"papasokin mo, at wag na wag na kayong magpapasok ng ibang tao dito"

"sige po" lumabas naman ito at di nag tagal ay pumasok si Voltaire na parang walang hangover bilib din ako sa isang to, kahit lasing na lasing di nagkaka hang over.

"Pumunta lang ako dito para sabihin na ako na bahala sa daddy mo at sa magulang ko, di mo na kailangan mapilit mag pakasal saakin."

"No take your sit and let's plan the wedding" nakita ko naman itong nagulat pero di naman ito nag tagal, umupo naman ito sa sofa kaya tumayo na din ako at umupo sa harap niyang sofa.

"Anong meron? bakit nag bago isip mo?"

"Dahil nadamay na din ang buhay ng mahal ko"

"Ahh"

"So ano ba paplanohin natin?"

"Mag cocontact muna ako ng wedding planner para magabayan tayo"

Tumango naman ako bilang sagot, sana pag kinasal ako sa gagong to, makakamit ko na yung kalayaan ko at di niya sasaktan si Venice. Gusto ko ng mabuhay na normal lamang walang patayan na nagaganap, walang krimen, ayoko ng gumawa ng krimen, ayokong tularan ako ng anak ko.

I hope she's a good Kyril, di siya tutulad saamin at di ko hahayaang may kokontrol sa kanya.

Kinagabihan binagsak ko naman ang katawan ko sa kama dahil sa sobrang pagod.

Naalala kong pupunta akong Thailand bukas buti nalang talaga at napaayos ko ito bago ako naging busy sa kasal daw kuno, masyang engrande ang kasal na yun di ko alam kung bakit basta ang sabi saakin ni Voltaire, yun ang gusto ng mga magulang namin, dahil isang Kyril at Montesca mag iisang dibdib huh! as if

Dahil sa pagod nakatulog ako ng di pa nahuhubad ang sandal at di pa nakapag bihis.

Kinabukasan ay tinawagan ko si Voltaire.

"hello?"

"Aalis ako ngayon may importante akong aasikasohin ikaw na bahala sa mga plano"

"Okay"

Binaba ko naman ito at sumakay na sa eroplano dahil tinatawag na ang byahe ko.

Kahapon habang nag paplano, di ako kumikibo sakanya, pag tinatanong niya lang ako, wala din naman akong gana eh, eh sa ayaw kong magpakasal sakanya, total andiyan naman yung wedding planner eh, ang gagawin ko nalang siguro ay ang mag sukat ng gown ewan di ko alam pero masyado akong pagod kagabi dahil di lang yun ang inaasikaso ko pati din ang trabaho ko.

Di naman matagal ang byahe namin kaya naman pag kaapak na pag kaapak ko sa Thailand ay dumiretso na ako sa bahay ni Anshirina.

Ng makarating ako don, pumasok naman agad ako dahil alam ko ang pin niya.

"Belle?"

"Ansh"

"ang aga mo ata?"

"yeah, ayoko don sa Pinas eh"

"haha, nga pala tumawag ang mommy mo kanina, di ka niya kasi ma kontak"

"Bakit daw?"

"Humihingi ng tawad eh dahil sakanya bakit iyon nalaman ng daddy mo, yung pictures daw"

"Okay lang wala din naman tayong magagawa, alam kong kahit hindi sa mga litratong yun siguradong mag hahanap si dad and I guess destiny is on his side, talo na ako eh"

May narinig naman akong sumigaw na bata kaya nilingon ko ito nakita ko si Venice na nag lalaro.

Nilapitan ko agad ito at kinarga.

"I miss you baby"

"Ma!"

"Yes andito na si mama"

"Ma!"

"Yes?"

Niyakap niya naman ako kaya napangiti naman ako.

"Mag tatagal ka ba dito?"

"Uuwi din ako mamayang gabi eh"

"Bakit?"

"Minadali yung kasal kahapon nga tapos na kami sa tasting at pag hahanap ng theme at venue"

"Kailan ba ang kasal?"

"Next week"

"Ano? kaya ba yun?"

"Siguro ewan di ko alam"

"bakit daw minadali?"

"Yun ang utos eh, ano pa nga ba? siguro iniisip nila na baka pag nag tagal mag iiba ang isip namin"

"Hay naku girl feel ko talaga si Voltaire na soulmate mo kahit anong gawin mo"

"Pano mo naman nasabi?"

"Imagine iniiwasan mo na siya't lahat lahat pero ito mag papakasal kayo di nga lang kusa niyo kundi pilit lang."

"Tsk naniniwala ka don?"

"basta!"

"Bumisita lang ako dito uuwi din ako mamayang gabi"

"Literal na pag bisita nga ang ganap mo"

"Yeah"

"Nga pala ipaalala ko lang sayo friday ngayon"

"Wag mo ng ipaalala na malapit na akong matali sa gagong yun"

"Ganon padin ba siya?"

"Ewan, iniiwasan ko nga siya diba? ayoko na sanang mag tagpo yung mga landas namin eh pero ito po alam ikakasal sa gagong yun"

"Dalhin mo na kaya si Venice don?"

"Ayoko, ayokong makilala niya ang gago niyang ama"

"nagiging selfish ka naman Belle"

"okay na siguro saakin na ang alam niya wala siyang ama"

"Kahit sinong anak Belle gustong gusto makilala ang ama nila kahit na may masama itong ginawa sa ina nila"

"Pero di naman niya hinahanap yung daddy niya eh"

"Dadating din yung oras na hahanapin niya Belle"

"Don lang natin malaman pag dumating na yung oras na yun"

"Sirado padin ang utak mo"

"Ayokong masaktan ang anak ko tulad sa sakit na naranas ko kay Voltaire"

"Di naman siguro sasaktan ni Voltaire yung anak niya"

"Di natin alam yun Ansh"

"Then alamin natin, kung ipakilala mo yung anak mo ngayon na malalaman natin ng maaga yun"

"Wag mo na akong pilitin Ansh, basta ayoko"

"hay naku kahit kailan ka talaga sige na nga aalis na ako, maghahanap na muna ako ng lovelife ko, maiwan ko muna kayong mag ina"

Tumango naman ako at umalis naman ito.

Beauty and the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon