"I think you should rest"

I looked at Cross who was staring at me.

"Nope. Rest isn't in my dictionary right now" sabi ko at pinagmasdan ang paligid. I'm avoiding every CCTV's as possible.

"Oo nga M, nakakaantok na kasi" reklamo ni Daniel.

"Daniel kakakatulog mo pa nga eh" i rolled my eyes habang nag-uunat unat pa siya tsaka kinamot niya yung tiyan niya.

"Misaki, you need it. Ako na muna diyan"

Tinignan ko si Cross. Andito na naman yung mood swings niya. I'm really confused by his personality.

"Cross, no. Hindi pa magaling sugat mo. Okay? Wag mo na akong aalahanin dahil sanay na ako sa ganito. I'm an agent remember?" Litanya ko sa kaniya.

Tinitigan niya ako ng matagal and sighed.

"Whatever you say Miss Agent" he muttered even if there was uncertainty in his eyes. Binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa daan habang ang hilik lang ni Daniel and namamayani sa kotse buong magdamag.

▄︻̷̿┻̿═━一
~Daniel~

Napakurap ako ng maramdamang may tumapik sa akin. Medyo malabo pa ang paningin ko pero alam kong isang magandang babae ang kaharap ko at minamasdan ang aking kakisigan. Siguro siya na to, ang babaeng aking pinapangarap.

"Prinsesa ko" i sighed and smiled.

"Huy! Anong pinagsasabi mong bakulaw ka? Gago ka ba? Sabi kong gising!"

Ng um-adjust na ang paningin ko, si Misaki lang pala na parang sasabog na sa inis.

"Pasensya na. Akala ko prinsesa, yung mangkukulam pala" sabi ko.

"Gago!"

"Aray!" Sinuntok lang naman ako ng mangkukulam na yun.

"Wag mo kasi akong inisin" babala pa niya tsaka lumabas na sa sasakyan. I can't believe this girl. She hits harder than I'd thought.

I groaned. "Ano ba kasing meron?"

"Andito na tayo kaya sumunod ka nalang sakin"

Lumabas na ako galing sa backseat. Pinagmasdan ko ang paligid. Umaga na pala. Nag-unat unat muna ako tsaka sumunod na sa dalawa. We're in an alley kaya medyo masikip at marumi ang daan.

Mabuti nalang at nakalabas na kami sa highway. I jogged closer to Misaki.
"M, gutom na ako" pabulong kong sabi sa kaniya habang hinihimas ang tiyan kong naglilitanya na sa gutom.

"Kailan ba hindi?" Pairap pa niyang tugon.

"Aray M nakakasakit ka na hah. Minsan lang kaya" pagtatanggol ko sa sarili ko. Tinignan niya ako with a 'really?' Look.

Tumigil kami sa isang magandang salon.

"Why are we here?" Tanong ni Cross habang tinitigan ang naka engrave na BEAUTY SALON sa itaas na bahagi in pink.

"My close friend is here at kailangan natin siya. Siya lang kasi ang alam kong mapagkakatiwalaan natin. Plus, gutom na tayo kaya makikikain muna tayo" says Misaki in a matter of fact tune. Di man lang nahiya hahhahah

Nag doorbell na siya at naghintay kami. Pero wala parin kaya nagdoorbell siya uli.

"Sino ba kasi yan? Naku kung di ka gwapo jujumbagin talaga kita" Rinig naming sagot galing sa loob. Nagbukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaking mataba at nakabusangot ang mukha pero napalitan ito ng ngiti ng makita si Misaki.

"Ay bakla ikaw pala yan! Long time no seeeeee!" Sigaw nito at yinakap si Misaki. Tumawa si Misaki tsaka yinakap narin ang lalaki. Scratch that, bakla pala.

"Oo nga. Buti di ka parin nagbago" tugon ni Misaki. Bumitiw na sila at nagkatinginan.

"Oo naman. Maganda parin dzuh" Napatingin siya samin. "At sino naman sila? Mga boylet mo? Ay lumevel up ka na hah dalawa na ngayon!" He giggled.

"Di no. Ampapanget kaya nila" sabi pa ni Misaki. Muntik ko nang mabatukan ang isang to. Naku kung di lang to babae. Ako? Panget? Pinagkakaguluhan to ng mga chix tas panget? Tsk.

"Maiba nga tayo, anong sadya mo dito?" Tanong nung bakla.

"Kasi Marty, kailangan namin ng tulong mo" napakamot pa sa batok si Misaki.

"Naku naku naku, game ako diyan! Halika nga kayo. Tuloy mga guys! " sabi pa nito at pinapasok kami. Salon nga ito dahil nakahilira ang salamin at mga upuan na puro pink. Nagkalat rin ang mga make up tools and such.

"Dun tayo sa taas mga bes" sabi pa nito at iginiya kami sa isang hagdanan pataas. Nasa taas lang rin pala ang bahay nito. Pinaupo niya kami sa sala.

"So...? Anong klaseng tulong ang kailangan mo Misaki?" Tanong nito.

Misaki smirked as she looked at the two of us.

"A full blown make over"

"And breakfast"

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now