CHAPTER 22

1K 13 0
                                    

XANDER’S POV

“anong balita?” tanong ko kay Karina nang makauwi siya. Sabi niya kanina sasabihin na niya kay Kai na siya si Akira.

“he knows. Now, gawin mo na magagawa mo mapasa’yo lang si April para wala nang sagabal kay Kai.” sambit ni Karina at saka siya umakyat sa kwarto niya. Im pretty sure di pa alam ni April ang tungkol sa divorce papers at kay Karina. So kapag nalaman ni April ang tungkol sa mga yon, posibleng maghiwalay sila ni Kai. Tapos may possibility na matutunan akong mahalin ni April.

(APRIL’S POV)

Lumipas ang mga linggo, naging busy kaming dalawa ni Kai sa opisina. Meetings dito, meetings doon. Natambakan na kami ng tatrabahuin dahil sa mahabang bakasyon namin.

“Uy kamusta bakasyon niyo ni Kai? Kwento ka naman.” sabi ni Rachelle. Kasalukuyang nasa cafeteria kami ng kumpanya dahil breaktime ko na.

“ayon, ayos naman.” sagot ko.

“Paanong ayos? May honeymoon ba na naganap?” makulit na tanong ni Rachelle.

“Oo. Nagpunta kami sa Bacolod, tas nag Boracay kami. These past few weeks nga pakiramdam ko lagi akong busog. Parang ang bigat ng tiyan ko.”sabi ko sa kanya. Nakakaranas din ako ng morning sickness.

“May nangyari na ba sa inyo?” Tanong ni Rachelle. Tumango naman ako bilang tugon.

“yieee. Haha malapit na kayo makumpleto.” pang aasar ni Rachelle.

“Heh. Hahaha.” hindi nagtaga ay dumating na ang order namin.

“ang baho.” pagrereklamo ko. Inamoy ko ang inorder kong menudo na paborito kong bilhin.

“ang alin?” tanong ni Rachelle.

“Itong menudo.” agad niyang kinuha ang pagkain ko saka inamoy.

“Hindi naman ah.” sagot ni Rachelle.

“Di na ko kakain.” sambit ko. Nang tumayo ako ay biglang umikot ang paligid ko saka ako nawalan ng malay.
--------------------------------*

KAI’S POV

Nasa kalagitnaan ako ng meeting nang biglang tumawag si Rachelle.

“Hello?” sabi ko.

“Kai, si April. Dinala ko dito sa ospital. Nawalan ng malay.” pagbabalita ni Rachelle. Agad kong binaba ang tawag.

“I have an emergency matter to attend to. Excuse me.” at agad akong umalis sa meeting. Nasa   parking lot ako nang tinawag ako ni Karina.

“Kai.” sabi niya.

“Not now.” akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang bigla niya akong halikan. Hindi ko alam pero lumaban na din ako ng halik sa kanya. Isinandal ko siya sa kotse at ipinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng skirt niya na nagpaungol sa kanya. We make out sa kotse which made me forget about April. Sabik na sabik ako mula nang nagpakilala na si Kira. I think I do still love her.

-------------------*
APRIL’S POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong nasa ospital ako at nasa tabi ko si Rachelle.

“hmmm..”

“April, jusko nagkamalay ka na rin sa wakas. Ayos ka lang ba?” tanong ni Rachelle.

“anong nangyari? Si Kai?” tanong ko.

“Tinawagan ko na si Kai. Pero hindi pa siya nadating until now.” sagot ni rachelle. Natigil kami sa pag-uusap nang pumasok ang doktor.

“Dok, anong meron sa kaibigan ko?” tanong ni Rachelle.

“There’s no need to worry about her ma’am. She’s 6 weeks pregnant.” sabi nung doktor.

“Whoa.” manghang sambit ni Rachelle at saka tumingin sa akin.

“So reresetahan ko lang siya ng gamot and vitamins for her baby. Then pwede na siya madischarge.” sabi ng doktor at umalis na siya.

“matutuwa nito si Kai. Kapag ibinalita ko.” sabi ko kay rachelle.

“oo naman. Haha. Congrats beshy.” sabi ni Rachelle. I just smiled at her. I wonder kung nasan na si Kai. Mas maganda kung andito siya para personal niya yun marinig.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon