naman ito nagsalita kaya nagpatuloy na ako sa pagsasalita " Be my boyfriend." pinilit kong ngumiti upang maitago ang aking kaba.

"Paano kung ayoko?" He said while smirking.

"I have no choice but to upload this video." sabi ko sabay abot sa video camera.

Agad namang kinuha ni Ace yung camera at pi-nlay yung video.

*********************************************************************

No One's POV

Mag aalas-sais na ng hapon at kakaunti na lang ang tao sa field ng Miuller University dahil maagang nagsiuwi ang mga varsity players ng soccer team. May dalawang taong masinsinang nag-uusap.

"Ace I can't take it anymore. I'm breaking up with you." Matigas na sabi ng dalaga.

"Why?! Please not now." Nagmamaka-awang saad ng binata.

"Please let me go. Hindi ko na kaya." Umiiyak na ang babae habang sinasabi ang mga salitang kanyang binitawan.

"Please. I'm getting there. Sandali nalang. Just give me time May." Sabi ni Ace habang nakaluhod sa  dalaga.

"Please Ace Stop it. Ikaw lang din ang nasasaktan sa ginagawa mo." Sabi ni May at pagtapos ay tumakbo palayo kay Ace.

Hindi nila alam na mayroon palang dalawang tao ang kanina pa nag mamasid sa kanila.

"Sishy! Nakita mo yun? Is that true? Nananginip lang ba ako?" Hindi makapaniwalang sabi ni Aki sa kanyang kaibigan na si Sofia.

Hindi naman sumagot si Sofia ngunit bakas sa mata nito ang lungkot at sakit na nadarama. Marahil ay naawa ito sa kalagayan ng kanyang minamahal dahil ito ay nagmamakaawa para hindi siya iwan ng kanyang kasintahan.

"Sishy buti nalang nai-video ko yung eksena kanina . For sure it's a big news once na iupload ko ito. Akalain mo si Ace na parang dragon ay nagmamakaawa at lumuhod kay May para lang huwag siyang iwan nito." Sabi ni Aki habang muling pinapanuod ang video na nakunan nito.

"Don't you dare do that." Pagbabanta ni Sofia kay Aki. Ayaw niyang mapahiya ang minamahal. "She's one lucky bitch." Dagdag niya pa. Kung alam lang ni May kung gaano kagusto ni Sofia mapunta sa kalagayan niya, Kung alam lang niya kung paano hilingin ni Sofia na sana ay mahalin din siya ng binata."

************************************************************************************************************

Sofia's POV

Halatang nagulat siya ng mapanood yung video. Pero wala akong nakitang emosyon sa kanyang mukha.

"What makes you think na mapapapayag mo ako?" Tanong nito sa akin?

"Papayag ka kung ayaw mong maging latest news dito sa campus at kung ayaw mong maging susunod na youtube sensation. It's also a way to save your pride and to keep your reputation." Hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako.

"Why are you doing this?" Nagtatakang tanong nito.

"It's because I love you." Sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"How long would it last?"  Sabi niya habang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Kung hindi mo ako matututunan mahalin, it will only last until the end of this semester. Since two weeks pa lang simula ng nagsimula ang school year it means 4 months and 2 weeks lang." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"I guess I have no choice. It's a deal." Pagkatapos ay tumalikod na ito. 

Agad naman akong napangiti sa aking nadinig . Hindi ko inaakala na mabilis ko siyang mapapapayag sa aking kagustuhan. Aalis na dapat siya pero pinigilan ko siya.

"Wait. Let's seal our deal with a kiss." Then I kissed him on the cheeks. "Our deal starts tomorrow okay? So be ready." Hindi niya na ako pinansin at nagsimula na siyang lumakad palabas ng gym. "Thank you Ace! I'll do everything para magustuhan mo din ako." Pahabol kong sabi sa kanya. 

Malamang desperada na ang tingin ng iba sa akin. Pero anong magagawa ko? Mahal ko talaga siya. Sa loob ng apat na taon siya lang ang lalaking minahal ko. Kahit na sinasabi ng iba na nakakatakot si Ace dahil sobrang suplado nito at nasasali sa iba't-ibang gulo alam kong mabuti itong tao. Siguro ay ayaw lang niyang magmukhang mahina. 

Kaya't  ngayong may pagkakataon na akong ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gagawin ko na. Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito. Pero hindi kung matapos ang deal namin na hindi niya ako natututunang mahalin hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko sa kanya.

******************************************

Elle's NOTE:  COMMENTS PLEEEEEEASSSE?

Chasing The Dragon's HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora