Chapter 4 - Moving On

602 22 3
                                    

Gelo's POV

Ilang araw na akong di pumapasok sa school. Parang nawalan ako ng gana bigla. Alam ko korni pero gusto ko ng mamatay. Ang sakit talaga. First boyfriend ko siya tapos first heartbreak ko din pala. Isa din kasi ako sa mga nangangarap na ang first boyfriend ko ay siya na yung huli, yung makakasama ko habang buhay.

Sobrang sabog ng mga nangyayari sakin. 1 week na akong absent sa school at hinahanap na ako ng mga classmates ko. Ilang araw na nga nila akong kinocontact pati na rin ni Yel. Pero di ko pa kasi siya kayang kausapin.  

 Isang malaking sampal ng realidad ang nangyari sakin nung sabado. Bakla ako at sabi nila wala daw nagtatagal na relasyon sa mga katulad namin. Hay.. parang malapit na akong maniwala.

Sa totoo lang mahal ko pa talaga siya. Feeling ko tuloy matagal pa bago ako makamove-on sa kanya. Di ko tuloy mapigilang magreminisce sa mga panahong masaya kami hanggang sa pinakauna naming pagkikita.

 Yung love story namin parang typical lang. Nagkakilala kami ni Mark dahil sa common friends namin hanggang sa naging friends kami at nagkadevelopan at tumagal ng 1 year. Oo kinoconsider ko na 1 year kahit na sa ika-365th day siya nakibreak sakin. 

Maayos naman yung isang taong relasyon namin eh. Mahal ko siya at mahal niya ako ramdam na ramdam namin na mahal namin ang isa't isa. Kaya nga sobrang nagulat ako sa mga rebelasyon niya sakin. 

 Sa totoo lang kahit 1 week na ang nakalipas di pa rin nag-sisink in sakin na hiwalay na kami ni Mark at ipinagpalit niya ako sa bestfriend ko. 

 Anung nararamdaman ko? sobrang lungkot, ang sakit, ang sakit sakit. Halos di na nga maubosan ng luha ang mga mata ko. Lagi akong naiiyak lalo na pag naalala ko yung mga pinagdaanan namin ni Mark.         

Gusto kong magalit gustong gusto kong magalit sa mundo, kay Mark, kay Yel at sa sarili ko.  Sa sarili ko kasi ang tanga ko di ko man lang napansin ang mga pagbabago. Masyado akong naging kampante sa pagmamahalan namin sa isa't isa. Masyado akong naniwala na magtatagal kami at di siya magsasawa. 

Sobrang sakit wala akong magawa kundi umiyak, mag-isip, uminom. Oo natuto akong uminom dahil di ko alam kung papano iibsan yung sakit na pumipiga sa puso ko. 

Sana mawala na tong nararamdaman ko sayo at makamove on na ako Mark. Sana lang di mo pagpalit si Yel sa iba tulad ng ginawa mo sakin. Mahal ko kayo pareho at kahit nagkamali kayo sakin ay hanggad ko paring maging masaya kayo.

Pero..

Sobrang sakit ng nararamdam ko at binubulag ako ng galit ko sayo, Mark. Pinatulan mo bestfriend ko na parang kapatid ko na. Pwes yung kapatid mo ang paghihingantihan ko dahil mahal ko kayo, siya na lang ang sasaktan ko. Pag nasaktan siya, masasaktan ka rin. Quits na tayo pag nagkataon.

 "Magbabayad ka, ipapatikim ko sayo ang sakit na ipinaramdam mo sakin. Lintek lang ang walang ganti, Mark."  

And this is the start of My Gay Version of Revenge.


My Gay Version of Revenge (Completed)Where stories live. Discover now