Kaya ba, sa ngayon gusto na nila na si Kuya ang gusto na nilang pakasalan ni Zaira? Ang gago ko talaga! Sana naman maisip niya kung gaano ako matatamaan sa sasabihin niya. Mas lalo niya tuloy dinagdagan ang bigat at pasanin dito sa dibdib ko.

Napahawak ako sa bandang puso ko. Namimilipit ito sa sakit!

Siguro nga, grabe lang talaga ang nagawa ni Kuya. Na kahit kailan ay hindi ko mapapantayan. Siguro nga, marami talaga siyang nagawa sa loob ng halos anim na taon para sa kanilang dalawa. Hindi ko nga ba talaga kayang pantayan 'yon?

LUMABAS na ako ng banyo at nakita kong agad siyang napatayo nang makita akong lumabas ng banyo.

Humawak siya sa braso ko. "Hub..."

"Papasok na ako. Kumain ka na ba?"

Umiling-iling siya at tinignan ako. "Hindi pa. Gusto kong mag-usap muna tayo," Aniya.

"Mamaya na. Mag-papalit nalang muna ako."

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ko at lumabas ng pinto. Ngayon, ako naman ang nahihirapan sa pag-trato ko sa kanya. Nag-madali nalang ako na pumili ng susuotin at tinignan ang sarili ko sa salamin... Ang gwapo ko talaga.  

Nag-tungo na ako sa pinto at binuksan 'yon. Nasa labas siya at nag-hihintay sa akin? Lumapit siya kaagad at hinawakan muli ang braso ko. "Hub, mag-usap tayo."

Hindi ko nalang siya tinignan at huminga ng malalim hudyat ng gusto ko nang mag-salita siya. "Hindi ko naman sinasa—"

"Hindi mo sinasadyang maalala siya? O sadyang gusto mo lang ipamukha sa akin na hindi ko kayang higitan ang mga ginawa niya sa inyo?" Putol ko sa kanya.

Napa-kagat siya sa isang parte ng labi niya at yumuko. Puta, yung labi niya, gusto ko nang halikan. "H-hindi naman sa ganon, Hub—"

"Hindi e. Pati ba naman ikaw? Ikinukumpera pa ako sa kanya? Sino nalang ba ang kakampi ko dito, Zaira?"

"Ako — Kami!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Kayo? Talaga lang, Zaira?" Sarkastikong sambit ko sa kanya.

Napa-yuko nalang siya. Alam kong hindi na maganda ang nilalabas ng bibig ko. Pero hindi ba pwedeng ilabas ko ang naramdaman ko tungkol doon? Ang sakit e. Ayoko lang ikimkim ito sa loob ko.

Kumalas na ako sa pagkaka-hawak sa braso niya at saka tuloy-tuloy na bumaba. Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar na. Hindi maganda ang araw ko, puta. Bakit ganon? Pakiramdam ko, pinagkaka-isahan nila ako? Ganon na ba sila ka-desperado na mawala sa kamay ko ang pamilya ko?

Ginagawa ko naman ang lahat a! Ano pa ba ang gusto nila? Magpakamatay ako? Makita nila akong pinag-sususuntok ng sandamamak na beses? Napatapak ako ng mas madiin sa gas paddle. Na ang dahilan nito upang mapa-bilis ang pag-takbo ng sasakyan ko.

Nakatingin lang ako sa daanan at inuunahan ang mga kotse na nasa harapan ko kanina. NO! Itinigil ko ang kotse sa isang gilid at napa-hawak ng madiin sa manibela.

"F-UCK!" I cursed as I kept on stopping my tears from falling.

Napailing-iling ako. Hindi, hindi ito ang tamang panahon para mag-drama. Hindi ko na alam ang gagawin ko para gumanda ang araw ko. Huminga nalang ako ng malalim at ipinag-patuloy nalang ang pagda-drive papunta sa DVG...

ZAIRA GARCIA— DEL VALLE

 

XANDER naman, e! Bakit ba ang bilis niyang mag-tampo?! Oo, alam kong mali ang pag-banggit at pag-alala ko sa kanya pero, hindi ko naman tinuloy 'yon e!

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Where stories live. Discover now