C3: Library

809 87 12
                                    





"Shelly! Anong nangyari kay Shelly!"

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Juri Sentinel—apo siya ng servants ni Charlotte Earl no'n.

"Huminahon ka Ms. Sentinel!" Pigil ng nurse sa kanya.

Ano bang nangyari sa 'kin? Hindi ko matandaan. Bumangon na 'ko at inirapan ko si Juri.

"Hey, anong nangyari brat?!" aniya na naupo sa gilid ng single bed sa infirmary.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko nga alam ang natatandaan ko hinahanap ko 'yong ballpen ko. Naka-P.E uniform siya at nakaipon ang buhok na messy at mukhang mula siya sa practice ng basketball. Amasona!

"First time mo bang makakita ng maraming tao?"natatawang wika niya.

"Mukha mo!"

"Maayos ka na ba?" malambing na tanong ng maganda't sexy na nurse.

"Yes, I'm okay," ngumiti ako nang pilit. Nakakapagtaka na hindi ko talaga matandaan kung anong nangyari sa 'kin kanina.

"Let's go, okay lang 'to Ysabel,"tukoy ni Juri sa nurse.

Tinignan ako ng nurse at tumango naman ako. Bumaba naman ako sa kama at inayos ko ang palda ko.

"Bumalik ka sakaling may maramdaman ka uli, Ms. Oxward,"mabait na wika ng nurse.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Buti na lang alam ko na nandito ka na kundi 'di kita pupuntahan para alamin ko kung anong kalagayan ng malditang prinsesa,"aniya habang naglalakad kami sa pasilyo at wala akong pakialam sa sinasabi niya. Hindi ko kasi matandaan paano ko natagpuan ang ballpen ko at bakit nawalan ako ng malay. Hindi ko nga rin alam saan lugar ako nawalan ng malay!

"Hi pretty girl,"

May mga lalaking sumisipol sa 'kin at isang tingin ko lang kay Juri nakatikim na ng sapak ang tatlong lalaki na 'yon. Mabilis ang mga hakbang ko dahil may klase pa 'ko. Agad naman nakahabol si Juri sa 'kin, ewan ko ba, nawala na 'ko sa mood sa kaplastikan ko na kunwari kaaya-aya ko. Ayoko ng pakiramdam na may pilit akong inaalam pero 'di ko makuha ang sagot.

"Mamaya na lang tayo magkita, brat!"si Juri nang makita niya ang isang cute na babaeng naka-p.e. Tinignan ko ang orasan sa pasilyo and I'm fifteen minutes late kaya nagtungo na lang ako sa library.

Sa ikatlong palapag naroon ang library. Wala naman akong hilig magbasa gusto ko lang ng mapapahingahan. Tahimik ang library dahil iilan lang ang naroon marahil maraming may klase ng ganitong oras.

"Hi, new student?" Isang masasabi kong guwapo naman na lalaki ang nagtanong sa 'kin habang nag sign ako sa log book. Siya siguro ang assistant librarian dito at estudyante rin siya.

"Yes,"ngumiti ako ng tipid. "Sige,"paalam ko sa kanya bago 'ko nagtungo sa isang part ng library para humanap ng libro at magkunwaring nagbabasa. Kukuha na sana 'ko ng libro tungkol sa Sikolohiya nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo habang binabasa ang likuran ng isang libro.

Nakatagilid siya pero masasabi ko na may itsura siya. At naramdaman niya yata na tinitignan ko siya kaya naman agad akong tumingin sa mga libro sa harapan ko bago pa magtama ang mga mata namin. Bumibilis ang tibok ng puso ko, marahil sa kaba 'to.

Teka, siya iyong nagsungit sa 'kin na lalaki at nakaharang daw ako 'di ba? Pero hindi naman ako naiinis sa kanya, nakaharang naman talaga 'ko, 'dibale na ang mahalaga iyong ngayon.

SEBASTIAN MDB 2: HE BROUGHT ME HELLWhere stories live. Discover now