48

874 31 13
                                    

1 year later...

Pagkatapos kong mag-ayos ay saktong may kumatok sa pinto. Kinuha ko na gamit ko at pagbukas ko ng pinto ay napangiti ako ng makita sya.

"Hi, Shane."

Bati ni Joshua. Napangiti nalang ako at binati rin sya. Sabay na kaming umalis.

"Andun na pala sila. Kanina ka pa hinahanap ni Joy may ipapakilala daw kasi sya.."

Sabi ni Joshua at natawa nalang ako. Sino naman kaya ipapakilala nung babaeng yun? Niyaya kami ngayon ni Joy na kumain sa labas. Nothing special naman. Parang get together lang daw.

Ginamit namin yung kotse ni Joshua papunta dun sa lugar na yun. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Grabe, 1 year na ang nakakalipas. At ang tagal ko ng hindi nakikita si Felix. Sobra kong sinisi ang aking sarili. Naging selfish ako at di man lang ako nakapagpaalam ng maayos. Di ko man lang sya nayakap bago sya umalis. I hate myself for that.

"Do you miss him?"

Biglang tanong sa akin ni Joshua. Di agad ako nakapagsalita. Tears threatened to fall from my face. Yes, I do miss him. I mean, sino bang hindi?

"Don't be sad. He'll be back."

He said and smiled at me reassuringly. I doubt that he'll be back. Dahil, isang taon na ang nakakalipas. Sobrang tagal nya ng nawala. I don't think he'll be coming back. And it's all my fault. I f*cking regret for being selfish to him..

Maya-maya ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Pagpasok namin sa isang kainan ay namataan agad naman sila Joy.

"Shane! Joshua!"

Tawag nya at kumaway-kaway pa. Naupo na kami ni Joshua at nakita kong may katabing lalaki si Joy. Naalala ko na sya yung kwinento nya sa akin nun na crush nya.

"Guys, sya nga pala si Sungjae. Boyfriend ko."

Pagpapakilala ni Joy. I knew it. Ngumiti naman sa amin yung Sungjae. Pagtapos ay kwinento ni Joy kung pano naging sila and so on.

• • •

Matapos kumain ay nag-kwentuhan ulit kami. Hanggang sa biglang nabanggit ni Joy si Felix.

"Kamusta na si Felix?"

"Um, di na kami masyadong nagchachat eh simula nung umalis sya."

Malungkot kong sabi. Bigla naman hinawakan ni Joy tong kamay ko.

"Wag ka na malungkot. Babalik rin sya."

Nakangiti nyang sabi sa akin. Teka lang, ganyan rin sinabi sa akin ni Joshua nung papunta kami dito. Nagkatinginan naman si Joshua at si Joy at ngumiti.

"Oy, anong meron? Ba't ngumingiti kayo dyan?"

"Hm. Wala lang."

Sabi naman ni Joy. Hmm. Something's fishy and I don't know why.

• • •

Pagtapos namin ay naisipan ko munang maglakad-lakad dito sa park. Wala lang ang ganda kasi pati nakakarelax yung ambience dito.

"Bye Shane!"

Ng makapagpaalam na sa amin si Joy ay umalis na sila ng bf nyang si Sungjae.

"Oh, sorry. Di na kita masasamahan."

Sabi naman ni Joshua. I pouted.

"Bakit?"

"May kailangan pa akong asikasuhin eh. Don't worry, sasamahan ka naman nya. "

Sabi nya sabay kindat sa akin. Teka, ano?? Magsasalita pa sana ako pero naglakad na sya palayo. Weird. Sino yung tinutukoy nyang "nya"?? Hmm.

Naglakad-lakad nalang muna ako sa park. Di ko maiwasan mainggit sa mga couples na nakakasalubong at nakikita ko. Hays. Edi sila na sweet! Naupo nalang ako sa park bench malapit sa fountain.

Maya-maya ay naramdaman kong tumunog cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at natigilan ako kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita kong nagmessage sa akin si Felix..

• • •

Felix: oy. asan ka?

Felix: umuwi ka na at baka ilock ko pa tong pinto.

Felix: hihintayin kita ;)

• • •

Napatayo ako at napahawak sa aking bibig. T-totoo ba to?! Di ko maiwasan manluha at dali-dali akong tumawag ng taxi pauwi.







ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon