"No mag uusap tayo, please Belle, ikaw yung kailangan ko Belle, naalala mo pa ba noon? yung sinabi ko sayo? ikaw lang yung nag papaganda ng buhay ko Belle, ayoko ng ulit bumalik sa pangit kong buhay Please"

"kung totoo talaga yang sinasabi mo sana noon palang pinahalagahan mo na ako"

"Pinagsisihan ko na ang lahat Belle, please"

"mama!" lumaki naman ang mata ko ng marinig ko ang sigaw ng anak ko, nakita ko naman itong tumakbo palapit saakin.

"B-baby?" naramdaman kong wala na akong dugo sa katawan ko.

"ma I'm hungry na po let's eat?, oh! Good Afternoon po" nag bow naman ito kay Voltaire, tiningnan ko naman si Voltaire nakatulala itong nakatingin kay Venice..

"H-how old are you kid?"

"5 years old"

"Venice pumasok ka muna sa loob ng office ni mama" tumango naman ito at sinunod ang sinabi ko.

"5 years old? 1 year ka palang nawawala Belle di naman siguro yan sa lalaki mo diba?, 3 years na tayong kasal bago ka umalis pero walang nangyari saatin, a-akin ba ang batang yan?"

"No! it's not yours walang sayo sa batang yun akin ang lahat ng yun"

Nagulat naman ako ng napaluhod siya sa harap ko na naka tingin sa pinto ng opisina ko.

"Tumayo ka nga diyan"

"B-Belle bakit di mo sinasabi saakin?" mahina niyang sabi pero narinig ko naman ito.

"Sabi ko naman sayo walang sayo niyan,  akin yan ako nag alaga niyan, at pera ko din ang ginamit na pag gastos kay Venice, wala kang karapatan angkinin ang batang yun Voltaire!" Tumayl naman ito.

"Dahil hindi mo sinabi saakin!, di mo sinabing may anak pala tayo! all this time! para sa wala lang pala ang galit ko sayo dahil ang iniisip kong tinatawag mong baby ay kasintahan mo!, Belle naman ang unfair mo naman!" Nilagpasan niya naman ako at pumasok sa opisina ko pero dahil mas malakas si Voltaire saakin di ko siya napigilan.

Di ako makapasok dahil nilock niya ito ang ang susi ay nasa loob kaya kinalabog ko ito ng nakapakalakas.

"Voltaire! Ano ba! sabing hindi mo yan anak! anak ko lang yan! fvck"

Sinuntok suntok ko naman ang pinto pero hindi ko padin mabuksan ng tuluyan.

Maya maya pa ay bumukas naman ito, napatingin naman ako kay Venice na may ngiti sa mga labi habang karga karga ito ni Voltaire.

That sweet smile na hinding hindi ko ulit nakita sa anak ko simula nung nag tanong siya tungkol sa daddy niya.

"Ma! bakit di mo sinabi saakin na si daddy po pala ito"

"Anak come here, halika dito kay mama please" namumuo naman yung luha ko, feel ko kasi parang kukunin saakin si Venice, ewan kung saan ko ito nakuha kusa ko lang naman ko itong naisip.

"Dito po muna ako kay papa ma" yumakap naman ito sa leeg ni Voltaire, tinignan ko si Voltaire nakatingin ito kay Venice, ngumiti naman ito, nilingon niya naman ako, nag iba ang paningin niya saakin, ang blangko na pero kitang kita ko naman na galing ito umiyak.

"Let's eat po papa I'm hungry"

"Okay baby" Nilagpasan naman nila ako.

"Ma! let's go"

"No, tayo muna baby pwede ba yun?"

"Wag mo naman kunin saakin yung anak ko Voltaire"

"Anak ko din ito Belle" Umalis naman sila at doon tumulo ang mga luha ko.

No! kailangan kong mabura sa isip ang iniisip kong baka kunin na saakin yung anak ko, ayoko di ko kaya, di ko kayang mag isa na, simula nung dumating si Venice sa buhay ko, natatakot na akong mag isa sa buhay.

Hanggang sa nag gabi nalang pinaclose ko na yung botique at umalis na si Candice ako andito padin sa opisina ko nag hihintay na eh uwi saakin si Venice.

Habang tumatagal yung oras na mag kasama yung mag ama lalo akong natatakot, natatakot na baka hindi na uuwi saakin si Venice, natatakot na mapalapit siya kay Voltaire, alam ko naman na panandalian lang itong nararamdaman ni Voltaire dahil alam kong babalik din siya sa dating siya, eh abandon na naman kami, okay na ako na ako lang yung makaramdaman non eh pero ngayon nag kita na nga sila, magkasama pa.

Sinandal ko naman ang likod ko sa swivel chair ko at pinikit ang mga mata, tumulo na naman ulit ang mga luha ko.

Eh uwi na sana si Venice saakin please lang, please, ginawa ko naman ang lahat para hindi siya malagay sa kapahamakan sana eh uwi pa siya saakin at uuwi siya saakin, okay na ako na si Venice lang.

Di ko namalayan na nakatulog ako ng ganong posisyon hanggang sa magising nalang ako ng may yumakap saakin at siniksik ang mukha sa dibdib ko.

"Uhm" binuksan ko naman ang mata ko pero nakita ko nalang ay daan, nilibot ko ang paningin ko nasa loob na ako ng kotse.

"Ma, sorry po nagising kita"

"Baby?"

Nilingon ko naman yung driver seat.

"Ma, naabotan ka po namin na natutulog buti nga po di kayo pinasokan ng mag nanakaw"

"Sa susunod siguradohin mong close ang lahat bago ka matulog" singit ni Voltaire.

Ngumiti naman ako sa anak ko, niyakap ko ito ng napakahigpit.

"I miss you" mahina kong bulong sa anak ko.

"Ma ilang oras lang po ako nawala eh"

"Please wag mo ng hayaan na mawala ka saakin"

"Huh?" Tahimik naman akong umiyak, total madilim naman ang kapaligiran, hinayaan ko ng umiyak ang sarili ko di naman mapapansin ni Voltaire eh

Tumigil naman ang kotse sa tabi ng kalsada kaya siniksik ko nalang ang mukha ko sa anak ko.

"Ma umiiyak ka po ba?" bulong ni Venice saakin umiling naman ako bilang sagot.

"Sorry po ma hindi na po ako aalis please wag na po kayong umiyak"

"Hindi naman ako umiyak baby namimiss lang kita"

Pinipilit kong kumalma, at tumigil sa kaiiyak pero paulit ulit na bumabalik sa utak ko yung senaryo kanina na umalis silang dalawa na parang kinukuha saakin si Venice.

Magkakamatayan na pero hinding hindi ko ibibigay si Venice sakanya, hindi ayoko, ayokong maiwan mag isa, mas lalong sumikip ang nararamdaman ko sa dibdib ko kaya medyo nahihirapan akong umiyak, pero pinipilit kong kumalma.

Beauty and the Beast ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora