32

4.2K 108 35
                                    

(MONDAY)

3:26 am

Z's POV

Masayang naglalaro ang magkaibigang Mitmit at Eyn noong araw na iyon.

"Eyn! Laro tayong kasal kasalan!" pagaaya ni Mitmit kay Eyn.

"Yun na naman? Lagi naman natin yung nilalaro ah?" sabi naman ni Eyn.

'Bakit kaya ang hilig nya sa kasal kasalan?' tanong ng batang babae sa kanyang sarili.

"Para mapractice na natin! Para kapag ikakasal na tayo sa totoong simbahan ready na agad tayo!" sagot ni Mitmit.

"Tayo ba talaga hanggang sa huli? E mga bata pa kaya tayo!" pagaapila ng batang babae.

"Kung hindi ikaw ang para sakin, gagawin ko ang lahat para ikaw ay mapasaakin pa din." nakangiting saad ng batang lalaki bago hinalikan ang pisngi ng batang babae.

Mabilis akong bumangon at may tumulong luha sa aking kaliwang mata.

Wat da pak?

"Letseng panaginip. Antok pa 'ko eh." inis na bulong ko sa sarili bago nahiga muli.

~Buzz*Buzz*Buzz~

Narinig kong nagvibrate ang phone ko sa lamesa.

Calling...

Unknown Number

Accept     |     Decline

"Hello?" paguusap ko sa telepono.

Sino na namang matinong tatawag ng ganito kaaga? 3:30 palang. Gague sya?

"Aish! Nakakinis. Wrong number? Ayusin mo kasi ang pagtatype mo! Pati akong nananahimik dito inaabala mo! At 3:30 palang natawag ka na agad? Gague ka? Adik ka siguro no? Patokhang kita--"

"I Love You Zeyn, I really do."

Sabi nito bago patayin ang telepono.

Sino to!?

Di ko kilala ang kanyang boses. Sobrang lalim nito.

"Tss! Baka prank lang. Ulul talaga." inis na bulong ko bago nilagay ang phone ko sa lamesa bago magtalukbong ng kumot upang matulog muli.

'I Love You Zeyn, I really do.'

'I Love You Zeyn, I really do.'

'I Love You Zeyn, I really do.'

'I Love You Zeyn, I really do.'

Parang may kumirot sa dibdib ko ng magpaulit ulit iyon sa utak ko.

Bakit!?

✔Seenzoned LoveWhere stories live. Discover now