49

3.8K 88 30
                                    

(THURSDAY)

10:48 am

Z's POV

At dahil hindi ko matiis si V *eherm*

Nakabihis na ako ngayon (-_-)

Naka black maong shorts ako at white tshirt na may nakatatak na YOLO.

Kinuha ko ang black bagpack ko at nilagay ko ang mga notes ko, pati laptop.

At syempre hindi mawawala ang Napkin, Extra shorts, undies, inhaler at singahan.

Girl scout ako.

Nagblower muna ako ng buhok at ginulo gulo ito.

O ha! Messay hair ang peg. Ganda kaya ng hair ko. Medyo brownish tapos wavy, pero natural to ah! Ang ganda ko talaga pag messy hair. Hikhak.

Nagface powder ako at lipbalm bago naglagay ng perscripto na pabango.

Simple lang, kase maganda naman ako.

Nagsuot ako ng relo at nagdala ng ipit, para cool.

Nang matapos ako ay sinakbit ko ang ang bagpack ko bago nagsuot ng black cap.

Pagkababa ko ng apartment ay naglakad na ako sa sakayan ng jeep.

O diba? Ganda ganda ko ngayon tapos magjijeep lang ako.

Oks lang yan. Di aman yan nakakabawas ng ganda.

Pagkarating ko ay sumakay na agad ako para di maunahan.

-----

Pagkapasok ko ay hinanap ko kaagad sila. Nakita ko naman agad sila dahil matangkad si V at nangingibabaw ang kaputian ni Suga. At syempre nangingibabaw din ang kapangitan--este ang kulay brown na pekeng buhok ni Cassy.

Di sya gumaya sakin. All natural.

Napasimangot pa ako ng makita kong sumandal si Cassy sa balikat ni V.

Hindi nila ako nakikita since nakatalikod sila. Si Suga lang ang nakakita saakin. Sinenyasan ko sya na wag maingay.

"Leche. Late na sya sa usapan! Pa VIP!" rinig kong reklaml ni Cassy.

"Tss. It's just 10:58. Ang usapan ay 11, diba?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Suga.

"Nakakainis! Nahahagard na ako! Baka nagpapaganda pa yon! Akala naman nya gaganda sya, duh!" maarteng sabi ni Cassy.

"Ano bang iniingay ingay mo dyan ah?" ngumisi si Suga.

"Eh ang tagal nya eh! Kanina pa akong 10:15 naandito! Ako yung nauna!"

"Sino ba kasing tanga ang pupunta ng ganon kaaga? Ikaw. 11 ang usapan, 10:15 ka nagpunta dito. Tapos ako pa sisisihin mo. Sinong tanga? Ikaw diba?" Mataray na sabi ko bago naupo sa tabi ni Suga.

"Pfft. Sakto dating mo ah. Tara na." sabi ni Suga.

"Wait lang. Oorder muna akong frappe." paalam ko.

"Wag na! Magpapahintay ka nanaman!" galit na saad ni Cassy.

"Sa susunod kasi, girl. Wag masyadong maaga pumunta, ikaw yung nagpunta ng ganon kaaga tapos isisisi mo pa yang katangahan mo sa iba." mataray na saad ko bago tumayo at nagpunta sa counter.

"Double dutch, frappe. Large. Take out." saad ko sa kahera.

"Okay Ma'am--"

"Miss, 1 chocolate frappe, and 1 slice of blue berry cheesecake." singit ng isang lalaking nakashades. Matangkad ito at maputi.

"Sir may pila po." sabi ng kahera.

"Just please. Ako muna. Nagmamadali ako--"

"E nahmamadali rin ako eh, may kasama akong btch. Ako muna." mariin kong sabi sa lalaki kaya't napalingon ito.

Napatigil ito at inalis ang salamin nya.
Mygaassss! Anggwapo! Owemji!

Tama na ang lande, Akysha.

"Alam kong maganda ako kaya wag mo nang ipahalata." sarkastika kong sabi.

"Oh. Hahaha." nahihiya itong umiwas ng tingin at nagkamot sa batok.

"You look very familiar." naguhuluhang sabi nito.

"Share mo lang?"

"What?"

"Wala."

"Ma'am here's your order." sabi ng kahera saakin sabay abot ng Frappe.

Lalampasan ko na sana ang lalaki ng hinawakan nya ang braso ko.

Nakakunot ang noo kong lumingon sakanya.

"I'm asdfghjkl Jeon. Hope to see you again, Miss." nakangiting sabi nito bago kumindat at inalis ang hawak sa braso.

Ano daw name?

Nakakainis yung busina eh! Kanino bang sasakyan yon!?

Wahhhh! Nakakahiya naman magtanong ulit (T___T)

Wahhhh! Sayang ang fafa!

✔Seenzoned LoveWhere stories live. Discover now