Alexander? kahit ganon yun kahit tignan mo lang siya he already stole your heart lol just kidding. Kung titignan mo ang isang yun busy sa business pero tahimik yung nagnanakaw. Nagnanakaw ng pera sa ibang business kung saan isa siyang malaking share holder, he can manipulate everything in business world.

while

Me being a thief of jewelry back then but now? I'm a killer.

See? everyone, every Kyril in this world have their own crimes.

Magpakasal na din kaya ako? para tigilan ako ng tatay ko? di lang sa panggulo sa lovelife kong hanggang ngayon wala pa at sa pang uutos niyang patayin ko kung sino man ang may mga may kasalanan sa pamilya namin.

Buti nga di niya pinapatay si Zyryl dahil sa ginawa niya kay Alice, lagot talaga siya ni Alice pag ginalaw nila ang mahal niya.

Sabihin ko kaya kay daddy na may kasalanan si Voltaire saakin?

Oh my ghad Belle mag move on na tayo! dalawang taon na ang lumipas non okay?! kaya mag move on kana.

Siguro nga siya ngayon ay may asawa na kaya tumigil tigil ka na mag move on ka nalang.

Voltaire's POV

"Good Morning Mr. Christian, may nararamdaman pa po ba kayong masakit?" ngiti ko sa pasyente ko.

"Medyo okay na ako doc, salamat"

Ngumiti naman ako sakanya.

Dumapo ang mga mata ko sa prutas na nasa side table ng kanyang kama.

"Employee po ba kayo ng Kyril's Company?"

"Yes doc pano niyo na nalaman?"

Tinuro ko naman ang mga prutas

"Ah si Ma'am Belle po nag padala niyan. takot siyang pumuntang hospital eh kaya nag papadala nalang siya ng sulat at prutas" ngumiti naman ito saakin, kaya tumango naman ako at ngumiti.

"Sige po mag pahinga nalang kayo, kung may mararamdaman kang sakit tawagan mo nalang kami okay?" tumango naman ito, kaya lumabas naman ako ng kwarto niya.

Bumuntong hininga naman ako.

Hindi naman siya takot pumunta, iniiwasan niya lang talaga ako.

Napailing nalang ako sa iniisip ko, dalawang taon na ang nakalipas, gustong gusto ko siyang makausap pero sa tuwing pinupuntahan ko siya sa opisina niya hindi ko siya nakikita, dahil wala akong appointment sakanya kaya dalawang taon na din simula nung huli kong kita sa maganda niyang mukha.

Pumasok ako sa opisina ko at umupo at sinabunot ang buhok ko.

kamusta na kaya siya ngayon?
"Doc"

"Yes?" umayos naman ako ng pag upo.

"Okay lang po ba kayo?"

"I'm okay"

"Usap tayo bilang mag kaibigan ah,  alam mo may napapansin ako sayo"

"Ano naman yun?"

"Parang nag bago ka po, 2 years ago nag bago ka din, hindi na ikaw yung malanding Voltaire na nakilala ko, kahit nga magpakita na ng kaluwawa yung babae sayo di mo padin pinapansin, ngayon 2 years na ang nakalipas parang hanggang ngayon wala ka padin sa sarili mo, bakit nga ba pabago bago ka ng ugali mo?"

"Trip ko lang yun Daniella"

"Sus hula ko talaga may sineryoso ka ng babae"

"Ewan ko sayo, nga pala kayo muna bahala dito ah?"

Beauty and the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon