C2: Shelly

969 127 26
                                    


Para sa ikagaganda at ikatutuloy ng istorya sana ay magcomment at votes kayo! :) Doon kasi ako nagbabase kung anong istorya ko ang dapat kong ituloy! Ayan, makakasilay na kayo sa asawa kong si Sebby! <3

FB: Jovielyn Rivera(MisaCrayola)



Chapter 2

"Hi! I'm Shelly Oxward!"

Masigla ko silang binati, ngumiti ang iba, iyong iba naman parang sinusuri akong maigi.

"Oxward Princess," boses ng babae ang narinig ko mula sa gitnang parte nang klase. May iba pa siyang sinabi pero wala na 'kong iba pang narinig. Pinananatili ko lang na nakangiti ako, kahit na medyo hindi ganoon sila katuwa na makita ako.

"From now on she's your new class, ito ang unang beses niya na pumasok sa eskuwelahan. Kaya kung may maitutulong kayo sa kanya regarding some matters it will be highly appreciated by Miss Oxward, right?"

Tumango ako kay Ms. Mendez, ang palangiting Teacher na nasa kanyang 20's lang. 

"Yes, ma'am!" 

Kahit hindi ako sigurado kung magiging maganda ang buhay ko rito sa school ay excited pa rin ako. Finally, hindi ko na kailangan pang manatili sa mansion at matuto mag-isa. Matagal ko na talagang gustong mag-aral sa tunay na eskuwelahan, iyong may mga kaklase, at iba pang kaganapan na nagaganap lamang sa school.

I know this is some kind of my fake attitude. But I'm trying my best to make it normal. Gusto ko na mawala na rin 'yong negative traits ko, dahil dito hindi na sila ang maids and butlers ko. Dito hindi na 'ko prinsesa, isa na 'kong pangkaraniwang estudyante na kakaharapin ang kapareho nilang problema at excited na 'ko sa bagay na 'yon.

Oxward Princess—ever since, napapalitan lang naman 'yung apelyido. Dahil nagiging princess kami o taguri sa 'min dahil sa antas nang pamumuhay namin. Both of my parents came from a very well-known family. If you'll study about my roots, mayaman na talaga kami at mas lalo lang yumayaman dahil sa combination ng mga pamilya t'wing nag-aasawa.

"Could you tell us more about you?" a man in blonde hair raised his hand; his friendly smile lightens my mood.

"I'm from Oxward Manor, kung gusto n'yo p'wede kayong bumisita or kung may mga group activities tayo."  Ngumitiko sa kanya bago 'ko lumingon sa iba. Katulad kanina parang 'di naman sila natutuwa sa existence ko. 

"Mahilig akong magbasa at magsulat. Hindi ako magaling na manunulat, iyon lang ang paraan ko ng paglalabas ng mga gusto kong gawin sa labas ng mansion namin. O kung hindi man, labasan lang ng feelings ko. And I'm in a relationship with Sebastian—" well that's a joke, dahil sasabihin ko sana ang tungkol sa imagination ko kay Sebastian at kung paano ko siya nakilala pero nag-ihit ng ubo ang teacher namin.

Nagbubulungan na rin 'yung mga kaklase ko. Kahit 'yong blonde na buhok na lalaki tila nag-iwas na siya ng tingin sa 'kin.

"Well Shelly, you can take your sit beside Mr. Samaniego,"nagmuwestra ni Ms. Mendez ng kamay sa lalaking naka-headset at braided ang brown niyang buhok. Halatang 'di naman siya nakinig mula umpisa dahil mas madalas na sa soccer field ang tutok niya. 

Almost half of this day ako lang ang paulit-ulit na nagsalita. Si Mr. Dominic ang colorful teacher namin na medyo matinis ang boses ang pumipilit sa 'kin na pumasok sa Performing Arts para extra-curricular activities. Ako ang bida sa paningin niya para sa niluluto niyang musical play. Hindi ko pa alam ang isasagot ko at kung paano rin ba 'ko tatanggi.

SEBASTIAN MDB 2: HE BROUGHT ME HELLWhere stories live. Discover now