Chapter 15

127 1 0
                                    

Rio Gianne Alonzo

"Manang, may sopas po ba diyan o kahit po anong pampainit ng tiyan diyan?"  Sigaw ko sa di kalayuan malapit sa kusina pero wala akong narinig na sagot mula sakaniya. Halos kakagising ko lamang ngayon, nagulat ako kanina nang makitang mag a-alas quatro na pla ng hapon, mukhang napahaba talaga ang tulog ko kaya ginugutom na ako ngayon. Lumapit pa ako ko sa kusina para silipin kung andun siya ngunit nabigo ako ng hindi si Manang ang nadatnan ko doon.

"Wait me at the table, this is almost done." Anang ni Noah habang abala siya sa pagluluto ng sopas.

Damn, that's my all time favorite soup. Laging niluluto sa'kin 'yan ni Mama sa tuwing nagkakasakit ako.

Hindi nalang ako masyadong umimik at dumeretso na sa hapag kainan. Maya maya pa ay lumapit na siya sa akin at hindi ko mapigilang maglaway sa mainit at mabangong sopas na kakasalang lang sa kulay rosas na mangkok.

"Here,  be careful it's hot. " Paalala niya habang marahang inilapag sa harap ko ang sopas.

"I know. " Sagot ko pa bago ako humigop ng sopas, grabe ang heaven, ang creamy at tamang tama lang ang timpla, halos kasing lasa ng luto ni mama. Parang maiiyak ako sa tuwa ngayon.

"Wala ka talagang balak pumasok ngayon? " tanong ko pa rito, umupo siya sa harap ko at tumingin siya ng malalim sa akin dahilan para mapakislot ako sa kinauupuan ko.

Gee, Bakit ganun? Bakit parang iba na ang tama ng tingin niya sa'kin?

"Well,  I already cancelled all of my appointments today besides sa hapon narin and it's my choice. So, yeah. " Sagot niya at parang namalik mata ako ng mapansin ko ang pilyong ngisi niya.

Hala siya.

Hindi na nasundan ulit ang usapan namin at tahimik nalang naming tinapos ang pagkain namin. Tinulungan ko siyang magligpit ng mga pinagkainan namin at nagulat ako nang dumeretso siya sa lababo at nagsimulang maghugas ng mga pinggan.

"Bakit ikaw ang naghuhugas?  Asaan si Manang?" Puna ko rito pero hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa.

"Well, she's probably at the garden right now saka hindi na bumabata si Manang, kailangan nang bawasan ang mga gawain. Hindi sa lahat ng oras ay magrerely tayo sa kaniya, this is just a gesture of appreciation. Ayoko ko rin naman na palitan siya. " Sagot niya habang abala parin siya.  Pero hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang mga sinabi niya dahil hindi ko mapigilang maaliw sa kaniya, he has a very humble side din pala.  Imagine an elite hot guy washing dishes in front of you? Bakit ang sexy niyang tignan habang naghuhugas ng pinggan?

"Ah okay. " sagot ko nalang at pinagmasdan ko pa ang ginagawa niya.

Bwiset,  pinagnanasaan ko na ba ang husband ko sa ginagawa ko ngayon?

"Halos siya na ang naging pangalawang nanay ko magmula ng mawala si Mom, and it's really nice to see her loyalty to me. " Dugtong niya pa at bago siya humarap sa akin ay nagpunas siya ng kamay sa kitchen towel.

Share mo lang ganon? Sabi ko sa isip isip ko pero honestly na amaze ako, akala ko punong puno siya ng pagmamataas pero may down side din pala siya.

"Nilalagnat ka parin ba? " he gently put his cold bare hands on my forehead to check if I still have a fever.

Hindi ako nakagalaw at napako ang paningin ko sa katawan niya , napakalinis niyang maghugas ni patak o talsik ng tubig ay wala akong nakita sa damit niya.

How the hell does he do that?

Marahan kong tinabig ang kamay niya at tumalikod mula sa kanya.

My Temporary Husband (ON-GOING)Where stories live. Discover now