CHAPTER 27

1.1K 12 0
                                    

APRIL'S POV

Matapos namin mag usap ni Rachelle ay nag paalam na ako sa kanya para umuwi. Dahil kakausapin ko na si Kai mamaya sa bahay. Naglakad na ako papunta ng parking lot.

"Shit." Ayan na lang ang nasabi ko nang ayaw umandar ang makina ng kotse ko. Kung minamalas nga naman ngayon pa nasiraan. Lumabas muna ako ng kotse at tatawag na sana ng mekaniko nang may nagsalita.

"Need help?" Tanong ni Xander.

"Di na. Tatawag na lang ako ng mekaniko nakakahiya sayo eh." Sagot ko dito.

"Nope i insist." Sabi niya kaya wala na akong nagawa dito. Hindi nagtagal ay naayos na niya ang sasakyan.

"Easy as pie." Sambit nito. Then he smirked.

"Uy thank you. Hindi ko alam kung paano kita babayaran." Sambit ko. Unti unti siyang lumapit.

"Isa lang naman ang gusto ko..." Habang palapit siya ng palapit, ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa naisandal na niya ako sa kotse.

"Xander..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang halikan ako ni Xander. Tinulak ko siya at nasampal. Ngunit hinawakan niya ang braso ko at inipit ako sa kotse.

"T--tulong!" Sigaw ko.

"Matagal na kitang gusto, April." Sambit ni Xander at hinalikan ako sa leeg. Wala akong magawa kundi ang sumigaw. Hindi nagtagal ay naramdaman kong wala na sa harap ko si Xander.

"KAI! TAMA NA!" Sigaw ko matapos kong makita na binubugbog ni Kai si Xander.

"Wag mong bababuyin asawa ko!" At nagpatuloy pa ito sa pagsuntok. Pinigilan ko siya at niyakap.

"Ayos lang ako. Tama na please." Naiiyak kong sambit.

"Sumakay ka na sa kotse." Sambit ni Kai. Kaya naman agad akong sumakay sa passenger seat, hindi nagtagal ay sumakay na din si Kai. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagdadrive niya para makauwi. Nang makarating na kami sa bahay ay agad akong dumerecho sa kwarto.

"Alam kong buntis ka." Sambit ni Kai. Nanatili lang akong tahimik dahil di ko alam ang isasagot ko.

"Kanino yan?" Tanong nito. Agad akong napatingin dito. Tumayo ako at lumapit sa kanya, saka siya binigyan ng isang malakas na sampal.

"Wag mo akong igaya sa'yo na nang gagalaw ng ibang babae, Kaile. Kung sa tingin mo may nangyayari sa amin ni Xander nagkakamali ka dyan. Oo Kaile. Alam ko lahat lahat. Alam kong bago ka umuwi dito, inuuwian mo si Karina... Mali si Kira." Sambit ko. Di ko na napigilan ang mga luha ko. Napabuntong hininga naman si Kai.

"Let me explain ple..." Di ko na siya pinatapos at sinampal ko ulit siya.

"Explain? Sige nga Kai. Iexplain mo ito." Sabay bato ko ng divorce papers sa pagmumukha niya.

"Matagal mo na akong gustong hiwalayan. Di mo naman kasi ako mahal, at kahit kailan di mo ko minahal at kahit kailan... Di mo ako magagawang mahalin dahil si Kira pa rin." Bigla akong niyakap ni Kai.

"Im sorry April. Ang totoo di ko na alam. April, oo si Kira ang first love ko pero wag mong sabihin na di kita minahal o di kita mamahalin dahil mula ng nakasama kita ay minahal ko ang lahat. Im sorry kung nasabi kong di akin ang batang yan." Napailing ako at kumalas sa yakap niya.

"Kai, nakakapagod. Nakakapagod mahalin ang taong iba ang mahal. Walang nakakatalo sa first love. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo. Ayan, pinirmahan ko na yang divorce papers." Sambit ko. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Naramdaman ko na rin ang pagod sa pagmamahal kay Kaile na kahit kailan ay si Kira ang mamahalin niya. Agad kong kinuha ang mga nakaimpake kong gamit.

"T-teka saan ka pupunta?" Naiiyak na sabi ni Kai.

"Kahit saan basta malayo sa'yo." Sagot ko. Paalis na sana ako nang yakapin ako ni Kai sa likod.

"Wag mo akong iwan..." Iniharap niya ako sa kanya.

"Eto.." Sabay pakita ng divorce papers at pinunit niya ito sa harap ko.

"April, mahal kita. Minahal kita. Please, bigyan mo ako ng pagkakataon. Itatama ko lahat ng mali ko. Wag mo akong iwan." Pagmamakaawa nito sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mga luhang bumabagsak sa mga mata niya. Habang nakikita siyang umiiyak, lalo akong nasasaktan. Bakit ko ba minahal ang lalaking ito?

A Moment With You [COMPLETED]Where stories live. Discover now