CHAPTER 10

1.2K 12 0
                                    

KAI'S POV)

Pagkalabas ko sa bahay ay may mailman na nasa tapat ng gate.

"Mr. Kaile Chua?" Paninigurado nito. Tumango naman ako. May iniabot siyang isang box
"Pakipirmahan na lang po nito." At iniabot niya sa akin ang isang papel. Pagkatapos ay bumalik na ako sa loob.

"By, ano yan?" Tanong ni April.

"Ah.. Wala to. Iprepare mo na yung movie na panonoorin natin. I'll be back." Sagot ko. Agad akong pumasok sa kwarto at inilock ito. Binuksan ko ang laman ng box and i almost freeze. Hindi kaya ito yung sinasabi ni Kira sa sulat na may ipapadala siya sa akin?

<FLASHBACK>

Pagkaalis ni Xander ay binuksan ko ang sobre. Sulat nga galing kay Kira.

"Dear Kai,
   Kamusta ka na? It's been years. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo dahil sa pag iwan ko sa yo. And i regret it. I miss you so bad. Mabuti at andyan ang bestfriend ko na si April para alalayan ka. Don't worry, i'll be back soon. At ipagpapatuloy natin ang naudlot nating love story. Oo nga pala, may ipapadala akong box bukas, abangan mo. Dapat ikaw ang tumanggap at hindi si April. That box is just for you, my dear.

Love,
   KIRA"

<END OF FLASHBACK>

Pagkabukas ko ng kahon ay tumambad sa akin ang mga polaroid pictures namin ni Kira noong High School pati ang polaroid photographs naming tatlo. Nagulat ako nang kasama din dun ang "Promise" ring ko na nawala ko nung panahong iniwan ako ni Kira.

<FLASHBACK>

Lasing akong nagtungo sa isang field na malapit sa amin kung saan tumatambay kaming tatlo.

"Kira! Nasaan ka na ba? Nangako tayong walang iwanan ah. Ano nangyari?!" Sigaw ko. Tinanggal ko sa daliri ko ang "Promise" ring na sinuot niya sa akin.

"Kalokohan lang ba tong pangako natin? Sige! Itatapon ko to! Tutal iniwan mo ako! " at ibinato ko yung singsing.

<END OF FLASHBACK>

Kinabukasan nun ay bumalik ako sa field upang hanapin yung singsing, ngunit nabigo ako.

"By?" Muntikan akong mapatalon nang kumatok si April.

"Bakit?" Tanong ko.

"Naka set up na. Ang tagal mo naman eh." Sagot nito.

"Im coming." Niligpit ko lahat at inilagay ito sa drawer ko. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad si April na naka crossed-arms.

"By ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin.

"Yup. Why?" Tanong ko.

"You're acting weird." Sagot ni April. Inakbayan ko naman siya at hinalikan sa noo.

"Sorry by. Tara nood na tayo." Sabay kaming bumaba at nagtungo sa sala para umpisahan na ang pelikulang panonoorin namin. Habang nanonood, tinititigan ko lang si April. Napangiti ako dahil kasama ko pa rin ang taong kahit ilang beses kong tinaboy palayo at sinaktan, yung taong umaasang mamahalin ko din pabalik at ang taong makakasama ko habang buhay.

"Bakit mo ako tinititigan?" Tanong ni April sa akin.

"Ngayon ko lang napansin, maganda ka pala." Sabi ko. Natawa naman siya at mahinang hinampas ako sa balikat.

"Nakakahiya. Hahaha. Hindi naman." Sagot niya at sumandal siya sa dibdib ko.

Now im torn between my first love and my wife. She's back. The question is, where is she?

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon