CHAPTER 6

1.3K 15 0
                                    

KAI'S POV)

Nang makarating kami ni April sa resto ay agad kaming umorder ng kakainin namin.

"Ayos na ba yang lips mo?" Tanong ko. Napadako ang tingin ko sa labi niya na pumutok dahil sa pagkakasampal ko.

"Oo ayos na. Di na masyadong masakit." Sagot nito.

"Good. Oo nga pala, nagpatawag ako ng board meeting bukas." Sabi ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni April.

"Bumaba kasi ng 40% ang sales ng kumpanya natin. May nagpull out na investor." Halatang nagulat si April sa sinabi ko.

"Ahh ganun ba. Iaannounce ko na rin yung about sa investment nila Xander." Sabi ni April. Tumango naman ako. Hindi nagtagal ay nag ring ang phone ko.

"Unknown number. By, i have to take this call." Pagpapaalam ko kay April.

"Go ahead." Sagot nito. Agad akong tumayo at lumabas.

"Hello?" Tanong ko.

"Mr. Chua, remember me?" Tanong nito. Ilang segundo din ako hindi nakapagsalita nang marinig ko siya.

"John?" Gulat na sagot ko.

"Yes. Napatawag ako dahil nais kong itanong kung kailan mo babayaran ang 4.5 million na inutang mo?" Napahawak naman ako sa noo ko.

"Babayaran kita. Pero hindi pa ngayon." Sagot ko.

"Siguraduhin mo lang. Dahil iba ang hihingin kong kabayaran. Bibigyan lamang kita ng 7 months." At binaba na niya ang tawag. Si John Domingo. Karibal ko sa industry. Malaki ang kumpanya nila, at lahat ng bagay napapapunta sa pabor nila gamit ang pera. Dumaan ang panahon na nagkaroon ng krisis ang kumpanya dahil sa pagsusugal ko kaya nabaon ako sa pagkakautang.

"By, sino yung tumawag?" Tanong ni April nang nakabalik ako sa table namin.

"U-uh wala yun. Tara uwi na tayo." Matapos ko bayaran ang mga kinain namin ay nagdrive na ko pauwi. Habang pauwi, ay di ko maiwasan na di isipin yung pagkakautang ko kay John. Masyadong maikli ang 7 months para makahanap ng ganung kalaking pera.

"By, ayos ka lang ba? Kanina ka pa ata tahimik dyan." Tanong ni April. Umiling naman ako bilang tugon.

"Ayos lang ako. Pagod lang ako." Sagot ko. Pagkauwi namin ay agad akong dunerecho sa kwarto at nahiga para magpahinga. Damn. Kung ano ano kasi kalokohan na ginawa mo, Kai. Now, fixed this mess.

A Moment With You [COMPLETED]Where stories live. Discover now