CHAPTER 29

1.2K 10 0
                                    

APRIL'S POV

"Hindi kasi ganyan yan." Pagtuturo ko kay Kai. Dahil bawal daw ako maistress siya ang gumagawa ng mga gawain sa bahay. At ngayon, siya ang nagluluto ng pagkain namin. Apat na buwan na ang nakararaan mula nang nagkagulo ang lahat pero ngayon ay naging maayos na. Kinuwento sa akin ni Kai ang tungkol sa 4.5 million niyang utang pero sinagot na ito ni Kira at nagpatuloy na ito papunta sa ibang bansa. Humingi na rin siya ng tawad sa mga nagawa niya sa amin.

"Oo nga pala, by. May party na gaganapin sa thursday. Punta ka ah?" Sabi ni Kai.

"Hmmm. Parang biglaan ata yan. Haha. Sige." Sagot ko.

"Baby, malapit lapit ka nang lumabas. Makikita ka na rin nila mommy at daddy." Sabi ni Kai habang nakadikit ang kanyang tenga sa tyan ko.

"Parang naman sasagot yan eh. Haha." Pabiro kong sambit.

"Oo nga pala, ano ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ni Kai.

"Hmm... Babae pala siya noh? Okay na siguro Savannah." Sabi ko.

"Hmmm.... Winter?" Sabi ni Kai.

"Pinagsasasabi mo? Hahahahahaha." Natatawa kong sagot. Nagkulitan lang kami ni Kai nang biglang tumunog ang phone ko.

Fr: unknown number

Makakaganti din ako sa inyo. Mapapasakin ka din. Intayin mo lang.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa natanggap kong mensahe. Alam kong si Xander ito. At natatakot ako sa maaari niyang gawin.

"By okay ka lang?" Tanong ni Kai. Ngumiti naman ako.

"Yes. Im fine. Sige na maglaba ka na, ako na bahala dito sa pagluluto." Sabi ko. Hinalikan ako ni Kai sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya. Nababother ako kay Xander pero dahil bawal ako ma stress, di ko na iisipin yun. But still, im worried.

-----------------------*
KAI'S POV

Alam kong nagtext din si Xander kay April. Dahil ako ang unamg nakatanggap ng mensahe nito. Hindi ko hahayaang may mangyari sa pamilya ko lalo na't malapit nang manganak si April.

To: unknown number

Alam kong ikaw yan Xander. Subukan mong saktan si April. Ako na lamg wag na ang asawa ko.

*message sent*

Handa akong tanggapin ang lahat, wag lang masasaktan sila April. Mundo ko sila. They are my everything. Kaya kong magsakripisyo

Fr: unknown number

I can't promise. Kaya kong gawin ang lahat makuha lang ang gusto ko.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Baliw na tong si Xander. He's obssessed to April. And i can't allow that.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon