Chapter 6 - Wrong timing

53 0 0
                                    

       Risa.

         Today is the day. Isang maaliwalas na Tuesday morning ang bumungad saakin. 7:15 AM pa lang at andito na ako sa assigned test toom ko sa eight floor, Ignatius de Loyola building.

        TODAY IS JUDGEMENT DAY.

        Panay dasal na ako kay Lord na sana lahat ng sakripisyo na ginawa ng brain cells ko ay magbunga.. Na sana lahat ng landi- este, study sessions namin ni Xands ay effective. Magrorosary pa nga sana ako kaso wala nang time eh.

        Pagkatapos nalang ng lahat ng exams ko today. Promise yun, Lord! Haha. Pasensya na po if delayed. Counted pa rin naman yun eh, diba?

        8 AM magsisimula ang first exam namin. Trigo. Kung sinuswerte ka nga naman. *Insert sarcasm here*

        7:50 na at 'di ako mapakali dito sa seat ko. Nakakakaba. Kulang nalang kainin ko ang mga hand outs ko para ma digest ng maayos lahat ng information.

        Shet.

        Ngayon ko pa lang na realize na wala akong dalang pencil. Sa lahat ng bagay na pwede kong makalimutan ngayong exam ay bakit ang lapis pa? Ang pinaka importanteng bagay sa lahat tuwing exams? Jusko po.

        Ganito kasi dito sa univ. Di ka ipapatake ng exam kung wala kang pencil. Halos nagsisilbi na din itong permit kaya naman pambansang moto yan ng mga teachers tuwing papalapit na ang exam day.. "No pencil, no exam." O diba? Lakas maka high school.

        Nag-aalinlangan akong tumakbo papunta sa Lorenzo building kung nasaan ang bookstore ngunit feel ko di na ako aabot. Ang layo pa naman nun. Manghihiram nalang ako. Fingers crossed!

        Lumingon ako sa paligid ko at naghanap ng familiar face.. Wala naman eh. Nasan si Xander kapag kailangan mo siya? Tsk. Baka di siya dito na room. Shuffle kasi ang bawat students sa room kapag exam day at dun lang din na day ipopost ang clusterings. Di naman problema yun kasi lahat nung nasa groups ay kumukuha ng same subject. Kagaya ko ngayon. I.T. man ang course ko, may kasama akong mga taga Engineering at Business Management.

        At dahil inborn akong tanga (minsan lang naman) ay nakalimutan ko pang i-check kung anong room ni Xander kanina. For the record, first time in history itong nangyari. Dala na rin siguro ng sobrang stress at nerbyos ko sa exam kaya ako nagkakaganito.

        Itetext ko na sana si Xands kung saang room siya na assign at kung meron ba siyang extra pencil, baka swerte pa at kalapit kami ng room nang biglang may nag taas ng isang Monggol pencil sa harapan ko.

        "Ris, ito ba hinahanap mo? Erm. Kanina ka pa kasi titig na titig sa mga lapis nila e. Problemadong problemado na tuloy mukha mo."

        Hay, Aaron, hulog ka ng langit! Savior ka! Kulang na lang ay iyakan ko ang lapis.

        "Maiiyak na talaga ako, promise!!" Di ko na napigil at napahug ako ng mahigpit sa kanya bigla bigla. Basta. Ewan. Babaw ko na talaga. Shet naman Risa. Pero bahala na si batman basta ang alam ko ay masaya ako sa lapis!

        Nakakataba ng puso! Nakakaoverwhelm!

        ----------

        Xander.

        7:50 na nung nakarating ako sa univ. Konti nalang at malalate na ako.. Buti nakahabol. Muntikan na rin yun ah.

        Maaga naman kasi talaga ako dapat ng kaunti ngayon pero dumaan muna ako saglit sa may mini-mart upang bilhan si Risa ng Chuckie at chocolates. Para maman makatulong sa pagsagot niya sa exams. Eh sa food for the brain eh.

Lovers in Denial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon