84 (REVELATION)

1.8K 42 23
                                    

Ito na hinihintay niyo mga pips HAHAHA. Hahatiin ko 'tong revelation sa dalawang chaps. Sorry kung hindi kayo masasatisfy sa Revelation, medyo cliché na din kasi HAHAHA

-----
3rd Person's POV

Dinala nina Blaine si Z sa isang malaking kwartong may dalawang mahabang sofa. Maliwanag din sa loob ng kwarto kung saan sila naroroon.

Nang makarating sila doon ay bigla nalang kinabahan si Z, namuo ang pawis niya sa noo. Si Suga at Cane naman parehong may tinatawagan sa kanilang mga cellphone.

At si V naman ay kanina pa blanko ang ekspresyon, natatakot siya kung paano nalang kapag nalaman na ni Z ang lahat.

Maiiwan na naman siyang mag-isa.

-----

Ilang minuto ang lumipas ng may kumatok sa pinto. May dalawang babaeng pumasok kasama ang dalawa pang lalaki.

Agad napatayo si Akysha ng makita niya ang kaniyang Ina at ang kaniyang Tita.

"Ma? Anong ginagawa mo dito?"

"Nak? Anong ginagawa mo dito?" Sabay na tanong ng mag-ina.

Agad na lumapit at yumakap si Akira sa kaniyang anak.

Ng lumingon si Akysha sa dalawang lalaki sa gilid ay agad na kumabog ang dibdib niya.

Sila 'yung mga lalaki na nakita ko kahapon.

At siyempre, nagtaka din siya dahil nandon ang kaniyang Tita.

May alam ba siya? Tanong niya sa isip niya.

Inanyayahang umupo ng dalawang lalaki ang lahat ng naandon. Bakas sa mga mata nila ang tuwa.

Ang magkakatabi sa isang sofa ay sina Akysha, Akira, at Crissa. Habang sa kabila naman ay ang dalawang lalaki at si V. At ang iba ay nakatayo na.

Naging tahimik ang buong paligid. Walang nagsasalita.

"Gusto niyo bang ako na ang mag kwento?" Inip na saad ni Blaine. Gustong gusto na niyang malaman ng mga ito ang totoo.

"Ako na." Pinigilan ito ng isang lalaki. "I'm Aldrix Nathaniel Lee, your father." Tumingin ang lalaki kay Akysha, mga malalalim na tingin.

Tila may bumara sa lalamunan ng dalaga, parang may nakadagan sakaniya.

May tatay ako?

"And..." tumingin ang lalaking nagngagalang Aldrix Nathaniel o tawagin nalang nating Aldrin kay Akira. "I'm your husband."

"Akysha, I'm not really you Tita, your Mom is my bestfriend and Canemithry is my son, your childhood friend." Blankong tumingin lang si Akira kay Crissa, hindi niya inakalang nabubuhay pala siya sa isang kasinungalingan.

"And I'm Margareth Concejero, your childhood kaaway." Sabat ng babaeng bitchesa bago umirap.

"10 years ago, we were a happy family, until a tragedy occurs." Nagsalita muli si Aldrin bago tumingin ing daretso sa mag-ina.

"It's summer at bakasyon ng dalawa nating anak--" napatigil ito ng sumabat si Akira.

"Siya ba 'yon? Bukod kay Akysha, siya pa 'yong isa." Itinuro nito si Suga. Napabuntong hininga ang binata bago tumango.

"How did you know--" pinutol ni Akira ang sasabihin ni Aldrin.

"Nakita ko siya sa panaginip ko. Tinatawag siyang Sugar ni Akysha." Seryosong sabinnito habang nakatingin kay Suga.

Gustong gustong yakapin ng binatang si Suga ang kaniyang Ina at siyempre, si Akysha, ang kanyang kapatid.

Gulat na napatingin si Akysha kay Suga.

"Yes, Zeyn. I'm your brother." Ngumiti ito ng malaki na ikinalabas ng gilagid nito.

Tumayo sa sofa si Akysha bago mabili na lumapit kay Suga upang yakapin ito. Nakangiting gumanti naman ng yakap ang binata.

"Nakakainis ka! Kung hindi ka lang cute dahil labas ang gilagid mo, sisikmuraan kita!" Umiiyak na saad ni Akysha habang nakayakap pa rin ng mahigpit kay Suga.

Napailing na lamang ang binata habang nakangiti parin. Sinuklay nito ang buhok ni Akysha gamit ang mga daliri nito, habang ang isang kamay niya ay nasa bewang nito.

May naramdaman na kakaiba si Akysha, isang pakiramdam na para bang unti unti ng nabubuo ang pagkatao niya. At ang pakiramdam na magkaroon ng Kuya.

At siyempre, si Blaine a.k.a Suga naman ay napakasaya dahil sa ilang taon nilang pagkaulilang mag-ama ay sa wakas, nandito na rin ulit sila.

Tumayo na rin si Akira upang yakapin ang dalawa nitong anak. Sumunod din ang ama nitong si Aldrin.

At doon nila naramdaman ang pagiging isang pamilya muli.

Akala ni Akysha ay buo na ang pagkatao niya ngunit napagtanto niya...

Marahan siyang kumalas sa yakap bago magsalita ng malakas.

"Ikaw V? Anong konekto mo sa'kin?" Tanong ng dalaga na naging dahilan para tumingin ang lahat dito.

Blankong mga mata ang sumalubong kay Akysha, hindi niya alam kung bakit ganito ang mga tingin na ibinibigay nito ngayon.

"At sino si Mitmit?" Muling tanong niya na nakapag patahimik sa lahat.

Gustong gusto na niyang malaman kung sino ang lalaking 'yon. Ang lalaking nagpangako sakaniya ng kasal.

At ang lalaking alam niyang minahal niya.

First love kumbaga.

-----

O diba. Ang lame ng Revelation. HAHAHA. Sorry sa mga madidisappoint. Lolllll.





✔Seenzoned LoveWhere stories live. Discover now