Pero hindi yun ang tanong. Ang tanong bakit andito siya? Anong ginagawa niya dito?

I opened my mouth to speak pero agad ko itong sinara at napagdesisyunan na hindi na lang siya kausapin. But after a while, hindi ako nakatiis lalo na at nagiging conscious ako sa klase ng tingin niya na kahit nakashades niya, nararamdaman ko pa din.

“What are you doing here?” I hissed at him.

“Kumakain.” At pasimple niyang kumuha ang toasted bread na kasama  sa salad na inorder ko gamit ang mga kamay niya. “Wala pa ang order ko. Would you mind?” Sabay lagay ng dressing sa inorder kong salad.  Nanlalaki ang mga mata ko.

Hindi ako makapaniwala. Andito ako para makapag isip, tapos makita kita ko siya dito. Paano ako makakapag isip?

“Tinatanong ko kung bakit andito ka din sa lugar na ito! Sinusundan mo ba ako?” Nagngingitngit na sabi ko.  

“Oo. Sinabi ko na sayo na hindi kita hahayaang mag move on. Baka kapag hindi mo na ako makita, bigla mo akong makalimutan at tuluyan ka nang makapag move-on. Naninigurado lang ako.” Baliwalang sabi niya at kinuha na ang mango juice na inorder ko at ininum.

I closed my eyes tightly at huminga ng malalim. Ilang beses kong ginawa yun para pakalmahin ang sarili ko. Paano ako makakapag isip  nang matino kung nandito siya? Kung binubulabog niya ang katahimikan ng lugar na ito?

Dumilat na lang ako nung  nag excuse ang waiter sa amin. Nakita ko pa na kinuha niya ang walang laman na salad plate ko pati na din ang empty glass ng mango juice bago niya inilagay ang dalawang plate ng baby back ribs sa harap namin ni Jayson at ang dalawang mango juice ulit. Napakurap ako. Did he order for both of us?

“Let’s eat.” Sabi niya pagkaalis ng waiter. I snorted. Hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis, maiinsulto o magwawala dahil sa mga nangyayari.

“Kaya ka pumapayat ka kasi salad lang ang dinner mo. Kumain ka ng totoong pagkain. Wag yung damo.” Sabi pa niya at kumain ulit.

“Ano ba talaga ang gusto mo?” Kulang na lang magpapadyak ako dahil sa inis. Tumigil siya sa pagkain at pinunasan ng table napkin ang bibig niya at uminom ng tubig. He is really taking his time. At habang ginagawa ang lahat ng yun, nakatingin lang siya sa akin.

“Gusto mo ba talagang malaman ang gusto ko? Makikinig ka ba?”

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang din siya sa akin. Tapos kinuha niya ang shade niya na nakapatong sa table at nilaro laro ito.

“I want you to need me and I want you to say it.” Mahina ang pagkakasabi niya pero ang lakas ng dating sa akin. I gritted my teeth kasabay ng pagtaas ng dugo ko. At siya pa ngayon ang may karapatang magdemand? Sino ba ang pinagsinungalingan?

“Ahhh… ang kapal ng mukha mong magdemand ng ganun na para bang ako ang may pagkukulang sa ating dalawa. At ikaw wala kang kasalanan. Hindi masama na ibinabalandra mo sa pagmumukha ko ang kalandian niyo ni Marianne. That you lied to me for Marainne’s sake. Ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin tapos magdedemand ka ng ganyan at binabaliktad mo pa ang sitwasyon!” I hissed at him.  

“So,  babalik na naman tayo sa square one. Just for the record Roselyn , ilang beses na ba akong nagsorry sa’yo tungkol sa pagsisinungaling na yun and I didn’t lie for Marianne’s sake.  O baka hindi mo alam kasi hindi mo binasaba ang mga cards sa bulaklak na pinadala ko? Or nakikita mo ba ang mga bulaklak, baka dumiretso sa basurahan? Binabasa mo ba ang text messages ko? And how am I supposed to show you how sorry I am kung ayaw  mong sagutin ang phone mo? Kung ayaw mo akong harapin?  Ilang sorry ba ang gusto mo? Gaano katagal ba kita kailangang suyuin? Gaano katagal ba ako maghihintay sa labas ng clinic mo para kausapin mo lang ako? At nung kinausap mo ako, pagmomove on agad ang sinabi mo? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Kasi ako, madali akong kausap. Pag sinabi mong hindi mo ako patatawarin. Okay fine. Ayaw mong makipagbati sa akin. Okay fine. Nirerespeto ko ang desisyon mo. Kaya respetuhin mo din ang desisyon ko na ayaw kong mag move on ka.” Matigas na sabi niya.  And I remember the days nung sinabi sa akin nung secretary ko na naghihintay siya sa labas ng clinic. May dala ang secretary ko na bulaklak at inilagay ko sa table ko pero hindi ko ito pinansin. Ganun din nung mga sumunod na araw. Napalunok ako. But still…ganun na lang ba yun? 

“Okay fine. Salamat sa effort. Salamat sa bulaklak. Nagsorry ka na pala, hidni ko nakita.  Salamat din sa pagpapakagago sa loob ng dalawang araw. Salamat din sa pagpopoint out sa akin ng mga flaws ko. Instead of explaining yourself, pinamukha mo pa sa akin ang pagkakamali ko at hindi yun gawain ng isang remorseful na tao.” I said sarcastically.

“Because I am pissed off. Gusto kong mag explain pero hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon!“

“You’ve had the chance, but what did you do? You’ve insulted me!” Nangunot ang noo niya at ginulo niya ang buhok niya. He is annoyed, I am annoyed and we are both annoyed. Hindi kami makakapg usap ng matino kung ganito kami.  

“Anyway,  I cannot give you what you want. You have to earn it. If you can’t accept that then…just get the hell out of my life.”  And I know I didn’t mean it. Hidni naman yun ang ibig kong sabihin. I was just carried away by my emotion pero yun ang lumabas sa bibig ko at pinagsisihan ko agad yun the moment I saw the hurt crossed his face. Pero agad ding nawala ang emosyon na yun. Naging kalamado ulit siya. Tapos tumayo na sa table.

Buong akala ko aalis na siya. Na lalayas na talaga siya katulad nang sinabi ko. Pero nagkamali ako dahil instead na umalis, lumapit pa siya sa akin yumuko ang bumulong sa tenga ko.

“Make me.”

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon