"Hindi na namin problema iyon. Pasensya na."

Dumating naman ang gwardya kaninang nakikichant kay Senjin.

"May pa-Do you know BTS pa 'yong kasama mo ha." Asar na sabi nito.

Madami ng tao ang nanonood sakanila.

Napatungo nalamang ito ng--

"Akysha!" May narinig siyang sigaw at--

Boses iyon ni V.

Dahan dahan siyang lumingon dito ('yong parang sa pelikula).

"T-Timith?" Parang tumigil ang mundo nito. Sa isang buwan nilang hindi pagkikita ay parang gustong gusto na niya itong yakapin.

"Why are you here?" Seryosong tanong nito bago tumingin sa kamay ng gwardiyang nakahawak sa kan'ya. Lumapit naman agad ito at tinanggal ang pagkakahawak nila dito.

Habang sina Suga ay nakapasok na din.

"Eh? Ba't nandito kayo?" Nagtatakang tanong ni Cane sa likod ni Tim.

"Sabi niyo kasi aalis kayo e." Sagot ni Senjin.

"Anong aalis?" Tanong ni Timith habang nakatitig kay Akysha.

At ang awkward ng paligid dahil pinagtitinginan sila.

"Nag-bye ka kasi tapos nasa airport kayo, hello? Anong gusto mong isipin namin?" Nakangiwing tanong ni Senjin na lumapit na sa gilid nila.

"Luh, hindi kami aalis Senjin Hyung!" Sabat ni Cane.

"E bakit kayo nandito? Tsaka nag-bye?"

"Susunduin namin sina Jamdin at Halter hyung." Sagot ni Tim.

Namula naman si Akysha.

Nakakahiya. Bulong nito sa isip niya.

"Tsaka si Cane, may nakitang banana milk vendor kaya pinagmadali niya ako." Umirap si Tim.

"Tss. Hinabol ka pa naman namin!" Nakabusangot na sabi ni Suga.

"Bakit naman?" Tanong nito. Inginuso ni Suga si Akysha na nakatungo.

Napangisi naman si Timith bago yakapin si Akysha.

Napasinghap si Akysha pero niyakap niya rin ito pabalik.

"You made up your mind huh? You miss me." Sabi ni Tim habang nakangiti.

"Oo na, oo na. Sorry, V." Malungkot na saad ni Akysha.

"It's okay. I know it's been hard for you."

Nakangiwi si Suga pero deep inside ay masaya siya para sa kapatid at kaibigan niya.

Bumulong naman si Cane kay Senjin.

"Senjin hyung, diba ganiyan 'yung sa mga movies? Magkikikiss pa sila?" Inosenteng taning nito. Napatingin dito si Senjin at hinampas ito sa braso.

"Nanonood ka na ng ganon?!" Bulyaw na bulong nito na ikinanguso ni Cane.

"Nagtatanong lang naman."

Kumalas na sa yakap si Tim bago niya inilapit ang kaniyang muka sa muka ni Akysha.

Kinuhit naman ni Cane si Senjin. "Oh diba? Sabi sayo e. Pero hindi sila nahihiya? PDA sila." Bulong nito kaya pinalo na naman siya nito sa braso bago sinenyasang tumahimik.

Napapikit si Akysha. Sobrang lapit na ng muka nito sa muka niya.

At napamulat siya ng maramdaman na niya na ang mga labi nito---

---sa noo niya.

(Akala niyo ha. AHHAAHHA)

Napalunok at namula naman ito sa hiya. Akala niya ay-- nvm.

Lumayo na sakaniya si Tim bago tumawa.

"Akala mo ha."

Napasimangot naman ang dalaga bago siya irapan.

"Mali pala Senjin hyung, sa TV lang pala may ganon." Tila disappointed na sabi ni Cane. Hinampas na naman siya ni Senjin sa braso.

"Aray! Ba't ba hampas ka ng hampas!" Sa pagkakataong ito ay hinampas na rin nito sa Senjin.

"Mas matanda ako sayo!"

"Mas pogi ako sayo!"

"Aba! Aba! Ako ang pinakagwapo sa barkada natin!" Nakasimangot na sabi ni Senjin.

Sumabat naman si Suga. "Tigil na, ako ang pinakagwapo sa'tin."

"Baka pinakamaliit." Sabat ni Naroon.

Tinignan siya nito ng masama. "Si Jamdin ang pinakamaliit."

"Tss. Ako pinakagwapo sainyo." Nakataas kilay na sabi ni Tim.

"Hays. Bahala kayo diyan." Napakamot nalang sa ulo si Naroon bago naglakad paalis.

"Tara na nga!" Sabi ni Senjin bago hilahin palabas si Cane.

Napailing si Suga bago umirap. "Kung gusto niyo diyan dalawa, diyan na kayo tumira." Sabi nito bago sumunod kila Senjin.

Napatingin naman si Tim kay Akysha.

"Tara?"

Tumango naman ito.

He held her hands before intertwining their fingers.

Itinaas ni Tim ang magkahawak nilang kamay bago sinabing--






















"I'm holding my world."

-----
















--END--






✔Seenzoned LoveWhere stories live. Discover now