Chapter 3

510 9 0
                                    

"Hey, Rio, will you please calm down? Huwag kang magpadalos dalos." Habol sa akin ni Kyle, hinila niya kanang kamay ko at ipinunta niya ako dito sa isang sulok sa labas ng cafe.

"Ayoko sa lalaking 'yon Kyle, paano niyo naging kaibigan ang ganong klaseng tao? He's so arrogant, nagagawa niyang lait laitin ako sa harap niyo at hindi niyo man lang siya maawat." Napabuntong hininga nalang siya kaya inirapan ko lang siya at humalukipkip.

"Rio, look, he's just kidding, ganon lang talaga siya pero mabait 'yun, damn, we're buddies since high school kaya kilalang kilala na namin siya. Siya lang ang alam namin ni Ken na mapagkakatiwalaan, lalo na pagdating sa'yo. I swear he will never ever hurt or harm you. He'll protect you." He held my both shoulders and smiled at me with assurance on his face.

"Trust me okay?" Mas lalo pa niyang pinaamo ang mukha niya pero hindi niya ako basta basta makukuha sa mga ganyang effect niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Hah! Sigurado ba kayo? Unang una ko pa nga lang siya nakasalamuha e ubod na ng kagaspangan ang ugali niya. Lagi lang kami mag aaway pag nagsama kami at imposible din hatang makasundo ko 'yung Villacosta na 'yon. Ano nalang ang sasabihin nina Papa kapag nagkaganon?" Taas noo kong giit sa kaniya pero mas lalo niya lang ako nginitian ng nakakaloko that he even tapped my head like a little child. Damn.

"Ganon ka rin naman, I mean, you're beautiful, and just darn trust us okay? Lalaki kami ni Ken kaya alam namin kung f*ckboy ang isang lalaki o hindi saka ginagawa namin ang responsibilidad namin bilang mga Kuya mo so stop worrying about him, alam naming iingatan ka niya and he will never ever take you for granted. Trust us. Please." Pakiusap pa niya sa akin, napatigil ako at hindi nakasagot agad, may point naman siya, mga Kuya ki nga naman sila, pero buo na talaga ang desisiyon ko lalo't napupuno ako ng bad vibes ngayon, ayoko talaga sa lalaking 'yon.

"Thank you for all your efforts Kyle but I'm really really sorry, this is my final and ultra real decision, ayoko sa kaniya at sigurado akong marami pa akong mahahanap na magiging partner sa plano ko." Natahimik lang siya at nadismaya sa sinabi ko kaya tumalikod na ako at nag umpisa nang maglakad papasok ng kotse.

"Fine, sana hindi ka magsisi at sana makahanap ka kaagad, pero kung magbago man ang isip mo ngayon, kaya ko pa siyang makausap ngayon. Siya lang ang kilala namin ni Ken na qualified para sa'yo at sa plano mo. Hindi ka na namin matutulungan sa susunod kaya sorry and goodluck, Baby girl."  Lumingon pa ako ulit sakaniya, ngumiti siya sa akin at kumaway. Pumasok na ako sa kotse at itinapon ko agad ang bag ko sa bakanteng upuan, napahilot nalang ako sa ulo ko at napaisip. Hindi ko na alam kung saan ako makakahanap ng matinong ka-partner ngayon at parang nagsisimula na hata akong pagsisihan ang mga naging desisyon ko.

***

"Beks, anong mood 'yan? Ba't ang lamya mo today, hindi mo na ba talaga mailalayo 'tong mga machong bodyguards mo sa'yo? Hayy, kailan ka kaya makakagala ng walang nakabuntot sayo?" Malungkot na tanong ni Vance sa akin habang nakatingin lang ako sa kawalan. Pakiramdam ko mawawala na ako sa katinuan anumang oras ngayon.

A week had already passed magmula nang maganap ang meet up namin sa cafe at hindi ko na alam kung ano nang mangyayari sa buhay ko ngayon, hindi na ako kaya pang tulungan nina Kuya na makahanap ng bagong good samaritan at masiyado nang maraming oras ang nasasayang.

Lumingon ako kay Vance at tinanong siya.

"Beks, should I chase and beg him to sign? Worth it bang ibaba ang pride ko sa isang aroganteng nilalang?" Napansin kong mejo nagulat siya sa tinaning ko. Humarap siya sa akin ng maayos at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Haluh? Okay ka lang? May sakit ka ba? Beks, sabihin mong totoo? May taning na ba ang buhay mo? Tell me? Stage four na ba? Bakit hindi mo sinabi samin agad?" Sunod sunod na tanong ni Vance, punong puno ng pag aaalala ang boses niya at mukhang maiiyak na kaya binatukan ko siya at kinurot ang kamay niya na nasa pisngi ko.

My Temporary Husband (ON-GOING)Where stories live. Discover now