C1: Black Feather

3.2K 176 36
                                    


Maraming salamat sa pagbabasa ng SLAVE TRADE at paghihintay ng Book 2 ng MDB. :) Ngayon na magkarugtong na ang MDB at ST. Nandito na ang magiging sagot sa anak nilang si KING.  Kung ano ba ang mangyayari sa kanya at paano muling magdudugtong-dugtong ang mga pangyayari. 



CHAPTER 1

BLACK FEATHER

" Sebastian..." 

 Huminga nang malalim si Shelly bago isinara ang isang diary na animnapung taon na ang tanda at ipinamana sa kanya ng lola niya. Ayon dito sa kapatid nito ang diary na 'yon at ngayon na tatlong taon na itong namamayapa. Sa diary na lamang niya binabasa ang walang humpay noong kuwento nito tungkol sa kapatid na si Charlotte at kay Sebastian na dating butler/lover nito na isa raw Demon.

Ang babaeng nagngangalang Charlotte Earl ay nagpakamatay matapos niyang isulat ang huling pahina ng diary. Mayroon doong isang pahina na hindi nila alam basahin, ayon sa kanyang lola marahil simbolismo 'yon na ang dalawa o iilan lamang ang kayang mag-decode. Ayon pa rito, ang diary ay ipapasa niya rin sa iba hanggang makarating sa henerasyon kung saan muling magbabalik si Sebastian.

Siguro hindi na siya si Shelly na naniwala noong sampung taong gulang siya sa kuwentong iyon. Pero sa walong taong lumipas, ang kuwento ni Sebastian na tila hinugot sa pantasya ang naging stress-reliever niya sa loob ng mansion nila.

Sino bang nagsabing madaling maging isa ang pamilya mo sa pinakamayayaman na listahan sa buong mundo? Sino ang nagsabing madali at masayang magkaroon ng buhay na mala-prinsesa? Kung siya ang tatanungin, gusto niya na maging malaya. Gusto niyang pumunta sa ibang lugar kasama ang mga kaklase, kaibigan at hindi ang mga bodyguard's ng pamilya nila. Kaya siguro wiling-wili siya kay Sebastian at hindi na siya nagsawa-sawa sa kuwento nito dahil sa kabila ng karangyaan ni Charlotte ay nagagawa nitong gawin at puntahan ang mga gusto nitodahil si Sebastian ay higit na malakas sa dalawampung bodyguards na paniwalaan man o hindi ay kasunuran niya palagi saan man siya magpunta.

Inilagay niya sa tabi ang libro at nahiga na nang maayos. Hinila niya ang kumot hanggang ilalim ng dibdib niya at marahang tumagilid paharap sa diary. Hanggang hilahin siya ng antok ay ang librong nakasara ang nasilayan niya.

Hindi na namalayan ni Shelly ang pag-alulong ng malalaking aso nila na animo'y may karahasang nagbabadya. Sa kahimbingan ng tulog niya ay naroong pinatigil ng mga bodyguards sa paligid ng Oxward Mansion ang mga asong iyon na noon ay isang sigaw lang sa mga pangalan nito ay titigil na ngunit sa kalaliman ng gabi'y hindi magsitigil ang mga ito.

Ang buwan na kabilugan ay ilang minutong nagkulay dugo na nakuhanan ng larawan mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kasunod niyon ang malakas na pag-ulan, kulog at kidlat na paglipas ng isang oras ay humupa na at naging pag ambon na lamang.

Bumukas ang bintana ni Shelly at malamig na hangin ang pumasok roon kaya naman marahang nagmulat ang dalaga dahil napakalamig niyon na maging ang nakakumot niyang katawan ay tila hindi matagalan ang lamig. Napansin niya ang bukas na bintana –hindi ba niya iyon isinara? Malakas ang hangin at isinasayaw niyon ang asul niyang kurtina. Tumayo siya at lumapit sa nakabukas na bintana. Sa paglalakad niya bumukas ang diary at may mga simbolismo sa gitnang pahina niyon ang umukit na tila isang pangungusap.

Namasdan ni Shelly ang kalangitan at wala man lang bituin iyon. Habang ang buwan naman ay nahuhubdan na ng maitim na ulap na kanina'y bumalot dito. Isasara na sana niya ang bintana ng tila may kamay na humaplos sa balikat niya na nagsabog ng malamig na pakiramdam sa buo niyang katawan. Hindi niya magawang lumingon dahil napakalakas ng tibok ng puso niya, isama pa ang napakabilis na pag pintig niyon.

SEBASTIAN MDB 2: HE BROUGHT ME HELLWhere stories live. Discover now