Chapter 11

229 4 0
                                    

"Oh bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Noah nang makapasok kami dito sa isang grilling restaurant. Hindi siya umimik at pinaupo niya ako sa isang upuan na may mahabang mesa.

Umalis siya at pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain. Isang malaking grilled bangus na may isang bowl ng kanin. Umupo siya sa tapat ko at tumingin lang siya sa akin. Pagod na pagod ako dahil kakatapos lang namin maglaro ng airsoft. Feeling ko andami ko ng pasa sa mga binti at braso ko, tawa siya ng tawa tuwing natatamaan niya ako, napaka evil talaga.

Napataas ako ng kilay at nagtanong sa kaniya.

"Ano 'yan?" Turo ko sa pagkain.

"Eat." Sabi niya lang at seryoso parin siyang nakatingin sa akin.

"Ayoko nga, baka ako pa pagbayarin mo, salamat nalang."  Pagtanggi ko naman kahit na takam na takam na ako at gustong gusto ko nang banatan 'yung pagkain.

"Tsk." Napakamot siya ng ulo sa inis, napaka low tempered talaga. Napakislot ako nang ayusin niya ang plato sa harap ko at hiniwa niya 'yung bangus at inilagay sa plato ko 'yung matabang part, ang favorite part ko at naglagay din siya ng maraming kanin sa plato ko. Kumuha din siya ng platito na may toyo at marahang nagpiga ng kalamansi doon at naglagay din siya ng maraming kamatis sa plato ko. Shocks, lahat ng nilagay niya paborito ko.

"Now eat, Little Baby Pig." Tukso niya at leche flan gusto ko siyang sabunutan bigla. Nainis na naman ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama. Tumaas lang ang kilay niya na parang nagtatanong kung bakit ayaw ko pang kumain.

"Ayaw mo? Ako nalang kakain." Sabi niya at tinangka niyang kuhanin ang plato ko pero mabilis kong nakuha 'yung tinidor at itinusok ko sa mesa kaya bigla siyang nagulat at nabitawan niya kaagad ang plato ko.

"Don't touch my food." Diin ko sakaniya.

"Kakain din pala." Bulong naman niya , humalukipkip siya at sumandal ng maayos sa upuan niya. Tumikhim ako at umupo narin ng maayos.

"Nakakarami ka na talaga, isa nalang talaga, Noah." Babala ko pa sa kaniya at umakto akong gigilitin ko ang leeg niya gamit ang tinidor na hawak ko. Ngumisi lang siya at pagak na napatawa.

"Bakit itong part 'yung binigay mo at naglagay ka pa ng maraming kamatis?" Tanong ko habang nagsimula na akong kumain.

"That's your favorite, right?" Kaswal na sagot lang niya at hindi niya parin inaalis ang tingin sa akin habang kumakain ako.

"Huh? Paano mo nalaman? Kakaunti lang ang taong nakakaalam ng mga paborito ko." Nag angat ako ng paningin at napansin kong napalunok siya ng mariin at parang nabalisa siya bigla.

"S-sinabi sakin ni Kyle." Sagot naman niya pero mas lalong nangunot ang noo ko.

"Hindi alam ni Kyle na paborito ko 'to kahit si Kenzie kasi nadidiri sila sa part na 'to." Giit ko naman at lumapit ako ng kaunti sa kaniya.

"U-uh? Siyempre karamihan sa mga pinoy p-paborito 'yan." Sagot niya ulit at parang hindi siya mapakali sa upuan niya.

"Okay." Sabi ko nalang at inayos ko ang upo ko at kumain ulit.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko dahil kanina pa niya ako tinitignan.

"Inaantay ko pa."

"Ows, sabihin mo sa sobrang ganda ko hindi mo na kailangang kumain kasi makita mo palang ako busog ka na!" Tukso ko pa pero naasar lang siya.

"Tumahimik ka na and finish your food, kadiri ka." Depensa niya kaya inirapan ko nalang siya.

Maya maya lang ay may dumating ulit na waitress, may dalang buttered shrimps at banana split na nasa malaking bowl at nagsimula narin siyang kumain pero parang hindi siya marunong magbalat ng hipon. Natatawa ako sa mukha niya parang hapit na hapit nang kainin 'yung shrimps.

My Temporary Husband (ON-GOING)Where stories live. Discover now