"Ah shit!" Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang mag-ring ang phone ko. Muntik na ding matapunan ng kape ang suit ko. I glared at my phone before grabbing it, checking who is the caller who just nearly gave me a heart attack.

Eleanor calling...

 

 

Bigla akong kinabahan nung makita ko ang pangalan niya sa screen. Can this day get any better? Hindi ko alam kung dapat na ba akong sumaya or what?

Nakipagtalo muna ako sa isip ko before answering the call. Huminga pa ako ng malalim bago ilapit yung phone sa tenga ko.

(Chance?) I almost flinched at her voice. Her voice was very casual and conversational, and I have to wonder how can Eleanor keep up with that. Parang wala lang sa kanya yung kiss. She was playing it cool when my mind is going crazy. I sighed again. She's Eleanor, you dimwit. She's always cool and funny.

"What is it?"

I heard her snort on the other line, (Tss, sungit. Problema mo na naman?)

"Wala."

(So okay lang sayo ang sasabihin ko? Baka kasi bigla na lang ako masigawan.) Kinabahan na naman ako. Ano namang sasabihin sakin ni Eleanor na kailangan niya pang ipagpaalam sakin? Mas lalo akong kinabahan. Eleanor speaks her mind. Wala naman siyang pake kung ano bang reaction ko.

"Ano ba yun?" I asked impatiently.

(You'll meet my friend Hannah, kung free ka. Si Hannah Ramos, best friend ko yun ah. Don't worry she's single and open for relationships. She's a great catch, Chance baby. Kaedad mo siya, actually and she's a Doctor. Ano? Okay lang?)

Oh.

I clenched my fists. Gusto kong mainis. Bakit niya sineseryoso ang paghahanap ng babae para sakin? I mean, I'm not rushing things at alam kong hindi ko magugustuhan ang babaeng irerekumenda niya.

Not that I don't like Eleanor's taste but damn. Naguguluhan na nga ako kung anong gusto ko.

"I'll think about it. Sineseryoso mo talaga yan ah."

(Of course. Para di ka na malungkot. Malay mo mag-improve ka at hindi ka na magsungit, edi worth it diba? Hahaha!)

"How are you?"

(Uyy, umaasenso ka na Chance baby! Concerned ka na talaga sakin. Haha, naiiyak tuloy ako. Okay lang ako.) Napabuntong hininga naman ako. How is it even possible na okay na okay lang siya samantalang isang napaka-big deal sakin yung kiss na yun?

Darn, that's unfair.

"That's good."

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now