Chapter 35: Stay Close, Don't Go

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha? Ano? Bakit hindi mo alam?" tanong pa niya.

"Kasi hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag nandyan siya. Natutuwa ako kapag inaalala niya ako. Sa totoo lang kinikilig din naman ako minsan sa kanya kahit tinatarayan ko siya. Pero naiinis ako sa kanya kapag nagagalit siya for petty reasons at syempre naiinis din ako sa sarili ko kasi sinasabayan ko 'yung pagkachildish niya. And..."

"And?" sabay na sabi ni Zoe, Ayu at Sab.

"And... ano..." Nakakahiyang sabihin.

"Ano?" tanong ni Ken.

"Kasi..."

"Anak ng! Isa pa, Yannie. Sasabihin mo ba o – "

"And nagselos ako nu'ng nakita ko siyang may katawanang ibang babae," mabilis kong sabi saka yumuko.

"Uh-oh. Mukhang may something na nga," sabi ni Sab na iiling iling pa.

"Winarningan na kita, Yannie," paalala naman ni Zoe.

"Gusto mo na nga siya. Tsk tsk," dagdag pa ni Ayu.

"Teka nga! Bakit ba parang ayaw niyong magkagusto si Yannie kay Xander?" Medyo pasigaw na tanong ni Ken.

Medyo natawa ako sa reaksyon niya kasi parang naoffend siya para sa kaibigan niya.

"Ano... Hindi naman sa ayaw. Pero kasi – " Hindi matuloy ni Ayu ang sinasabi niya kaya sumenyas siya kay Sab na ituloy 'yun.

Kaya ito namang si Sab ay agad sinabi ang hindi magawang sabihin ni Ayu. "Kasi kilala niyo naman 'yang kaibigan niyo. Ang lakas sa babae niyan. Kung magpalit ng babae parang kumakain lang. May pangbreakfast, lunch, meryenda, dinner at kung minsan may midnight snack pa. At ang pinakamasaklap sa lahat, brunch."

Nagtaka at napakunot naman ng noo ang dalawang lalaki. "Brunch?" tanong ni Ice.

"Yes. Brunch. Breakfast at lunch. Sabay. Ganun."

"Grabe naman kayo makapangjudge kay Xander," depensa ni Ken sa kanya.

"Bakit, hindi ba totoo?" tanong ni Zoe saka nagcrossarms.

"Partly true," sagot ni Ice sa kanya. "Hindi naman maitatanggi na madalas siyang magpalit ng babae at kung minsan ay pinagsasabaysabay pa niya 'yung mga 'yun. Yes, he's a player. Noon."

"Noon lang?" Pinangliitan ng mata ni Zoe si Ice.

"Oo. Noon. Bago maging sila... I mean maging fake sila ni Yannie. Araw-araw 'yang may bagong babae dati. Minsan nga ilang oras lang ang pagitan. Pero dati na 'yun. Kasi ngayon ni minsan hindi namin siya nakitang nambabae. Kaya nga ang akala ko sila talaga ni Yannie. Syempre nagulat ako at naisip ko na kaya palang tumino ni Xander. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang malaman na fake lang sila pero nagawa niyang magpakatino at tumigil sa pambabae."

"Ayon kasi sa rules na ginawa namin, bawal ang mangbabae," sagot ko kay Ice kasi ayokong maniwala. Ayokong umasa na nagbago nga si Xander – na nagbago siya dahil sa akin.

Tumango tango naman siya, "Pero naisip mo ba na pwede naman niyang hindi sundin ang rules kasi wala namang mawawala? Kaya lang hindi niya ginawa 'yun kasi nga nagpapakatino siya."

Umiling ako, "Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo – "

"Oo, kaibigan ko siya pero hindi ko sinasabi 'to sa 'yo dahil doon. Sinasabi ko 'to kasi 'yun ang totoo."

Tinapik ako ni Zoe, "Alamin mo ang nararamdaman mo Yannie." And with that, tumayo na siya at umalis.

Nagsibalik na rin 'yung iba sa mga ginagawa nila at naiwan akong nakaupo.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon