C7: Preparation

41 3 3
                                    


"Shelly, kumusta ang pag-aaral mo?"

Nag-angat ng ulo si Shelly at tiningnan ang ama na nasa kabisera ng mahabang mesa.

"Maayos naman dad, friendly ang mga classmates ko."

"Hindi ko masabing iisa sa mga classmate ko ang may interes sa 'kin, pero ayoko pa rin na bumalik sa homeschool lalo at gusto ko pang makita uli si Sebastian," bulong ni Shelly sa sarili.

"Good, siguro ay nakasalamuha mo na si Sebastian, siya ang pamangkin ni Mr. Valdez, balita ko'y napakarami nilang business at napakayaman ng kanyang pamilya," sabi ng kanyang ama.

"Yes, dad, nakita ko na siya pero wala pa kaming naging proper conversation. Does it mean na may chance na maging business partner rin kayo or maimbitahan siya sa mga parties na hosted ng family natin?" Hindi mapigilan ni Shelly ang excitement.

"Hindi ko sigurado, si Mr. Valdez ang kakilala ko pero ang pamilya ni Sebastian ay hindi pa 'ko nagkakaroon ng connection," sabi ng kanyang daddy.

"Shelly, bakit parang kumikislap ang mata mo sa pagbanggit sa lalaking 'yon? Huwag mong sabihin na dalaga ka na?"

Natawa si Shelly sa sinabi ng ina.

Nang kumakain sila ng dessert na ay tumayo na ang daddy niya dahil may tawag daw ito mula kay Mr. Valdez.

"Mommy, kailan tayo babalik sa mansion ni Charlotte Earl?"

"Hindi ko lang alam, bakit gusto mo bang magbakasyon do'n? Puwede naman siguro sa summer vacation ninyo."

"Puwede talaga?" Natuwa naman si Shelly. Gusto pa niyang makadiskubre ng marami tungkol kay Charlotte Earl.

"Binibinili ang mansion na 'yon ni Mr. Valdez, hanggang ngayon ay kinukumbinsi niya ang daddy mo. Pero pamana kasi sa 'tin iyon, hindi rin naman natin kailangan na ng sobrang salapi at mahirap na 'yong naghahangad pa tayo ng higit."

"Hindi dapat ibenta 'yon, mom, si Lola hindi siya matutuwa ro'n, please? Isa pa, gusto kong tumira ro'n kagaya niyang mga bakasyon. Gusto kong maramdaman 'yong mga kuwento ni lola kahit wala na siya."

Nang bumalik ang kanyang ama ay natigil silang mag-ina.

"Bibisita raw si Mr. Valdez sa 'tin para sa isang proposal, free naman tayo bukas kaya pumayag ako. Ipakikilala niya rin ang pamangkin niya. Pumayag ako dahil mukhang gusto rin naman ni Shelly?"

Nag-init ang mukha ni Shelly.

"Dad! Hindi naman 'yan totoo!" Kumakabog na ang dibdib ni Shelly.

"Wala namang masama kung maging malapit kayo sa isa't isa, mas okay 'yon lalo at kayo na ang next generation na hahawak ng mga businesses ng pamilya."

Naisip ni Shelly na tama ang kanyang ina, mas mapapalapit siya kay Sebastian dahil magkakaroon sila ng mas maayos na conversation.

"Maganda kausap si Mr. Valdez, hindi ko nararamdaman na nilalamangan niya 'ko," ayon sa kanyang ama.

Halatang-halata naman na gusto nito ang bagong kaibigan, nagawa nga nitong ipagkatiwala siya sap ag-aaring eskuwelahan ni Mr. Valdez.

Iniwanan ni Charlotte ang mga magulang para mag-aral na ayon sa kanya pero ang totoo ay nagmamadali siya para alamin kung anong kulay ba ang magandang isuot bukas. Hindi malaman ni Charlotte kung ano ang isusuot, para bang ang napakaraming damit sa kanyang walk-in closet ay kulang pa pagpilian.

Nagpili siya ng mga kasuotan kasama si Donna, ang kanyang servant. Nakatayo siya sa malaking salamin habang ipinapatong ang mga kasuotang napili niya.

"Magaganda naman lahat, bakit hindi mo magustuhan, princess?"

"Parang may kulang pero hindi ko alam kung ano," sabi ni Shelly na frustrated na.

"Sa dinami-rami ng mga dinala rito na halata namang pinapares sa 'yo ay wala kang kinilusan ng ganito. Anong totoo? Tipo mo ba ang pamangkin ni Mr. Valdez?"

Naroon nga pala si Donna kanina sa tabi ng hapagkainan.

Ang totoo ay imposible naman talaga na makita niya ang Sebastian sa diary ni Charlotte Earl. Pero baka puwedeng iyong kapangalan at tila kahawig sa deskripsiyon ay uubra na. Isa pa'y para talaga siyang nahihipnotismo rito.

"Sooner or later ay kakailanganin kong mamili ng mapapangasawa kaya mas okay na harapin ko sila, ayokong makapili ng lalaking hindi ko magugustuhan. Hindi naman siguro ako pahihirapan ng magulang kong pumili, sabi nila'y mas prayoridad nila ang kasiyahan ko."

"Pag-amin ba 'yan na tipo mo nga ang Sebastian na 'yon?"

Nag-init ang mukha ni Shelly.

"Tulungan mo na lang kaya akong makapamili!"

Nagkibit-balikat si Donna halos dalawang oras din silang namili ng susuotin nito at mga alahas sa katawan na ipapares nito.

Hindi halos makatulog si Shelly, excited ba siya? Kinakabahan o ano?

Huminga nang malalim si Shelly at marahang bumuga. Kailangan niyang makatulog para hind imaging haggard ang hitsura niya bukas.

Nakatulog naman din siya kaiisip at nang magising kinaumagahan ay kaagad dinaluhan ng kanyang mga maid servants.

Kinakabahan si Shelly habang pinaliliguan siya ni Donna. Marunong naman siyang mag-isa iyon lamang ay kapag gano'ng may mga espesyal na okasyon ay sinisiguro nitong napakalinis niya kahit pa nga wala namang titingin sa buo niyang katawan.

"Parang noon ay wala ka pang dibdib at diretso lang ang 'yong katawan halos pero ngayon ay dalagang-dalaga na ang hugis mo," ani Donna, komportable itong magbigay komento, kapamilya ang tingin niya rito.

"Pero mas marami pa rin akong nakita na mas magaganda ang hugis sa 'kin na kaedaran ko. Magmumukha nga yata 'kong bata kung didikit sa kanila." Naalala ko ang babae sa Night Class, parang modelo at paniguradong pinipilahan ng lalaking manliligaw.

"Maniwala ka sa 'kin, napakaganda mo at hindi mo kailangan maging kasing kurba nila para pilahan. Napakarami nga na naghihintay na mag-eighteen ka at nang pormal ka ng maligawan. Ilan bang arrange marriage ang natanggap ng magulang mo para sa 'yo?"

"Pero dahil 'yon estado ng pamilya ko hindi dahil sa 'kin."

"Masyado kang negatibo, kung ang Sebastian ba na 'yon ay alukin din ang magulang mo ay hindi ka rin papayag dahil katulad ng sinabi mo paniguradong dahil lang 'yon sa estado mo sa buhay?"

Kung ganoon din ang pakay nito?

Nag-init ang mukha ni Shelly.

"Tatanggapin ko siguro..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEBASTIAN MDB 2: HE BROUGHT ME HELLWhere stories live. Discover now