31

897 37 7
                                    

"Pwede ka ng magsimula bukas."

"Salamat po!"

Nakangiti kong sabi. Ng makalabas na ako ay sinalubong agad ako ni Felix.

"Pwede na rin daw ako magsimula bukas!"

Nakangiti kong sabi kay Felix. Ngumiti rin sya at ginulo-gulo rin tong buhok ko. Natanggap ako bilang cashier dito sa isang cafe. Nakakatawa no parehas cafe hinanapan namin ni Felix.

"Tara, kain na tayo."

"Libre mo?"

Nakangisi kong sabi. He chuckled at ginulo nanaman tong buhok ko.

"Yah!"

"Psh. Oo na, libre ko na."

• • •

Pagtapos namin kumain ay naisipan na namin umuwi dahil gabi na pala. Nag-uusap lang kami ni Felix habang tinatahak namin ang daan papunta sa apartment unit namin.

"Napakaswerte talaga nila dahil may gwapong waiter na sila. Panigurado ako na marami ng pupunta dun."

Sabi ni Felix at nagpose pa. Hinampas ko braso nya.

"Wow ha! Ang yabang mo naman."

"Bakit? Pogi naman talaga ako eh!"

"Luh!"

Sabi ko. Inakbayan ko sya tsaka ginulo-gulo yung buhok nya. Di ko na rin mapigilan matawa dahil matagal ko na rin gustong gawin to sa kanya. Hahaha.

"Shane."

Parehas kami natigilan ng may narinig kaming tumawag sa akin. Pagtingin namin sa harap ay nanlaki mga mata ko ng makita ko si Joshua na nakatayo sa may tapat ng pinto ng unit namin habang seryosong nakatingin sa amin. Agad ako lumayo kay Felix.

"J-joshua. Ba't nandito ka?"

Tanong ko. Humakbang sya papalapit sa akin at nagulat nalang ako ng hawakan nya tong kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin at pagtingin ko sa kanya ay nakangiti na sya.

"I just wanted to talk to you. Pwede ba?"

Tanong nya. Napatingin ako kay Felix. At mukhang naintindihan nya naman. Kaya tumango nalang sya at nauna ng pumasok sa loob.

Niyaya ko si Joshua sa rooftop para dub nalang kami mag-usap. Sabi naman ni Mrs. Rosita na pwede naman daw pumunta dito sa rooftop eh.

Pagkarating namin dun ay naupo nalang kami dun sa upuan na gawa sa kahoy.

"Nakahanap ka ba ng part time job mo?"

Tanong nya sa akin. Tumango naman agad ako.

"Yup. Dun sa isang cafe malapit lang sa school."

Sabi ko at tumango-tango naman sya. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Kung dati lang, bumibilis tong tibok ng puso ko kapag kasama ko si Joshua. Pero nakakapagtaka dahil ngayon, hindi na. At bumibilis lang ang tibok ng puso ko kapag kasama ko si...Felix.

Anong nangyayari sa akin?

"Shane, gusto ko lang mag-sorry sayo. Sorry kung naging selfish nanaman ako. Nagseselos lang talaga ako."

Sabi nya at hinawakan muli ang kamay ko. I smiled at him.

"Ok lang. Naiintindihan ko naman eh."

Sabi ko. At matapos nun ay nag-usap pa kami. Maya-maya ay naisipan na namin bumaba.

"It's getting late. You should take a rest.."

Sabi nya sa akin. Tumango nalang ako at tumayo na kami.

"Shane.."

Tawag nya. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

Tanong ko. Humakbang sya papalapit sa akin at hinawakan nya ang aking pisngi.

"I love you."

He said. And kissed me on my lips.

My heart...didn't beats fast..

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon