Chapter 3 - Damoves

101 4 0
                                    

        A/N: Try ko ring magpahaba ng chapter ng konti... Hehe. HI KAY ALEYAH AT TINE NA WATTPAD BFFS KO NA YEEEY!

        Risa's POV

        Matapos ang nakakahiyang eksena namin ni Xander ay dumiretso na kami sa lab. Marami rami ring kakaibang tingin saamin ang narecieve ko. Eh sa sino ba namang hindi mapapalingon sa ginagawa namin? Daig pa namin ang nag sho-shooting sa isang music video. Tsch.

        Minsan din kasi nakakalimutan ko kung gaano ka eksaherada ng lalakeng to... Kung tutuusin, mas eksaherada pa nga 'to sakin kung minsan. Ang bading nga isipin. Hala. Bading ba 'tong lalakeng to? Aba. Sayerng nemern ang magandang lahi nya kung ganun.

        Alam ko na! Ma asar nga paminsan sa kabadingan nya. Haha!

        "Hi, Xander! Buti nalang nakahabol ka pa..." Malanding bati ang sumalubong saamin ng class beadle namin na si Mia sabay bigay saakin ng isang nakakaasar na tingin. Sarap sabunutan as in now na. Di ako bitter oi! "And, oh. Quintillian.. You're late, again. Konti na lang ma de-debarred kana. Watch out."

        Kung nakakapatay lang ang tingin, siguradong drop dead na ako. Sus. Eh sa crush na crush nitong bruhang 'tong si Xander eh. Akala nya di ko alam ha. At saka kamustahin naman natin ang batayan nya para i record ako na late at si Xander hindi. Anong klaseng pag-iisip at kahibangan naman yun? Paki-explain. Labyu.

        "Sus. Para 2 minutes lang. Oa mo naman." Di ko na natiis. Eh sa di ko na keri ang ka-oahan ng babaeng 'to eh. Masasabunutan ko talaga to, promise. Joke. Alam naman nating lahat na mabait ako eh. Hihihi.

        "May sinasabi ka?"

        "Wala. Guni-guni mo lang 'yun." Bingi ka kasi! Ha.

        "Whatever." Sabay irap saakin at umalis na papunta sa upuan nya.

        Aba matindi to mga tsong! Risa - 92737282727292, Mia - 0. Sorry lang. Kulelat talaga ang talunan! Bwahaha. Sarap sa feeling ng winning streak ko. Sorry nalang at undefeatable talaga ang isang Risa Quintillian! >:)

        ------

        "Okay, are there any questions?" Bagot na tanong ng programming professor namin.

        Pati siguro sya ay naging sleepy sa napakaboring na lecture nya. Samahan pa ng boses ipis na sigurado akong pwet lang nya ang makakarinig. Mawalang galang lang ho pero sayang sa bayad ang mga gantong guro! 

        *Kroo. Kroo.*

        Promise. May narinig rin akong palaka ngayon lang..

        Syempre wala, sir. Walang magtatangkang magtanong ng kung ano dahil takot kaming lahat sa pangaral mong hindi kami nakikinig ng maayos. Aba at kahit wala kaming naintindihan ni isa ay sasarilinin nalang namin yun.  Mas safe eh. Wala eh.

        "Now your task is to create two programs that contains an array. You are free to code the first program in any way you like but it should have an array.

        The second program, however, should have a two-dimensional array. You have 30 minutes to do this since these are easy tasks. Once you're done, pass the finished programs online and you may leave the room after." At lumabas na ang magaling namin na professor. Teka nga.

        ...

        Two-dimensional array..

        ....

Lovers in Denial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon