"Lasing ka na bakit di ka ba dumiretso ng uwi sainyo?"

"Gusto kitang kausapin"

"Masyado ka ng nag mumukhang desperado Volt, ano ba? tumigil ka na" umupo naman ako sa tabi niya, umayos naman ito ng upo, nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

Sinandal niya ang ulo niya saakin.

"Bakit ka ba lumalabas ng kwarto mo na suot ang ganyang klaseng damit?"

"paki mo ba?"

"Syempre may pakialam ako sa magiging asawa ko"

"Lasing ka na nga, alam mo mag bibihis lang ako at ihahatid kita sainyo"

akmang naman akong tatayo pero niyakap niya ang braso ko

"Voltaire bitaw"

"Bakit ba ayaw na ayaw mo akong mapangasawa? alam mo nag sisisi na ako sa nangyari dalawang taon pero bakit parang kulang pa para um-oo ka sa kasal natin? siguro nga dahil may pumipigil sayo yung taong nginitian mo tulad ng pag ngiti mo saakin noon at yung sinabihan mo ng I love you, siguro siya yung pumipigil sayo na pumayag ka sa kasal natin, sabihan ko kaya daddy mo tungkol don baka may magawa siya para tuluyan kang pumayag saakin"

"No!" fvck not my mom, kahit naman siguro si daddy diba di papayag? mahal niya ang mommy ko diba?! kahit na mag sumbong si Voltaire kay dad pag nalaman ni dad na si mommy yun di niya naman sasaktan si mommy..

"Mag pakasal na tayo Belle"

"Ano bang meron bakit pinipilit mo ako?"

"kasi ayoko patayin nila si Dianna, Dianna is important to my life, she's precious"

"Then doon ka sakanya mag pakasal"

"Sayo lang ako magpakasal"

"Oh fvck that crap up Volt"

"Bakit ba ayaw mo akong pakasalan? ganon nalang ba ang galit mo saakin?" bumuntong hininga naman ako

"Ayoko na Volt, ayaw ko ng masaktan ulit ayoko ng magpakatanga ng paulit ulit masakit na eh"

"Hindi na kita sasaktan"

"Yan din ang huli mong sinabi" ngumiti naman ako ng mapait, tumayo naman ako at tinaggal ang kamay niyang pumipigil saakin na tumayo, inabot niya naman ako pero lumayo ako sakanya.

"Kung ayaw mong umuwi, alam mo naman nasan ang guest room diba? doon ka nalang matulog, kita ko naman na kaya mo ang sarili mo"

"Mag usap pa tayo"

"Ayoko na gusto ko ng matulog, pagod na ako"

"Belle naman"

"Di ka ba napapagod sa ginagawa mo Volt? kung hindi ibahin mo ko"

Umalis naman ako at dumiretso sa kwarto.

Kinabukasan nagising nalang ako ng may naramdaman akong may nag lagay na mabigat na bagay sa tiyan ko.

Minulat ko naman ang mata ko pero agad naman napatayo sa gulat ng makita sino katabi ko.

"Voltaire!"

"Uhm?"

"Sabi ko sa guest room hindi dito!"

"Mamaya na"

"Anong mamaya na?, umalis ka nga dito pag nakita ka ni kuya Alexander siguradong makalabas ka ng bahay nato na may pasa"

"Nahihilo ako" mahina niyang sabi kaya napatigil naman ako at tinitigan ang mukha niyang nakapikit ang mga mata at yung kilay kulang nalang mag iisang linya na sila siguro nga nahihilo siya.

Umiling nalang ako at pumasok sa cr at naligo.

kakausapin ko na talaga ang daddy ko, kailangan ko talaga siyang pigilan sa mga pinaplano niya, okay lang sana na ako lang yung kinokontrol niya pero hindi eh may ibang tao pa ang nadamay.

Bumuntong hininga naman ako, nag tapis na ako at dumiretso sa walking closet at doon na nag bihis at lumabas ng walking closet.

Konektado kasi ang walking closet ko at cr at sa kwarto ko talaga, ibig sabihin dalawa ang pinto ng walking closet na ito, ang cr at ang kwarto, pati din ang cr.

Nakita ko padin siyang nakahiga, bahala siya sa buhay niya.

Lumabas naman ako ng kwarto at umalis na sa bahay pero bago ako tuluyan umalis nag bilin ako ng utos sa isang katulong na dalhan ng gamot si Voltaire at pagkain.

Siguro naman gigising yun mamaya dahil may trabaho pa siya, hindi niya ako asawa at hindi maging para asikasohin siya, di ko naman siya inutusan na mag lasing ah? at isa pa kailangan ko ng makausap ang tatay ko at ayokong mag usap kami sa bahay dahil di lang ako ang tao don, di tulad sa opisina ko.

Ng makapasok ako sa opisina ko ay agad kong tinawagan ang tatay ko.

"Good Morning mafille"

"Walang good sa morning dad"

"Napatawag ka? payag ka na?"

"Pumunta sa bahay si Voltaire kagabi na lasing, kailan ka ba po titigil?"

"You know me mafille, hindi titigil basta naka pag desisyon na"

"Lalayas nalang po kaya ako sa pamilyang to? para naman may laya na ako"

"Kilala mo ba si Venice?" ng marinig ko ang pangalan na yun biglang bumilis ang tibok ng puso pero di ko pinahalata sa tatay ko.

"Sino yun?" sana hindi yung Venice na kilala ko ang ibig sabihin ng tatay ko.

"Sa pagkakaalam ko nasa pamamalagi siya ni Anshirina David, your bestfriend"

"How did you fvcking find out dad!?"

"Because I'm your daddy, now even it hurt me na di mo sinabi saakin, pumili ka, ang buhay ni Venice o magpakasal ka kay Voltaire?"

"Fvck dad! ngayon nangdadamay ka na ng buhay!? ano ba dad!"

"Choose mafille, ayokong mapahiya sa kumpare ko kaya siguradohin mong pinag isipan mo ang pipiliin mo"

"Don't you dare touch your grandchild dad! don't you dare touch my daughter!"

"Let see"

Beauty and the Beast ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora