Chapter 2 - Si Aaron

98 3 0
                                    

        A/N: Di pa makatulog... So ito. Hahahaha sorry naman. Mabuhay mga nocturnal! Mabuhay mga owl! Mabuhay mga wolf! Night creatures unite! Awoo!

        Risa's POV

        "Ano... K-kamusta ka na?" Nauutal na tanong ni Aaron kay Ris. Magkababata kasi sila at dahilan sa pag migrate ng pamilya nila Aaron sa Australia ay hindi na sila nag usap ulit simula noon. Mahigit 8 years na rin ang nakalipas nang huli silang nagkita...Kaybilis talaga ng panahon..

        "Buti naman at kilala mo pa ako.. Akala ko pa naman kasi.." Napakamot pa si Aaron sa ulo nya. Kung tutuusin, ang gusgusin na Aaron na nakilala ni Risa dati ay ibang iba na ngayon. Kung baga, puberty hit him hard. Maayos na itong pomorma at grabe na ang appeal. Napaisip tungkol si Risa kung kailan din may mangyayaring ganun sa kanya.

        Aba. Ang unfair lang kung piling tao lang ang tripan ng puberty. Masyado yung selfish!

        "Aaron, ano ka ba? Pano kita makakalimutan? Ikaw naman parin ang Aaron na kaibigan ko dati. Oo, aaminin ko.. Medyo nagtatampo pa ako sayo. Di ka man lang nag paalam! Salbahe mo talagang mandurugas ka,"

        Napatawa naman ng malakas si Aaron. Namiss din nya ang tawa ng engot na lalakeng 'to no! Ang tawa niya kasi yung tipong contagious. Mapapahalakhak ka ng wala sa oras. 

        "Pero, yaan mo na yun. Past na nga eh. Ang importante, nagbalik ka. Nagbalik ang superhero ko! Diba nga?.. Ikaw si Clark Kent.."

        "At ikaw ang Lois Lane ko." Pagdudugtong ni Aaron sa pahayag ni Risa habang patuloy na tumatawa.

        "Tsch. Baduy naman." Pang aasar ulit ni Xander. Doon pa na realize ni Risa ng tuluyan na ang awkward naman ng setting nila. Ilang minutes na din silang tumatayo dun.

        "Kaibigan mo, Ris? Aaron Gonzales nga pala, pre."

        "Wag mo 'kong ma pre-pre. Di pa tayo kaibigan. Wag kang FC."

        "Xander!" Napabuntong hininga na lang si Risa sa ikinikilos ng bestfriend niya ngayon.  Sabagay, parehas nga pala silang moody at bipolar. Kaya nga bestfriends eh. "Pasensya kana Aaron... Teka, usap nalang tayo ulit sa susunod. Kakainin pa kasi kami eh. Marami ka pang ikekwento sakin!"

        "Ah. Pwde bang makisa-"

        "Uunahan na kita. Hindi. Kung naipasa lang siguro ang anti-epal law sa congresso.. Saklap. Kulong kana agad dre."

        "Xander, ano ba!"

        "De. Okay lang, Ris. Nakausap lang kita ng saglit aba'y okay na okay ba ang araw ko. See you around, ha? Ingat ka." Nag wave si Aaron habang naglalakad palayo sa kanilang dalawa.

        -----

        Xander's POV

        At sino namang yung hinayupak na yun? Akala mo naman kung sino. Tss, dre angat ka lang naman ng accent saakin. Wag mo masyadong ifeel. Hilaw ka parin. May pa 'nakausap lang kita okay na ang araw ko' pang nalalaman ang kumag. Ipakamusta ko kaya sya sa suntok ko? Tssss.

       Asar ako eh. Paki nyo ba? Tsch.

    Aaron ba yung pangalan ng epal na yun? Bantot! Baho! Mukha mo at style mo bulok! Bwahahaha! Eepal epal pa kasi... Ayan. 

        "Xander, ano bang trip mo!?"

        "Wala. Alam mo na man na ayoko sa epal."

Lovers in Denial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon