Chapter 1: The talk

201 4 2
                                    

“ Sishy I have a very brilliant idea! Bakit di mo gamitin ang nalalaman mo to have him?” Aki asked me. Meet my best friend Mackie Raphael Crisostomo try to call him Raphael and your dead.

“What do you mean?” I asked.

“Ang slow mo sishy! What I mean is sabihin mo sa kanya ang nasaksihan mo at sabihin mong ipagkakalat mo sa buong campus ang nakita mo pag di siya pumayag sa gusto mong mangyari.” Nang madinig ko si Aki bigla kong naipreno ang sasakyan.

“Ouch sis naman ayusin mo ang pagda-drive mo at ikaw naman bakla tigil-tigilan mo nga yang pinagsasasabi mo kung ayaw mong mapahamak si Sofia." Sabi nang isa ko pang best friend na si Althea Marie Gutierrez.

Hindi ako agad nagsalita dahil iniisip ko yung sinabi ni Aki. Ayoko naman na magiging kami dahil napipilitan lang siya. Gusto ko mahalin niya ako dahil mahal niya ako. Hindi dahil binlack mail ko siya. Pero paano kung ito na talaga yung pagkakataong hinihingi ko kay Lord? Sa loob ng apat na taon ipinagdadasal ko na sana mapansin niya na ako. Ito na kaya ito? Kung ito man yun matututunan naman niya siguro akong mahalin di ba?

Naputol ang aking pag-iisip ng bigla akong batukan ni Thea at sinabing "Hoy Sofia Sharmine Sabriaga wag mong sabihin na papatulan mo yung sinabi ni Aki?"

"Kung iyon ang natatanging paraan para mapansin niya ako, bakit hindi?" sabi ko habang nananatiling nakatingin sa daan. Ako nga pala si Sofia Sharmine Sabriaga. 17 years old. Yan na lang muna sa ngayon dahil makikilala niyo pa naman ako.

"Ganyan dapat ang fighting spirit sishy!" Pag cheer naman ni Aki sa akin.

"Hoy bakla tumigil ka nga dyan sa mga sinasabi mo. Alam mo namang sobrang nakakatakot si Ace di ba? Baka kung ano gawin niya kay Sofia pag tinuloy niyo yang plano niyo." Nag-aalalang sabi ni Thea. Si Thea talaga ang pinakamatinong mag-isip sa aming tatlo.

"I'm willing to take any chances just to have him. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin. Atleast ginawa ko lahat ng makakaya ko. Atsaka hindi naman siguro ako sasaktan ni Ace physically.." Iyan na lang ang naisagot ko sa kanya.

"Ewan ko sayo sis ang dami dami namang nanliligaw sa iyo pero bakit si Ace pa ang nagustuhan mo. Nagmumukha kang desperada nyan eh." Pangangaral ni Thea sa akin.

"Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Kayo lang naman ang mahalaga sa akin. As long as you believe in me masaya na ako." maikling sagot ko sa kanya.

"Pero baka masaktan ka lang dyan sa gagawin mo." Kung kanina parang naiinis na ang boses niya ngayon naman ay may tono na ito ng pag-aalala.

"Bakit dati pa naman ako nasasaktan ha? Pero mas masakit ngayon kasi nakikita ko siyang nagmamakaawa sa pagmamahal ng taong di naman siya ang mahal. Gusto ko lang naman kunin ang pagkakataon na ito kasi malay mo matutunan niya din akong mahalin at marealize niya na ako pala yung tamang tao para sa kanya." Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko dahil alam kong hindi sila sanay na nakikita akong malungkot. Sa aming tatlo kasi ako yung lagi nilang natatakbuhan kapag may problema sila. Ako yung tagapagtanggol nila.

"Basta Sishy nandito lang kami palagi sa tabi mo." Akmang yayakapin ako nito pero pinigilan ko ito.

"Hahaha ano ba Sishy nag-ddrive ako! Baka mabangga pa tayo nyan eh! Ang drama mo masyado Aki!" Pinilit kong maging masigla yung boses ko.

"Pero seryoso sis kapag hindi mo na kaya nandito lang kami for you." Halata sa boses ni Thea ang pag-aalala.

"I know." Then I smiled at her. Maswerte ako kasi kaibigan ko sila. Alam kong hindi nila ako iiwan sa mga panahong kailangan ko sila.

"Tsaka isipin mo na lang Thea dapat nga magpasalamat tayo kay papa Ace kasi kung hindi dahil sa kaniya nag flylaloo na si sishy sa New York." Biglang pagseseryoso ni Aki. Hindi lang naman si Ace ang dahilan ng hindi ko pag-alis. Isa din naman sila sa rason bakit mas gusto ko mag stay dito.

"Correction pwede pa magbago isip ni Sophia kasi di ba hindi naman tinanggap ni Dean yung desisyon niya. Binigyan lang siya ng panahon mag-isip." pagtatama ni Thea kay Aki.

"Basta sana talaga maging lalalalabs ka na ni papa Ace para stay ka na dito with us." Sana nga Aki. Madami dami na ding bagay ang isinakripisyo ko para sa kanya. Isa na dito ang scholarship na nakuha ko sa New York. Tinanggihan ko ito pero di pumayag yung Dean namin dahil sayang naman daw kaya bibigyan niya ako ng oras para pag-isipang maigi. Isa pa kaya kong mag-aral sa New York without that schorship because I belong to a well known family .

"Pero sis, gagawin mo talaga yung suggestion ni Aki?" Tanong ni Thea sa akin.

"I think so.  Iyon na lang yata ang natitirang paraan para mapansin niya ako."

"Basta sishy we're always here for you. I'm going to pray for you!" Aki said.

"Thanks Sishy!" sabi ko ng may ngiti sa labi.

"So kailan mo planong umpisahan ang plano mo?" Tanong muli ni Thea.

"As soon as possible." maikling sagot ko dito.

"So let's celebrate! Let's go tutal saturday naman bukas. Pang good luck sa mission ni sishy." Pag-aaya ni Aki sa akin.

"Akala ko ba sleep over lang kina Sofie?" tanong ni Thea. If I know gustong-gusto din niyan mag bar. Sleep over lang naman talaga sa condo ko ang plano namin.

"Gusto mo lang mag boy hunting sishy! Eh kung nagpapakalalaki ka. For sure pagkakaguluhan ka ng mga girls!" Sayang naman kasi itong si Aki eh. Siguro kung lalaki lang ito at di ko nakilala si Ace malamang siya ang nagustuhan ko.

"Shut up Sishy! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Ano bar tayo?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Ask thea." I simply answered.

"Thea Sishy please?" Sabi niya habang umikot pa sa upuan para makaharap kay Thea.

"Okay boyhunting tayo bes!" Kita niyo na. Party girl yata iyang si Thea.

"Oh pumayag na si Thea! So payag ka na din?" paghihintay ni Aki sa pagpayag ko.

"I'll think about it." I love teasing Aki. Hahaha.

"Sige na sishy please? Pretty please?" sabi niya habang nagpupuppy eyes pa.

"Okay but don't drink to much. Ayoko mag-alaga ng lasing." I remeber last time na nag bar kami nalasing itong dalawa kaya ako ang nag-alaga.

"Whoooo! Party Party!" Thea said.

"Boys here I come!" Aki said.

Chasing The Dragon's HeartWhere stories live. Discover now