Prologue

368 6 0
                                    

"Magtigil ka nga Ris, mahal na kita."


Loading...

........

Ano daw? Ma-Mahal niya ako?

Biglaan naging slow na ako. Shucks.

Anak ng! Is it real? Is it real?

Feel na feel ko naman ang pagkahaba ng buhok ko. Sorry lang po.

Penge nga ako ng konting hangin jan please, hoooo! Feeling ko sasabog na ang lungs ko dahil sa oxygen deprivation. Awts naman. Di ko na alam anong nararamdaman ko dahil na rin sa samu't saring emosyon na nakapaloob sa puso ko ngayon. Talo ko pa siguro ang kamatis sa pagkapula ng pisngi ko. Pwede na 'kong maitanghal na half tao, half kamatis.

Oh, Lord. Ito na ba ang pagsagot mo sa lahat ng 11:11 wishes ko? Sa lahat ng pag wish ko sa pilikmata kong nahuhulog? Sa lahat ng baryang naitapon ko sa lahat ng wishing well na madaanan ko? Ito na nga ba ang pagsasakatotohanan ng lahat ng pag resulta ng Lovers namin sa F.L.A.M.E.S ng pangalan namin ni Xander? Isthisreallyisitisit?

Kung ganon... Thank you naman, Lord! Ang lakas ko talaga sa inyo. Promise magpapakabait na talaga ako... ng lalo. Naman!

......

Magsasalita na sana ako nang biglang gumuho ang mundo ko sa mga sumunod na salitang narinig ko galing sa kanya..

"De, joke lang."

ASAR.

UGH. Lupa, pakiusap lang! Wag nang patumpik-tumpik pa. Lamunin mo na ako ngayon din. Please lang. Ugh. Bwiset!

Takteng tatlong salita yan! Takteng lalakeng 'to!

"Hmp! Ewan ko sayo, Xander!" Inirapan ko nalang 'tong hinayupak na bestfriend ko na to at bumalik sa upuan ko. Eto na naman tayo sa mga walang kwentang "de, joke lang" na hirit niya. Kainis. Kotang kota na talaga ako sa trip ng lalakeng to. Last nalang talaga. Pag ako napuno... Ay naku. Hahalikan ko 'to sabay "de, joke lang" pagkatapos. Tignan lang natin.

Joke lang po. As if kaya naman ng mahinhin at napakaconservative na sarili kong gawin yan.

Basta. Ewan! Badtrip parin ako. Paasa! Naks. Lakas ko namang makapaasa . Feel na feel eh, yaan nyo na.

Lovers in Denial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon