PROLOGUE

3K 164 28
                                    




PROLOGUE


              CHARLOTTE POV

            ( BEFORE HER DEATH )

"Sebastian, hindi ko sigurado kung mabubuhay pa 'ko sa mundong ito, o kung totoo ba na may reincarnation."  Pumapatak ang mga luha ko habang binabagtas ko ang madilim na kagubatan.

 Takot? Bakit ako matatakot sa kadiliman? Dito ko nga siya mas nararamdaman. Hindi ko alintana ang mga mababangis na hayop, maging ang mga uwak na nakadapo sa sanga at tila hinahabol ako nang tingin.

Tumatakbo ako pero walang humahabol sa 'kin. Ang sisidlang hawak ko ay naglalaman ng mga mensahe ko sa kanya. Mga mensahe na higit na magtatagal kaysa sa 'kin. May dumating na isang itim na anghel sa 'king panaginip, bahala na kung iyon ay dala lang ng panaginip pero pinangatawanan at pinaniwalaan kong totoo ang sinabi niya, iyon lang ang nagliligtas sa katinuan ko ngayon.

Ayokong maniwalang panaginip lamang iyon at halusinasyon lang 'tong nararamdaman ko. Sobrang sakit na nakadepende ang buhay ko sa kanya pero iniwan niya 'ko, ang mas masakit doon, hindi ko naiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Magbabalik siya pero hindi na 'ko buhay no'n, isa lamang akong tao. 

Napakahirap mabuhay na puno nang pagsisisi, hindi ko naiparamdam sa lalaking mahal ko ang pagmamahal ko sa kanya. Walang araw na hindi naging mapait sa 'kin ang magising araw-araw na hindi ko siya nasisilayan. Gaano ba katagal kong inisip na ang pagkawala niya ay hindi tunay? Isa lamang 'yong bangungot at magigising din ako...

Hinihingal ako nang nakarating sa malaking puno. Napakurap ako at nag-init ang mga mata ko, dahil natagpuan ko ang puno na sinasabi ng itim na anghel sa 'kin. Totoo nga na may mas malaking puno sa kagubatan na 'to, at totoong napapaligiran siya nang nagliliwanag na mga alitaptap. 

"Sebastian, nandito na 'ko," kausap ko sa kanya kahit alam ko na 'di naman niya 'ko naririnig na. Lumuhod ako sa damuhan at nagsimula kong bungkalin ang malambot na lupa na nasa mismong ugat ng malaking puno –nakakapagtaka na totoong malambot iyon na parang humahawi ako ng buhangin katulad sa panaginip ko. Lalo akong nagkakaroon ng pag-asang mababasa niya ang mga sulat ko para sa kanya sa panahon ng pagbabalik niya.

Yakap-yakap nang kaliwang braso ko ang sisidlang babasagin na gawa sa diamante. Higit isang oras bago ako nakahukay nang lalim na maari ko nang ilagay ang sisidlan ko. Namamaga ang kamay ko nang iangat ko 'yon, pero wala lang 'yon sa 'kin at nagpatuloy ako. Itong mga kamay ko na hindi narurumihan at pinagdudulutan lang ako ng iba, ngayon ay ginamit ko para lamang hukayin ang lupang 'to.

"Mahal ko, tandaan mo ang pangako mo, aalalahanin mo 'ko sa susunod mong buhay sa pamamagitan nito," lumuluhang hinalikan ko ang katawan ng sisidlan.

 "Sebastian, ako lang ang mamahalin mo, hintayin mo 'ko, aasa ako na may ikalawa tayong buhay. Sana sa panahong iyon, maipakita ko sa 'yo ang pagmamahal ko. Naniniwala ako at mas hihilingin na magdusa ang kaluluwa basta makasama lamang kita.

Ayoko nang ibang pamilya, hindi ko kailangan nang ibang lalaki, sana mapagbigyan pa 'kong muli, patawad kung mahina ako. Sebastian, ipagpapatuloy natin ang pagmamahalan natin. Ito raw ang punong nagdurugtong sa lugar mo at sa lupain naming mga mortal, Ako si Charlotte ang babaeng tanging mamahalin mo ngayon at maging sa ikalawang buhay nating dalawa, " Kasama ng mga luha ko inilagay ko ng marahan ang sisidlan sa 'king hinukay saat tinabunan. Nakarinig ako nang alulong ng mga lobo pero wala akong takot na naramdaman.

Ayon sa 'king panaginip hindi ko kailangan alalahanin ang sisidlan dahil oras na mailagay ko 'yon sa ilalim ng lupa't matabunan ay aalagaan na 'yon ng tagabantay ng puno at ang makakakuha lamang no'n ay ang mga kadugo ko at ang lalaking pinag-aalayan ko ng sisidlan.

Nakagat ko ang ibabang labi ko, pero hindi ko kinayang pigilan ang mga luha ko. Pakiramdam ko tinatabunan ko nang lupa ang lalaking mahal na mahal ko. Masakit, sobrang sakit na hindi ko man lang siya makikita't mahahawakan hanggang katapusan nitong buhay ko. 

Sebastian, bukas na ang huling araw ko. Hindi ko na matatagalan ang buhay na wala ka. Kung sakali man diyan na tayo magkikita, ikaw sana ang sumalubong sa 'kin. 



READ. VOTE. COMMENT! <3

SEBASTIAN MDB 2: HE BROUGHT ME HELLWhere stories live. Discover now