CHAPTER 11

1.2K 12 0
                                    

KARINA'S POV

"Xander where are you going?" Tanong ko kay Xander nang mapansin kong aalis ito.

"Ahh. Bibisita ako kila April. Sama ka?" Tanong nito. Napangiti naman ako nang yayain niya ako.

"Sure. Biglaan naman ata yang pagpunta mo doon." Sabi ko.

"Syempre. Namimiss ko na si April. Isasama kita para makita mo si Kai. Im pretty sure namimiss mo yun." Sabi ni Xander.

"Wait me here. Magbibihis lang ako." Agad akong pumanhik sa aking kwarto at hinanap ang susuotin ko. After a minute ay bumaba na ako.

"Ang tagal mo." Pagrereklamo ni Xander.

"Sorry na." Sabay nag peace sign ako at umalis na kami. Halos 30 minutes ang byahe namin dahil medyo may kalayuan ang bahay nila Kai.

"We're here." Sabi ni Xander. Napatingin ako sa bahay nila. Grabe. Ang laki.

"Bakit parang walang maid?" Tanong ko.

"Wala talaga silang katulong. Ayaw ni April." Sagot ni Xander. Napatango ako. Bumaba na kami ng kotse at nagdoorbell na si Xander. Hindi nagtagal, ay lumabas si April.

"Uy Xanderpoooot." Sigaw nito at niyakap si Xander. Napatingin naman siya sa akin.

"Pwede ko naman yakapin boyfriend mo diba?" Tanong niya. Tumango naman ako. As if naman na boyfriend ko si Xander.

"Bakit kayo naparito?" Tanong ni April.

"Baka naman may balak kang papasukin kami." Sagot ni Xander. Kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

"By, may bisita tayo." Rinig kong sabi ni April. Nakita kong lumingon si Kai sa amin. Gosh. I missed him. His eyes. And the way he looks.

"Bro." Sabi ni Xander sabay kaway. Kumaway naman pabalik si Kai.

"Nakalimutan ko pala." Sabi ni April. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. I also miss my bestfriend. Then kumalas na siya sa hug. Napakamot siya sa ulo niya.

"Eh kase si Xander lang hinug ko kanina. Hahaha sorry." Natawa naman ako dahil ang cute ng pagkakasabi ni April. Hindi nagtagal lumapit sa amin si Kai.

"Tara, sama kayo. Nagmo-movie marathon kami." Pagyayakad ni Kai. Agad kami hinila ni April papunta sa sala. Sila ni Kai ang magkatabi at kami naman ni Xander. Habang nagpa-play ang movie, di ko maiwasan na di mapatingin kay Kai. Ang laki na ng pinagbago niya. Nakita ko rin na nakaakbay siya kay April habang si April ay nakahiga sa dibdib niya. Nakaramdam ako ng selos. Gusto kong yakapin si Kai at kausapin, pero di pa niya alam.

"Kai, ilang taon na kayong kasal ni April?" Tanong ko dito. Tumingin naman siya sa akin.

"Almost 4 years na." Sagot nito. Tumango naman ako. Ang tagal na talaga.

"Alam mo pareho kayong manamit ni Kira." Agad akong napatingin dito.

"S-sinong Kira?" Tanong ko.

"Yung taong mahal ko pero iniwan lang ako. Ang masakit, di ko alam ang dahilan. She just leave." Habang sinasabi niya yun ay nakaramdam ako ng sakit.

"Pero hayaan na yun. Wala na eh. Sinusubukan ko na lang na maging masaya sa life ko ngayon kasama si April." Sagot niya at ibinalik na niya ulit ang atensyon niya sa palabas. Ramdam kong si Kira pa rin ang mahal niya. Hindi magtatagal, malalaman at malalaman din niya kung nasaan si Kira. At siya pa rin ang patuloy na mamahalin ni Kai. Matapos ang ilang oras ng panonood, ay nagpaalam na kami ni Xander.

"Oo nga pala, balita ko mag ge-get away kayo ah?" Sabi ni Xander. Teka? Aalis sila?

"Ah oo. Sa Friday." Sagot ni Kai. So it means matagal silang mawawala.

"Sige alis na kami." Sabi ni Xander. Paalis na sana kami nang hawakan ako ni Kai sa balikat.

"Bakit?" Tanong ko. Napailimg naman siya.

"Pareho din kayo ng amoy ng pabango." Sabi ni Kai. Ngumiti naman ako.

"Babalik din yun." Sabi ko at tuluyan na kaming umalis ni Xander.

"Kung gano siya kabait kay Kira dati, ganun na din siya kay April ngayon." Sabi ko.

"Malamang, kasal na sila. Pero wag kang mag-alala. Ang pagkakarinig ko kay Sam ay nagfile ng divorce si Kai." Sabi ni Xander. Pero di ako kontento. Kung madivorce sila, si Kira pa rin kaya?

A Moment With You [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin