Chapter 15

468 13 0
                                    

Chapter 15

Sa kalagitnaan ng conference hindi sinasadyang nagtama ang kanilang mga paningin. Tumagal ito ng ilang segundo. Unang nag-iwas ng paningin si Yona. Samantalang may bahid ng gulat ang mga mata ni Gelo ng makita niya si Yona sa lugar na ito.

Di na makapakali si Yona. Naisip niya na bakit andito si Gelo. At sana di na lang siya umattend para di sila nagkita.

Matapos ang conference ay agad na umalis si Yona. Agad namang sinundan ni Gelo si Yona.

"Yona sandali lang. Yona wait let's talk. Let me explain."

"Para san pa narinig ko naman kayo na nag-uusap nun ni Lester. Rinig na rinig ko kung paano mo ako niloko. Bakit ako? Hah. Ako na walang kasalanan sayo. Bakit di na lang si Kuya? Or si Ate Yel? Bakit ako Gelo!"

"Sorry. Alam kong mali yung ginawa ko dinamay kita kahit wala kang kasalan. Mahal ko pa kasi si Mark nun pati si Yel di ko kayang sila ang paghigantehan naisip ko na ikaw na lang."

"Ako na lang. Tsk. Di mo ba naisip na masasaktan mo ako. Pasalamat ka di kita isinumbong sa kuya ko. Ayoko lang naman matupad ang plano mo. Ayokong masaktan sila ni Ate Yel. Tama na ako lang nasasaktan. Gelo masakit pa rin. Di kita mapapatawad pasensya na. Kaya sana please sana huli na tong pagkikita natin. Please."

"Yona."

Tumalikod na si Yona at mabilis na naglakad palayo kay Gelo. Samantalang nakatulala naman si Gelo sa kanyang kinatatayuan.

Author's Note

Oh di pa to ending may epilogue pa. Sige po enjoy kayo sa pagbabasa.

My Gay Version of Revenge (Completed)Where stories live. Discover now