Chapter 4 - Two can play this game

86 2 1
                                    

        Risa's POV

        Lumipas rin ang tatlong linggong puno ng asaran namin ni Xander at nandito kami ngayon sa library. Isa itong milagro. Matanong nyo bakit? Di kasi kami taong lib eh. Nasa huling listahan namin magtambay dito...

        Ngayon lang to. Free period kasi namin. (at parehas pa talaga kami sa sched coughs talk about destiny coughs) Magsastudy "daw" kasi pahamak na prelim exams yan! Nakakaimbernya.

        Joke!

        Hay. Nakakamatay talaga ng brain cells mag study.. Kahit anong balik balik kong basa sa lahat ng information dito sa libro at hand outs ko ay hindi ko parin nagi-G. Suko na po ako. Iniwawave ko na po ang puting flag. Huhu naman kasi.

        Sinarado ko na ang aking libro at nag sigh. Bahala na nga. Team stock knowledge!! Nilingon ko si Xander at nakita kong sinamaan nya ako ng tingin. Nag tssk pa talaga ang nyemas! Luh?

        Kamustahin naman natin yung agad nyang galit saakin. Baliw?

        "What?" Tanong ko na may pagkainis. Minsan nakakaintimidate din to eh. Wagas kung makastudy! Sus kung di lang talaga sya gwapo panoorin habang seryoso sa pag-aaral ay matagal ko nang nilayuan tong mokong na to.

        The things we do for love nga naman.

        "Kahit kailan talaga ang dali mong mag surrender. Mag study ka ulit. Kahit pabalikbalik ka na at wala paring naiintindihan, pagtyagaan mo. Di porket mahirap ay agad ka nang gigive up. Di porke hindi kaya eh susukuan mo na. Wag ganun, Ris." Wait, what?

        Simpleng pag close ko lang sa academic paraphernalia ko (Malalimang English din yan, wag nyo akong ismolin! Haha!) ay ganun na agad sumbat nya. Anong nakain ng lalakeng to? Di naman sya ganito ka touchy datirati ah? Daig pa siguro nya ang babaeng may dalaw ngayon.

        Tsaka.. Hugot ba yun? Di ko ma internalize ng matino eh. Feel ko may ibang meaning yung pahayag nya. O sadyang feel ko lang. Feeler ako eh.

        Binatukan ko sya na agad naman nyang kinagulat. "Hoy! Masamang espiritong pumapaloob sa bespren ko, umalis ka na!! Ibalik mo sakin ang hayop kong bespren! Di ako sanay at di sya bagay. Tsss nakakarindi!" Pasigaw sigaw ko, with feelings. Makatawa naman ang mokong ay parang wala ng bukas. Ang resulta? Ayun.

        Pinalabas lang naman kami ng library. Halos umusok na ang ilong at tenga ng librarian sa amin. Kakatakot!

        Napaupo nalang kami ni Xander dito sa labas ng lib. Nakasandal ang likod ko sa wall habang minamassage ang temples ko. Punchers. Mas lalong naiistress ako eh.

        "Wala talagang magandang naidudulot ang aking "study" attempt. Mas lalo akong naiistress! Grrrr!" Sabay hampas ko ulit sa kanya, with feels yun!

        "So ako na pagbubuntungan mo ng di kanais-nais mo na hinaing ngayon? Di ako nag sign up para dito!" Wika nya habang ilag sa mga hampas ko. Ako naman ang napatawa sa ginawa nya. Ewan ko ba. Sadyang lumalabas ang pagkatopak ko pag kasama ko 'tong topak na 'to eh.

        "Oh, seryoso na kasi." Napa poker face na syang humarap saakin. Kanina para kaming tanga tatawa tawa dito tas in a matter of seconds, mukha na syang robot! Pano nya namamanage yun?

        "Magstudy ka na kasi.."

        "Ayoko na. Rinding rindi na ako sa mga terms at konti nalang ay mapapatay ko na lahat ng brain cells ko. May awa pa naman ako sa kanila kahit ganito noh."

Lovers in Denial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon