C6: Even if it Kills

602 36 16
                                    



SEBASTIAN

"Bakit kailangan niyang mabuhay kaanyo mo?"

Mahirap siyang titigan pero hinahanap siya nang paningin ko. Nang una ko siyang mamasdan mas lalo lang akong nangulila sa iyo. Alam ko na hindi ka magiging siya dahil nasa iisang pamilya kayo. Nakuha man niya ang hitsura mo, hindi naman ang kaluluwa mo na mas higit kong nais makasama. Ibang-iba siya sa iyo, Charlotte.

Pero katulad nang ibang babae, puwede ko siyang gamitin para bawasan ang pangulila ko sa iyo. Magiging mabisang pamatid-sakit ba siya dahil iisa ang hitsura ninyo? O magiging mas mabigat na dalahin lang siya para sa 'kin?

Sebastian...

Nanghihinang nailapat ko ang palad ko sa mukha ni Shelly. "Maniniwala ako sa kasinungalingan. Dahil kung hindi, masisiraan na ako kaiisip sa 'yo, Charlotte..." bumaba ang mukha ko sa nahihimbing na si Shelly at nilapatan ko siya ng halik sa noo.

Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon na muling makasama ka, hinding-hindi ko na hahayaang magkalayo pa tayo. Wala akong buhay na iisipin maliban sa iyo. Hinding-hindi ko na hahayaang mamatay ang sarili ko kung matutulad din tayo sa nakaraan. Nagawa kong saktan ka sa pagkawala ko. Sa pangungulila, kinitil mo ang buhay mo...

Hindi ko gusto si Shelly pero ang hitsura niya ang dahilan ng mga pagdalaw ko sa kanya.

Dinalaw ko rin siya sa kabaliwan ko at inisip na siya si Charlotte pero imposible iyong mangyari.

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na siya si Charlotte pero sa huli, matatawa ako sa sarili ko at mas papait ang pakiramdam ko.

Itinayo ko na ang sarili ko at nakapagdesisyon na ako. Ang mansion ang tanging tahanan kung nasaan ang alaala ni Charlotte at nang nakaraan namin. Gusto ko iyong pangalagaan at manatili sa 'kin at hindi maging tahanan nang iba.

Matapos kong dalawin si Shelly. Ang mansion ng mga Earl ang sunod na tinungo ko at katulad ng madalas, sa loob ng pribadong aklatan at sa piano ako nagtungo. Ipinangako ko na tatlong beses sa isang linggo tutugtog ako para sa kanya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at bumadha sa isipan ko ang nakaraan. Kahit paulit-ulit, maaari ba na mamuhay na lang ako sa nakaraan?

Sebastian!

Naimulat ko ang mga mata ko nang dumaan sa isipan ko ang mensaheng ikinokonekta sa 'kin ng isa sa babae ng aking ama.

Pumunta ka sa lugar mo sa dormitoryo.

Hindi ko siya pinansin at tinapos ang huling awitin para kay Charlotte. Nang matapos iyon, iniangat ko na ang sarili ko at naglaho.

**

Nakarating ako sa silid ko sa tulong ng teleportasyon.

Unang nasilayan ko ang isa sa babae ng aking ama at ang isang lalaking may pilak na buhok suot ang isang maskara.

Gumuhit kaagad ang ngiti sa labi niya na kita sa bukas na bahagi ng maskara. Ikinukulong lang ang mata nito ng maskara na yari sa tila hayop ang itsura. Pero base sa tindig niya, kaya ko siyang kilalanin.

"Crescent..."

Ang lobo na itinuring ni ama na anak.

Bumunghalit siya ng tawa. Hindi siya si Crescent.

"Sinabi niya na dalhin ko siya sa iyo. Siya si Lunar," Ang babae ng kanyang ama.

"Ang daigdig na ito ay New World na pero ang mga narito ay parang namumuhay sa nakaraan. Ngayon ko naunawaan kung bakit ito ang pinili niyang lugar na paglagakan."

SEBASTIAN MDB 2: HE BROUGHT ME HELLWhere stories live. Discover now