Prologue pt. 2

1.5K 32 33
                                    

(Continuation~) ElmariaJIN- okay great joke lang.

-----

Hinila ni Suga si Akysha palabas ng mansion nila Timith.

"Teka teka, Suga hyung! Paano natin pupuntahan e hindi naman natin alam 'yung airport na pinuntahan niya!" Sigaw ni Akysha.

"Tss. Isa lang naman ang airport na malapit dito." Palihim na umirap na naman ito.

"Pasama! Pasama!" Sigaw ni Senjin habang inaakay si Naroon papalapit sakanila.

Nang makasakay na sila ay agad na itong pinaandar ni Suga (alangan namang hindi diba--)

Buong biyahe ay iniisip lamang ni Akysha kung maaabutan pa ba nila ito.

-----

Nang makarating sila sa Airport ay agad silang nagpunta sa isa sa mga staff nito.

"Exuse me, nakaalis na po ba ang flight papuntang Korea?"

"Paalis na po, 5 minutes nalang. Baka po nasa loob na lahat ng pasahero." Tugon nito.

Tila nanlumo ang lahat.

Sina Senjin at Naroon na kauuwi lamang upang makikain sa birthdayan ni Tim-- pero dahil miss na din nila ito.

Si Suga na tinutulungan ang kaniyang kapatid.

At si Akysha na nagsisisi.

Ngunit buo ang loob nito na makausap si Tim kaya't nagpunta sila sa entrance ngunit ayaw silang papasukin ng nakabantay dito.

"Ma'am, Sir, 'yung passport niyo po?" Nagkatinginan ang apat, 'yung parang may meaning. Parepareho silang napatingin sa wrist ng bantay at nagtinginan ulit.

May logo iyon ng BTS.

Napangisi naman sa isip niya si Senjin.

"Kuya, Kuya. Do you know BTS?" Galak na tanong ni Senjin.

"Aba'y oo naman! Fan nila ako e, o!" Tumawa ang guard at ipinakita ang kanyang wrist na may logo.

Tumingin naman ng makahulugan si Senjin kay Akysha.

"Kim Namjoon-"

"Kim Seokjin-"

"Min Yoongi-"

At dahil sa pakikisabay ng gwardya sa chant ay napansin lamang niyang nakapasok na si Akysha, ngunit malayo na ito.

Mabilis na tumakbo si Akysha sa may security. Lumingon siya ng isang beses at nakita niyang hawak na nila Suga si Manong Guard.

"Bilisan mo!" Rinig niyang sigaw ni Suga.

Lalampasan na sana niya ang security ng may humawak sakanyang dalawang nakaunipormeng lalake.

"Miss, bawal po kayo dito. Wala po kayong pasaporte."

"Kuya kasi-- si Timith! Aalis siya, hindi siya nagpaalam sakin!" Sabi nito. "Please naman o! 'Pag nakausap ko siya aalis na agad ako!" Pagmamakaawa nito.

✔Seenzoned LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora