Chapter 74 - Out (March 14, 2019)

Start from the beginning
                                    

All the while, she thought, she will just pretend to be okay. Na gagawa lang siya ng paraan para hindi makita ni Mindy si Andres. And this is the last thing that she's expecting. Na umabot sa ganito ang pinaka-kinatatakutan niyang sandali ng buhay niya.

"S-aan niyo po 'yan nakuha?" She knew it was stupid to ask, but she can't help it. Siguro dahil na rin ang tumatakbo sa utak niya ngayon ay ang katotohanan na nasa loob ng kwarto niya si Andres ngayon, And only god knows what he's about to hear.

"Hindi ito ang isyu, Miala! Ang tinatanong ko kung totoo ba 'yan!?" Umiiyak na rin si Mindy sa galit. "Was that Lenard?!"

Napayuko si Mia. She was just starting to recover from the big blow of Angeli's presence, tapos ngayon, eto naman. Pumatak sa mga hita niya ang butil ng mga luha niya.

Mindy's voice breaks. This was confirmation enough. Napatutop na lang ito sa bibig.

Maya-maya, agad din nitong pinunasan ang luha dahil gusto pa rin nitong marinig sa bibig mismo ng anak ang lahat.

"Answer me, Miala. W-was that your tito Sonny's son?"

Tumango si Mia.

"Sagutin mo ako. Sumagot ka!" Mindy's voice continues to croak. She suddenly sounded sweet. Almost begging "Puwede mo namang sabihin kung edited ba 'yan eh. Photoshop ba ang tawag doon? Kasi Mia, if you say, so, I will believe you."

"I'm sorry po... Si Lenard po 'yan. Si Lenard po at ako." Mahinang sagot ni Miala.

Napaluhod na rin si Mindy. Parang nawalan ng lakas.

"Putangina! Putangina!"

"I'm so sorry ma." Tumayo si Mia para puntahan si Mindy. "I'm so sorry."

"Kelan pa 'to?" Tinatabig ni Mindy ang kamay ni Miala. "Napakabata mo pa dito, Mia ah. Hindi ba sinasabi ko sa'yo. Bawal magboyfriend!? Ang bata-bata mo pa dito Mia! Sobrang bata mo pa! At anong ginawa mo!? Sinira mo ang buhay mo!"

"Mama."

"Ano bang sinasabi ko sa'yo Mia?! Hindi ba huwag ka munang magbo-boyfriend. Kasi ano? Kasi mabubuntis ka!! Kaya anong nangyari!? Anong nangyari!?" Patuloy na pinagtutulakan ni Mindy ang kamay ni Miala. "Anong nangyari sa'yo!?" Humagulgol si Mia.

Napatigil si Mia sa pagyapos sa nanay niya. She is finally getting where her mom is getting into.

"Totoo ba!?"

Dinig na dinig ni Miala ang tibok ng puso niya.

"Mama..."

"Totoo ba na nabuntis ka? At nakunan ka?!"

Mia was really taken aback. Hindi niya alam na hanggang doon ay alam ng nanay niya. And this surprised face was caught by her mom. Wala na siyang maitatago pa.

"Miala naman!" Umiiyak na naman si Mindy. She is like a grown baby throwing tantrums on the floor. "Shit. Shit!"

Wala nang mukhang maiharap at salitang maisagot si Mia. Umiyak na lang rin siya. She just wanted to get numb. She knew she deserved it. Every bit of it. Lahat ng mga tinago niya sa nanay niya simula noon ang hanggang ngayon, sumabog na. Not in the smoothest way that she envisioned to be. Although she also knew, deep in her heart, there will be no easy way. Pero hindi niya pa ring inaasahan na ganito ang kahahantungan ng lahat.

"Bata ka pa lang, niloloko mo na ako, Mia? Sino ka ba? Sino ka? Anak ba kita? Kasi parang hindi pala kita kilala. Ni hindi ko man lang naramdaman eh." Ani Mindy habang nagpupunas ng luha gamit ang sariling damit. Her mascara got completely smeared on her face.

"Tapos ano?! Ni hindi mo man lang sinabi?! Mia, pinakilala namin kayo ni Sonny sa isa't-isa! And then you have a past. A very dirty past."

Miala has no comeback for this. Hindi niya alam kung alam din ba ng nanay niya lahat ng detalye, even up to Angeli, but she can't argue that it has been very dirty.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now