74

2.6K 82 14
                                    

(Saturday)

3:01 am

Z's POV

You're once belong to a happy family.

Many friends who loves you truly.

Until one day, all your dreams had gone fully.

Because a tragic happening occurs with you and your Mommy

A guy named Timothy, didn't died peacefully

Because your face is the one he wants to see.

Before he goes to the heaven, happily.

-----

Masikip ang dibdib ko ng ako'y magising.

Ang mga luha ko ay tuloy tuloy na umaagos. Iniisip kung ano'ng ibig sabihin ng mga nasa panaginip ko.

Masaya ang buhay ko dati? Pero naaksidente ako kasama si Mommy?

Inangat ko ang damit ko at nakita ko ang sugat na matagal ko nang itinatago.

Ang sugat na hindi ko alam kung saan nanggaling.

At...

A guy named Timothy didn't died peacefully.

Ano'ng ibig sabihin no'n?

Masikip parin ang dibdib ko kaya tumayo ako para kumuha ng tubig.

Pagkatapos kong uminom ay humiga na ulit ako sa kama ko.

Pumikit ako at inalala ang mga panaginip ko.

Ang batang nagngangalang Mitmit.
Ang batang kasama ni Mitmit.
Si Mama na may kasamang lalaking hindi ko kilala.
Ang maputing lalaking kalaro ko at tinatawag kong Kuya.
Ang pagkahulog ng sinasakyan naming eroplano ni Mama.

Hindi kaya......?

Talagang konektado ako sa kanila?

Ako ba talaga si Akysha Zeyn Lee?

O...

Nakatira lang ako sa mundo na puro kasinungalingan?

-----

Sorry sa grammarr! Hihe.

Sorry do'n sa mga nagmemessage sa board ko, di ko kayo mareplayan :(

I love you all!

✔Seenzoned LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora