37

925 37 15
                                    

Shane

Tahimik lang akong nanonood sa tv ng biglang bumukas yung pinto. Pagsilip ko ay nakita ko si Felix.

"Hi."

Nakangiti kong bati sa kanya. Naglakad sya papunta sa akin at napansin ko na may bitbit syang pagkain.

"Kumain ka na ba?"

Tanong nya. Umayos naman ako ng upo tsaka umiling.

"Nope."

Pagkasabi ko nun ay inabutan nya ako ng isang slice ng pizza. Naramdaman ko ang pagkulog ng tyan ko. Mukhang narinig nya kaya naman napangisi sya.

"Tsk. Oo na gutom na ako."

Sabi ko at kinain na yung pizza na binigay nya. Habang kumakain kami ay masaya naman syang nagkwekwento tungkol dun sa part time job nya. Then bigla ko nalang naalala yung pag-uusap namin kanina ni Joshua kaya napawi tong ngiti ko..

"Hey. Ok ka lang?"

Tanong nya at naupo sa tabi ko. Napayuko ako ng ulo.

"Kanina pala, pinuntahan rin ako ni Joshua."

Bigla nyang sabi. Dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya.

"At sinabi nya na sa akin lahat."

Sabi nya at tinignan ako diretso sa aking mata. Agad naman akong umiwas ng tingin. Maya-maya naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"B-bakit ba ganyan ka makatingin?"

Tanong ko sa kanya. He chuckled.

"Wala lang. Di ko akalain na magugustuhan mo pala ako."

Sabi nya at mas lalo tuloy bumilis tong tibok ng puso ko. P-puta. Tinulak ko sya palayo sa akin.

"U-umayos ka nga!"

Sabi ko at tumawa naman sya. Kumain nalang ulit ako ng pizza. Hays..

• • •

Ng matapos na kaming kumain ay nagligpit na kami. At nanood nalang ng movie sa tv.

Magkatabi kami at may konting espasyo sa pagitan namin.

"Ang corny naman netong movie na to."

Sabi nya. Then may bigla akong naalala.

"Oo nga pala, bakit meron kang picture ko nung elementary pa ako?"

Tanong ko at humarap sa kanya. Napansin kong biglang sumeryoso yung mukha nya.

"S-sorry. Di ko na dap-"

"Well, nakita mo naman na kaya dapat sabihin ko na rin kung bakit."

Sabi nya. Umayos sya ng upo at tsaka humarap sa akin.

"Alam kong araw-araw kitang inaasar nun. Pero, di lang dahil trip ko. Dahil rin natutuwa ako kapag inaasar ka. Alam mo yung enjoy na enjoy ako habang nakikita ko yung reaction mo."

Panimula nya. Napahinga naman ako ng malalim.

"Psh. Tinatawag mo rin akong nerd nun eh.."

"Oo. Pero dahil nacucutan ako sayo nun at di ko lang masabi baka mawirdohan ka."

Pag-amin nya at naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Kakaiba ka sa mga ibang babae. Kaya kita nagustuhan eh."

"A-ano?"

Di makapaniwalang tanong ko. Ngumiti naman sya sa akin.

"Matagal na kitang nagugustuhan, Shane."

Sabi nya at nanlaki naman tong mga mata ko. Ibig sabihin, nung elementary pa kami, kaya nya ba ako inaasar-asar nun eh dahil nagugustuhan nya na pala ako? And I was too blind to notice it. Di ko naisip na magugustuhan nya ako.

"Yung picture mo, ako kumuha non. Di mo lang nakita."

Sabi nya at napakamot sya sa batok nya.

"Dapat nung graduation natin nung elementary ako aamin sayo eh. Eh kaso nalungkot ako nun nung umalis na kayo. At di na kita nakita pa. Kaya sobrang saya ko na makita kita muli after so many years.."

Sabi nya. And my heart melted at his words.

"Kaya sobra akong nasaktan ng malaman kong may boyfriend ka na. Nawalan ako ng pag-asa. Pero, di ako sumuko."

Sabi nya at bigla nalang syang umusog papalapit sa akin. Di ko maiwasan mapatingin ng diretso sa kanyang mata.

"Ng sabihin sa akin ni Joshua iyon, di ko alam pero sobrang saya ko."

Sabi nya. Bigla nya nalang inilapit yung mukha nya sa akin.

"Totoo ba yun?"

Tanong nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. I gulped. Huminga ako ng malalim.

"Oo. Totoong nagugus-"

Di ko na natapos sasabihin ko ng...halikan nya ako sa aking labi.

I slowly closed my eyes. At buong puso na tinanggap ang halik nya. He held both of my cheeks as I held on to his shoulder.

Kumalas na sya at tinignan ako diretso sa aking mata. He smiled and cupped my face.

"Matagal kong hinintay to..."

Pabulong nyang sabi. Di ko na rin mapigilan ngumiti. Dahan-dahan nyang sinandal tong ulo ko sa balikat nya. Pinikit ko na ang aking mata at naramdaman kong inakbayan nya ako.

"Goodnight, Shane."

He whispered to my ears. His breath tickling my ears. I smiled.

"Goodnight, Felix."

...

an: oMG I AM SO SORRY KUNG MEDYO CORNY TO. HUHU. pls forgive me y'all!









ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon